CH 1.3

915 27 6
                                    

Ey's POV:

Nandito kami ngayon sa garden. Ito daw ang pinakatahimik na lugar sa buong school. Maganda dito, madaming bulaklak at ibat ibang halaman. Nandito kami sa isang puno, nakasandal.

"Anong kakantahin natin?" Tanong niya sakin.

Tumingin ako sakanya. Ano nga kaya ang kakantahin namin? Tanungin ko kaya siya.

"May paborito ka bang kanta?" Tanong ko sakanya.

"Uhh.. meron.. kaso.."

"Kaso?" Tanong ko sakanya. Bigla siyang namula. Bakit kaya?

"Gusto ko yung kantahin sa babaeng gusto ko.." Sabi niya sabay kamot sa batok.

"Ahhh.. Sige iba na lang."

"Gusto mo magsearch tayo ng kanta? Dala ko yung laptop ko." Kinuha niya yung laptop niya sa bag at binuksan ito. Nang mabuhay na yung laptop napansin ko yung wallpaper niya..

Babae?.. Sino kaya yun?

"Sino yung babae?" Sabi ko sakanya. Agad  siyang nainis at sinara yung laptop niya. Binalik niya iyon sa bag.

"Wala yun. Dito na lang tayo sa phone ko mag-search." Sunget! Sabi ko nga hindi na ako magtatanong. Tss.

Siguro.. Girlfriend niya yun.

Nagsearch kami sa phone niya. Madaming pagpipiliaan kaya nahihirapan kami. Biglang may tumawag sakanya sa phone. Nagpaalam siya na sasagutin lang niya.

"Ahh.. sige.. kailangan ba talaga ako jan?.. Why did you call me just now, dapat kanina pa.. tss... oo na.. Next time, you should call me earlier..okay bye.."

Tumingin siya sakin.

"Ey, sorry.. Nagkaproblema kasi sa student council and we need to do something about it. Bukas na lang tayo magmeeting tungkol sa kanta. I need to go. Hatid na lang kita sainyo. Saan ka ba natira ngayon?"

"Ahh.. Sa condo.."

"Sige tara!"

At hinila niya ako..teka...

Hawak niya ang kamay ko?.. lub..dub..lub..dub..

To be continued..

--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon