Reincarnated Love

2 0 0
                                    

"Okay kana?" my friend ask.
Umiling ako, ewan ko ba buong araw na akong hilong hilo pero hindi naman mawala wala nakailang tulog na ako ngayong araw na ito. Kainis kung kelan maganda ang araw ngayon naman na sumama ang pakiramdam ko.

"Oh etoh inumin mo yan, pagkatapos mo kumain jan" sabi niya sabay lapag ng gamot sa tabi ng baso ko.

"Pwedeng wag na lang?"
"At bakit ha?"
"Hindi ko kayang uminom niyang tablet kapag masama ang pakiramdam ko"
"Hindi pwede, para nga gumaling ka kaagad"
"Opo sige"
"Wag mo ka ngang gumanyan Marie, kumain kana para makainom kana ng gamot"
"Etoh na po kamahalang Roland, tch"

Pinanlakihan niya lang ako ng mata at tumalikod na papuntang kwarto niya.

Oo, tama magkasama kami sa iisang bahay eh pano ang gago kung hindi ako aayain matulog sa bahay nila, sa bahay naman namin nakikitulog kaya nagpasya kaming bumili ng bahay para pag trip naming matulog sa bahay kung nasan ang isa dun kami pupunta. Okay din, para rin makapagpahinga kaming dalawa.

Pagtapos kong kumain, ay ininom ko na ang gamot na ibinigay ng kapreng yun. . tangkad na nilalang tsk. Dumiretsyo ako sa kwarto niya para silipin kung anong ginagawa niya, at yun hindi nga ako nagkakamali nagsusulat na naman siya ng kanyang historical story. Hindi ko itatangging maganda ang mga naisulat niya ha pero medyo weird kasi hindi siya historical fiction, as in iyon ang nangyari nung sinaunang panahon. . well back where i am, etoh ako nakahiga nagpapaantok dahil sobrang hilong hilo na talaga ako.

Minulat ko ang mga mata ko, teka nakatulog ako? wait what the hell?! na saan ako? bakit ganto na itsura ng kwarto ko? gago talagang Roland yun ohh. Bumangon ako, at lumabas ng kwarto. . . iba na itsura ng buong bahay, what the heck really happened? where am i?

"Oh tere gising kana pala" sabi ng kung sino sa aking likod dahilan kung bakit ako nagulat

"Fuck!" tili ko
"Ano bang sinasabi mo riyan tere?" boses matandang babae.. kaya nilingon ko ito at tila huminto ang aking paligid dahil napakaganda niya kahit na matanda na pero mas lalong kong ipinagtaka na sinauna ang pananamit niya kaya napatingin din ako sa aking sarili, nangasim ang mukha ko dahil pangsinauna na din etoh, tsaka bakit ba ako tinatawag netong Tere? eh Marietta ang pangalan ko..

"Sino po kayo?" tanong ko
"Ano bang nagyayari sayo Maria Teresa?" kunot noong sabi neto.
"Maria Teresa Carlson?" takang tanong ko
"Pangalan mo iyan anak ko"
"H-ho?!" gulat kong sabi
"Ahy jusmiyo Tere, may anak ka na't lahat dito ka pa sa bahay natin natutulog"
"Ano na hong taon ngayon inay?" napilitan kong tanong
"2001 anak, bakit?"
"Ah.. ano pong buwan at araw?"
"Nobyembre bente dos, ano bang nagyayari sa iyong bata ka ha?"
"Wala po inay hehe" kamot ulong sabi ko

Bukas na ang araw ng pagkamatay ko I mean ni Maria Teresa

"Inay.. nasan nga po pala ang mga bata at si Rodolfo?" tanong ko
"Nasa bahay niyo saan pa ba Tere?"
"Pwede niyo ho bang ihatid ako sa bahay namin inay? Gusto ko ho sana kayo makasama eh"
"Sige maghintay kana sa baba at sabihan mo ang ang ating driver"

tumango na lang ako at sinunod ang inay.

"Ingat ho kayo" saad ko sa nanay ni Maria at pumasok na sa loob ng bahay ng mag asawang Fariñas.

"Musta ang pag stay mo sa bahay ng magulang mo?" tanong ng kung sino sa gilid ko

Laking gulat ko nang makitang si Roland toh, hala gago?

"Rodolfo?" tanong ko..
"Tila gulat na gulat ka ata mahal ko?" lumapit eto at hinalikan ako sa labi.

putangina halaaa sobrang kamukha ni Roland si Rodolfo.

"H-ha? hindi ah nagulat lang ako dahil akala ko ay nasa taas ka"
"Ganun ba?"
"Oo mahal ko, ganun nga" nakangiting sabi ko

Niyakap ko siya, habang nakayakap ako sakanya ay naalala ko ang nararamdaman ko para kay Roland. Oo tama, gusto k- mali, mahal ko siya matagal na.. siguro masasabi ko na mahal ko siya pero hindi sakanya mismo.

"Mahal kita Rodolfo" tugon ko
"Mahal din kita aking Teresa"
"Oo nga pala, nasan ang mga bata? bakit hindi ko man lang sila makita o marinig ang kanilang ingay"
"Nasa labas ang mga bata, nasa may parke naglalaro"

tumango ako at lumayo sakanya
"Bakit?" tanong niya
"Wala lang, gusto kita makasama habang wala pa ang mga bata kung okay lang sa iyo?"
"Oo naman mahal ko"

Si Maria Teresa Carlson ay isang actress at beauty pageant contestant. Ipinanganak ito sa Manila ngunit lumaki sa San Francisco, California. Nang dumating sa edad na labing-anim ay nagdesidido itong sa pilipinas na tumira nang bumisita ang pamilya niya rito. Noong labinsiyam pitumpu't siyam na taon, ay nanalo ito ng Miss Young Philippines at nirepresinta ang bansa sa Miss Young International Pageant sa Tokyo. May anim na anak sila ni Rodolfo, ito ay sina Ria Christina, Ryan Christopher, Rudys Caesar I, Rudys Caesar II, Rodolfo Jr. at Rodolfo III.

"Ma, Pa!" sigaw ni Ria kaya lumabas na ako sa kwarto ng mag asawang Fariñas.

bumaba ako at tinignan ang mga anak ng dalawa, ang gaganda at gagwapo nila. Hinalikan ko isa isa ang mga ito sa kanilang sintido.

"Kamusta kayo?"
"Okay naman po ma, kayo po?" tugon ni Rudys Caesar I
"Heto, pagod ang nanay niyo"
"May nangyari po ba?" tanong ni Ryan

Umiling ako at tumayo.
"Gusto niyo ba ng meryenda? May ipinadala sakin ang lola niyo na kakanin meron sa kusina, Hali kayo" naglakad ako papunta sa kusina at ipinaghain sila ng kanilang meryenda.

Eto na ang araw kung kelan mamamatay si Maria Teresa. Kaninang umaga ko pa hindi makontrol ang katawan niya, hindi kaya nandito rin siya sa kanyang katawan? Hindi ko namalayan na nagtatatakbo ako at

"Rochille bilisin mo, takbo! hinahabol nila tayo!" sigaw ko habang tumatakbo hanggang sa mapunta ako sa balcony dito sa dalawampu't tatlong palapag ng 2000 platinum condominium sa greenhills, San Juan City. May kung sinong tumulak sakin at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

"Marietta putangina gumising ka hoy" alalang sigaw ng boses na ito.

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Roland na halata sa kanyang mukha ang pagkaalala.

"Ha? Bakit?"
"Binabangungot ka"
"Ha? Anong araw ngayon?"
"November 23, 2019"
"23? so kahapon pa ako tulog?"
"Oo kaya nag alala agad ako kanina ng marinig kitang sumisigaw"
"Bangungot lang lahat?"
"Ano bang sinasabi mo?"
"W-wala"

tumango ito at hinaplos ang noo ko

"Wala ka ng lagnat, pero alagaan mo pa rin sarili mo"
"Opo boss"

Lalabas na sana siya ng aking kwarto ng tawagin ko siya

"Bakit?"
"Mahal kita matagal na" pag amin ko
"Alam ko, mahal din kita" ngumiti ito sakin at lumabas na ng tuluyan sa aking kwarto.

Maria Teresa Gerodias Carlson. ito ang laman ng aking search history sa google, hindi ko man alam ang tunay na kwento sa likod ng krimen na nangyari sakanya, pero ito ang dahilan kung bakit napaamin ako sa mahal kong si Roland Justine Bautista.

Sky's OneshotWhere stories live. Discover now