The Last Time

86 1 1
                                    

THE LAST TIME (CHAPTER 8)

Isang Bagong Kabanata ng Buhay ni Rhona ano kaya ang Mangyayari sa kanya sa kanyang pagbabagong buhay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isang Magandang araw habang naglalakad ako sa may kalye upang bumili ng mga gamit sa opisina., ng biglang tinawagan ako ng papa.

“Tulungan mo ako”  Nakakaawang Sabi ng tatay ko

“Dad? Anong nangyari sayo? Daddy! Daddy!”  Pag aalalang Tugon ko.

Tuuuuuut.... tunog ng Cellphone na parang bumagsak. Agad kong pinuntahan si papa, nakita ko syang nakahiga sa may sahig na para bang patay na. Dinala ko kaagad ang aking papa sa Ospital. Ilang sandali pa lamang ay dumating si Benjamin para malaman at samahan ako sa Ospital 

"Babe, Ayus ka lang ba?"  Pagaalalang tanong ni benj sabay yapos.

"Oo Babe, pero si papa nasa Loob pa, hindi pa nalabas ang Doktor"  Sabi ko

Ilang oras kami nag intay  ni benjamin sa labas pero wala paring doktor na lumalabas. Umalis sya sandali upang bumili ng makakain. Hindi pa man tumatagal ay bumalik na kaagad sya na may dala dalang pagkain.

"Eto ohh makakain, kain ka muna habang nag iintay"  Sabi ng Benjamin

"Salamat ahh Benjamin, Malaking utang ko sayo"  Sabi ko naman

"Wala yun ikaw pa, mag kasama tayo sa hirap at ginhawa"   Sabi ni Benjamin

(Pag katapos na pagkatapos nilang kumain ay Lumabas na ang Doktor)

"Dok kamusta na po si papa?"  Sabi ko

"Ayus na sya, kailangan lang niya ng pahinga"  Sabi ng Doktor.

"Ano pong karamdaman niya Dok"  Sabi naman ni Benjamin.

"Base sa mga pagsusulit namin, May Leukemia po ang ama ninyo"

"Ha.. Pano nang yari yon?"  Sabi ko

"Dahil po sa Abnormal na pag dami ng kanyang WBC at mahina na rin po ang mga buto niya, siguradong mahihirapan na rin syang makalakad at maka tayo."  Paliwanag ng doktor.

"Hindi pwede toh"  Malungkot na sabi ko.

"Maiwan ko na po kayo"  Sabo ng Doktor.

Umalis na ang doktor at hindi ko inakalang magkakaganoon ang aking Daddy hindi ko nakayanan kaya pinuntahan ko kaagad sya sa kanyang. Pero hindi ko sya nakausap dahil sya ay nagpapahinga. Biglang dumating si Tita, si tita ay ang mommy ni benjamin. Gusto daw niyang dalawin si papa pero hindi niya ito makausap dahil nga natutulog ito.

(Hinatak ni tita si Benjamin palayo)

“Anak, eto na pagkakataon natin”  pabulong na sinabi ng aking tita.

“Ano yon ma? Anong pinagsasabi mo?”  pagtatakang tanong ni benj.

“Anak, pagkakataon na nating tong maagaw ang kompanya sa kanila”  Pabulong pa nito.

“Ma, masama yang binabalak ninyo, may sakit na nga yung tao gaganyanin nyo pa!”

“Anak wag ka mag alala hindi naman natin sila guguluhin, ang mahalaga makuha natin ang kompanya ng kanyang ama!"  Pagpapaliwanag nito.

"Ma, Sigurado ba kayo sa mga binabalak ninyong yan?"  Tanong ni Benj.

"Anak, hindi ako basta basta susugod at aagawin, syempre kailangan ng plano."  Sabi ni Tita

"Mommy mamaya na lang tayo mag usap, medyo nakakahalata na ata si Babe ehh"  Sabi ni Benj

"Cge tatawagan na lang kita mamaya"  Sabi ni tita

Natapos na ang pag uusap nila Tita at ni Babe hindi ko manlamang narinig ang pinag uusapan nila, tila parang may binabalak ang dalawa sa amin, pero hindi ko na lamang pinansin dahil baka sa kanila na lang ang problemag iyon at baka madamay pa ako sa mga problema nila. hindi na nagtagal si tita doon umalis na sya dahil may mahalaga pa daw syang gagawin.

(KINAGABIHAN)

Riiiing, Riiiiing...

"Ohh anak, kamusta na, pupunta ka ba dito sa bahay?"

"Opo ma, On The way na ako malapit na ako dyan"

(Pagkarating Ni Benj Sa Bahay)

"Ma Ano nang gagawin natin?"

"Anak eto ang plano." Sabi ni Tita.

"Cge ma makikinig lang ako" Sabi ni Benj.

"Alam naman nating mahina na ang Daddy ni Rhona, Hindi na sya pwede mag trabaho pa sa Company na pinag tatrabahuhan natin, sya pa naman ang General Manager ng company, ang Goal natin ay makuha at maging ako o ikaw ang pinaka mataas na posisyon ng Company"  Pagpapaliwanag ni tita kay benj.

"Paano naman natin gagawin iyon mama?''  Tanong ni Benj

"Simple lang, ibebenta nya ang Shares niya sa market at bibilhin ng mga tauhan nating ang share nya sa market at ipapasok sa Share natin, hindi na sya makakapag trabaho kaya wala na syang ibang paraan kundi ibenta ang shares nya sa mercado"  Pag papaliwanag ulit nito

"Ahh ganun pla, kailan mo binabalak yan mommy?"  Tanong muli ni benjamin

"I think sa Sabado na"  Sabi ni tita

"Ambilis ahh, Wednesday na ngayun ehh"  Gulat na sabi ni Benj

"Hindi pa yan sigurado, pag binenta agad ng papa ni rhona ang kanyang shares sa sabado, bibilhin ko na kaagad ito"  Sabi ni Tita

"Cge mommy makakaasa kayo sa akin, uuwi muna ako sa amin tapos sa umaga ay pupuntaha ko si rhona sa Ospital bukas at dadalawin ko si Papa"   Sabi ni Benj.

"Sige anak magiingat ka ha, bbye! ingat sa biyahe gabi na!"  Paalala ni Tita.

"Opo mama!"  Tugon ni benj

"Sa Wakas President Santiago Humanda ka sa akin!" Huling sabi ni tita sa Labas habang umalis na Benjamin.

Ang pangalan ni Tita ay si Mrs. Riza, wala na ang kanyang kabiak dahil namatay dahil rin sa sakit na Leukemia, kaya mag isa siyang nag taguyod sa kanyang anak na si benjamin hanggang sa makatapos ng pag aaral, hindi niya alam ang sakit ni President Santiago dahil ang alam lang niya ay nanghihina na ito at akala ay iba ang sakit.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa upuan, umaga na nang akoy gumasing, agad kong nakita si papa na nakamulat na at may nakita akong pagkain sa lamesa na parang dinala ni benjamin ng ako'y tulog pa.

"Papa, ano pong Gusto ninyo? Gusto nyo po ba ng Tubig, ehh makakain po? Ano po gusto ninyo pa?"  nagaalalang sinabi ko.

"Hahaha.. ikaw talaga anak ko masyado kang maalalahanin" Sabi ni Papa.

"Ehh papa kasi ehh, kayo na nga lang meron sa akin aalis pa kayo. ayoko mawala kayo"  Sabi ko.

"Gusto ko lag ng Mainit na sabaw anak"  Sabi ni papa.

"Cge po papa, susubuan na lang po kita, Dahan dahan lang po ahh."  Tugon nito.

\

\

\

Ano kaya ang magyayari kay President Santiago? Abangan yan sa susunod na kabanata.

THE LAST TIME new Chapters!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon