Psycho Love

3 0 0
                                    

"Wait girl diba si Theo yun?"  Pag tatakang tanong sakin ni kia bestfriend ko na agad ko namang nilingon.

Namataan ko sa di kalayuan si Theo na may kahalikang babae .

"Kung di ako nag kakamali ex girlfriend nya yun" saad ko sa aking isipan kaya di na ako nag dalawang isip at agad silang nilapitan.

Agad kong pinaharap sakin ang boyfriend ko at sinampal bakas naman sa mukha nya ang pagkagulat.

"Walang hiya ka! pano mo nagawa sakin ito, lahat isinakripisyo ko bakit mo parin nagawang magloko!" Pasigaw na tanong ko sa boyfriend ko.

"Mag papaliwanag ako babe please listen to me" pag aalo niya sakin na sya namang pag tulak ko palayo.

"Anong ipapaliwanag mo Theo eh huling huli na kita, please lang wag mokong gawing tanga" pag sasaad ko habang walang humpay ang pag bagsak ng mga luha ko na kanina pa gustong kumawala.

Nagising ako dahil sa ingay na nag mumula sa baba.

"Panaginip nanaman" saad ko saking isipan bago mag mulat ng mata.

Naramdaman ko naman ang pag dampi ng labi ni phillip sa aking pisngi.

"What's wrong sweetie?" Takang tanong niya sakin ng mapansin ang pagiging tulala ko.

"Nothing babe antagal na rin pala nag daan simula nangyare satin yung bagay na muntik makasira sa nasimulan natin" mahabang aniya ko.

"But it's okay babe wala na yun, 7th anniversary natin ngayon babe right?" dagdag na saad ko para mapawi ang namumuong tensyon sa pagitan namin.

Agad naman siyang ngumiti at hinalikan ako sa noo.

"Happy anniversary babe"  masayang saad niya sakin na nginitian ko naman.

"Babe darating pala mamaya si kia pinapunta ko kasi siya" saad ko at agad na tumayo sa pag kakahiga.

Napatingin naman sya sakin at tumango "Sure babe no problem." Nakangiting saad niya sakin.

Napapikit nalang ako nang makaramdaman ako na masakit sa ulo ko

"Shit wag muna ngayon...." inis na aniya ko sa isipan ko.

Hindi ko matandaan kung kailan yung huling sumakit ng ganto ulo ko parang binibiyak.
Napahinga naman ako ng maluwang ng makita kong palabas na ng kwarto ang aking kasintahan.
Pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil may mas maganda pa akong plano para mamaya.

***

Napatingin ako sa pinto ng tumunog ang doorbell hudyat na nasa labas na ang bestfriend ko.

Agad naman akong lumabas para pag buksan sya ng pinto.

"Oyy bess ang aga mo ahh" bungad ko sa pag bukas ko ng gate sabay beso.

"Sinisipag kasi ako ngayon bess kaya napaaga" sagot niya sakin at inabot ang mga pinamili nya.

"Ito naba lahat yun?" Tanong ko sakanya at tumango naman sya bilang sagot.

Pinasok ko naman sa loob yung mga gamit, napansin ko naman ang paghinto niya at tumitig sakin

"Anong plano mo?" Tanong niya at ako naman at nag uumpisa ng mag asikaso

"Kinakabahan ako" dagdag niya pa at binitawan ko naman ang hawak kong kutsilyo.

Tumikhim muna ako bago nag salita,

"Ano bang sinasabe mo kia, wala akong gagawin, okay?" natatawang sagot ko sakanya.

Nakita ko naman na sumama ang tingin niya hindi ko nalang pinansin at nag patuloy sa ginagawa.

"Kamusta ka? Alam kong may nangyayari sayo" pag uusisa naman niya sakin.

Sky's OneshotWhere stories live. Discover now