Ey's POV:
"Nakakainis aish.."
"Sistah kalma lang" Nandito kami ngayon ni Louie sa condo. Iniisip ko parin yung nangyari kanina. Medyo naguguilty ako kasi napahiya siya...eh... kasalanan ko bang assuming siya?
"Sistah bakit naman kasi siya ganun? Ako pa tuloy na guiguilty."
"Aba! Si Ajay pinaguusapan dito duh. Matalino, pogi at mayaman pa!"
"Ohh? Ehh ano naman? Typical boy sa stories sus."
"Nako! Ganyan ka ha! Syempre sanay yung tao na may stalkers..Maiinlove ka dun for sure!" Binato ko siya ng unan at inirapan.
"Matulog na nga tayo!"
**Kinabukasan**
Kasalukuyan akong nasa Music class. As usual nakikinig ako sa teacher dahil ayaw ko ng mababang grade sa card ko. Nakaupo ako sa hulihan malapit parin sa may pintuan yun nga lang.. dalawang bakanteng upuan ang layo ng pintuan sakin.
May narinig akong may umupo sa katabi kong upuan. Hindi ko na lang pinansin kung sino.
Bakit ganun? Feeling ko may nakatingin sakin?
Tumingin ako sa katabi ko at laking gulat ko.. Siya pla ang katabi ko..
Si Ajay..
Pinagmasdan ko siya. Nakikinig lang rin siya sa teacher namin.
"Bakit mo ako tinititigan?" Tanong niya sakin na ikinagulat ko.
"Ha? Hindi ah!" Tanggi ko.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina at ngumisi sakin.
"So.. pagpapartnerin ko kayong lahat para sa presentation niyo ng kanta. Para madali yung katabi niyo na lang." Sabi ng teacher namin.
Tumingin ako sa kabilang side ko may partner na yung babae. Don't tell me! No choice! Nakakainis!
Tumingin ako kay Ajay. Nakatingin rin siya sakin.
"Practice tayo mamaya" Sabi niya at bigla siyang ngumiti.
Goodluck Ey..
BINABASA MO ANG
--
RomanceSa larong ito, kaninong puso ang masasalo at kaninong puso ang maiiwang luhaan. Copyright © 2015 by: GeekyAndNotSoGirlish