Hindi ko namalayan ang oras mag a-alas ocho na pla, kaya pag dating ko sa bahay ay sermon at galit na galit nanaman si papa.
"Gabi Gabi ka nanaman umuwi anong klase ka bang bata!, san kaba nag mana! Umayos ka nga!, Isang beses pa na umulit ka nian, Papalayasin talaga kita, walangya ka!"
"Papa, Gusto mo ngayon nio na ko palayasin, aalis at aalis ako kung ayaw nio saken, Ganito ugali ko kase hindi nyo ko binibigyan ng atensyon!"
Sinampal ako ni papa dahil sinagot ko sya, pero tama naman ako ehh, hindi niya ko binibigyan ng atensyon, puro na lag sya trabaho. ako rin naman nahihirapan sa kanya ehh!
Umalis ako sa bahay at nag punta ako sa bahay ni Charles. Kumatok ako sa pintuan niya at pag bukas niya ay niyapos ko sya ng mahigpit, pinapasok niya ako sa kanilang bahay para dun pansamantalang manuluyan.
"Charles, pwede ba ako dito sa inyo pansamantala lang naman kase nagaway kami ni papa ehh. pinalayas niya ako"
"ahh ganun ba, sige aalagaan muna kita, dito ka na tumuloy, dito ka na rin matulog."
"Salamat talaga Charles, malaki na utang ko sayo"
Ilang araw ako nanirahan at nanilbihan sa bahay ni Charles. Nung isang araw nag try akong mag luto ng isda. sa halip na maluto ng maganda, Malapit na sya masunog kaya tinulungan na ako ni Charles. buti na lang nandyan si charles para gabayan at tulungan ako. Feeling ko asawa ko nga si Charles ehh kasi nakatira kami sa isang bahay nag natutulog ng sabay.
Isang Araw habang nagbabasa ako ng dyaryo.
"Ako toh ahh, hmm Wanted ako!!???" "Kailangan hindi toh makita ni Charles"
Biglang dumating ni charles.
"Rhona may problema kaba?" Charles
"Ayy wala ahh, Tara nood na lang tayo ng TV" Sabi ko
"Sige na nga, Sabihin mo lang pag may Problema ka ahh, nandito lang ako sa tabi mo"
"Salamat ahh, buti nakilala kita, paano na kaya ako pag wala ka sa tabi ko."
Mahirap sabihin ang problema mo kung ang pag sasabihan mo ay makaka apekto pag nasabi mo sa kanya yung problema ko. kaya inilihim ko na lang na hinahanap na pla ako o sa madaling salita ako ay Wanted na.
Isang araw nag try ulit akong mag luto ng itlog para aming kainin ni Charles. Nang bigla na lang akong nahilo at nakaramdam ng panghihina. hindi ko na rin namalayan na nagdudugo na rin ang ilong ko at bigla na lang ako nahimatay.
Nakita ako ni Charles na nakalupaypay sa sahig, hindi ko alam na dinala na pla ako ni Charles sa Ospital kahit malakas ang bugso ng ulan.
Dumating sila papa at si benjamin upang alamin ang nang yari sa aking kalagayan. Lumabas na ang Doktor at sinabing ako daw ay may Sakit.
Nakita pla ni papa si Charles, Pinuntahan niya ito at pag katayo ni charles ay sinampal ni papa si charles. at snabing:
"Anong ginawa mo kay Rhona!"
"Wala po. Dun lang po sa aking bahay nanuluyan si rhona. sabi niya wala na daw syang matutuluyan ehh"
"Eto tatandaan mo, pag may nangyaring masama kay rhona. Malilintikan ka sa akin. mananagot ka sa kasalanan mo oras na malaman kong may ginawa ka sa kanya"
Nang ako ay gumising, ang una kong nakita ay si Benjamin na nakaupo sa nakatulog na ata sa pag babantay sa akin.
"Charles......... Charles.................."
Habang binabanggit ako ang pangalan ng aking mahal, Bigla akong kinausap ni Benjamin.
"Ayus kanaba Rhona?" Benj
"Ahh ikaw pla yan, oo ayos na ako." Sabi ko sa kanya
Lumabas ako nga ospital ng kasama sina Papa at si Benjamin. Tinanggap ako muli ni papa upang mag simula ng bagong buhay.
Makalipas ang isang araw, pumunta ako sa bahay nila Charles, Habang nag lalakad ako bigla ako nakakita ng taong nakahiga sa may iskenita. Nilapitan ko ito at nakita kong si Charles pla iyon. 3 ang tama niya ng baril.
"Tulong!!! Tulungan nio ako. Tulungan natin si Charles!!!!!" (Habang Umiiyak)
Hindi ko alam Sinundan pala ako ni Benjamin. Tinulungan niya akong Dalhing ang kawawang si Charles sa Ospital. Pag kalabas ng Resulta kay Charles ay sinabi na nang doktor kung ako ang kalagayan niya. Sabi ay PATAY na daw ang aking mahal na si Charles. wala akong nagawa kunghindi umiyak at naging sandalan si Benjamin.
Hindi ko man nasabi ang Feelings ko para kay Charles. Pero alam niya sa sarili niyang Mahal ko sya. Hindi ko man masyadong naipakitang napakahalaga niya para sa akin dahil dumating siya sa buhay ko. Napasalamatan ko naman sya ng marami at ako ay panatag na makakarating sya kung saan sya nararapat. Sa langit. Lagi akong nagdadasal upang mapanatag ang aking puso.
(Bakit ba ganito lahat na lang ng minamahal ko iniiwan ako)
Andami nang pag babago ang nangyari sa buhay ko, Laging saglit ang mga kaligayahang aking natatamo. Bakit ambilis umalis ng biyaya. bakit ang damot damot sa akin ng Tadhana.
(Isang Araw)
"Pa, Nahanap na ba ang pumatay kay Charles?"
"Oo anak, naka-away niya daw yun sa may underground na parking lot dun sa malapit sa school nyo daw"
"ahh pa, sige salamat po"
"Pinakulong ko na sya mag ka mag alala"
Hindi ko nakayanang hindi umiyak dahil naalala ko pa yung mga pangyayaring iyon. Nakikipag away siya at itinakbo niya ko upang iligtas sa kapahamakan. Yung humahabol sa kanya ang pumatay sa kanya.
"MAHAL NA MAHAL KITA CHARLES! malaki ang utang ko sayo. Sorry binigo kita. Hindi kita naprotektahan." (walang kinakausap, nagsasalita sa hangin)
Isang araw ang Dumaan Kinausap ako ni papa:
"Anak, handa ka na bang makapag asawa?"
"Pa naman sino ba yun?"
"Anak, Si Benj, hindi mo ba alam mahal na mahal ka niya. ikaw na lang ang iniintay niya. kung ayaw mong pumayag, tutol ako dun, sa ayaw at sa gusto mo mag papakasal kayo."
"Papa, ayaw ko" "Papa Hindi nyo alam nararamdaman ko!"
"Wag ka nang umayaw. wala ka rin namang magagawa ehh. Andito lang ako. Pati si Benj Mamahalin ka niya ng tunay, mag tiwala ka anak."
Wala na akong nagawa, hindi ko naipaglaban ag katarungan ko, yung nararamdaman ko. Hindi ko nasabi yung nilalaman ng puso ko. Papakasalan ko ang lalaking hindi ko naman minahal simula pa nung una. hindi ko na alam ag gagawin ko.
Ngayong Araw, Ang araw kung saan mag iisang dib dib kami ni Benjamin. Sana maging panatag ang loob ko pag harap ko sa altar. hanggang sa matapos ang Kasalan. hindi ko naramdaman ang saya kundi ang nararamdaman ko ay ang pag-aalinlangan. bakit ito nang yari sa akin. hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga panahong iyon. ang tinandaan ko nalaman ay ang bilini ni papa na ""Andito lang ako. Pati si Benj Mamahalin ka niya ng tunay, mag tiwala ka anak."" Iyon ang nag papatatag ng akong puso. Sana hindi na Lumayo sa akin si Benj. Dahil sya na lang ang kayang kong mahalin. kakayaning kong kalimutan ang mga nakaraan para lang sa kasalukuyan.
3 taong na nga ang lumipas ay madali akong nakapag move on kina Charles at Jayson.Masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit ang lalaking aking pinakasalan ay hindi ko minahal nang una pero natutunang kong mahalin, dapat lang ay may oras ka para makapag desisyon sa mga gagawin mo sa kasalukuyan.
Iyon ang aking naging pananaw, Ang mga taong naging parte ng aking buhay
Ang aking natutunan sa pag mamahal ay Hindi masamang magkamali ang mahalaga lang ay matutunan mong mahalin yung taong nandyan na pala pero hindi mo lang pinapansin dahil may pinagkakaabalahan kang iba. <3 Maraming pagbabago sa buhay ko kaya ang ginawa kong title ng story na toh ay Everything Has Changed
Kala Niyo Tapos na no? May kasunod pa yan! haha
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
RomanceTungkol sa isang babaeng napagkaitan ng tadhana dahil lahat ng minamahal niya ay nawawala dahil sa hindi maipaliwanang na pangyayari. Simula ng mamatay sila tinanggap nalang niya ang lalakeng pinag kasundo ng kayang ama. Short Story. Hindi man sila...