If I Can Turn Back the Time

2K 37 9
                                    

Nadine's POV

"oy Nadya, tama na ang pagmukmok jan, it's been 4 years na girl! di ka pa rin maka-move on?" She's Yassi my super bestfriend na sobrang daldal at ingay sa tuwing kasama ko siya.

Nandito pala kami sa bahay namin specifically sa kwarto ko, kaya siya nandito dahil para bulabugin ang araw ko, palagi naman eh, walang araw o buwan na hindi siya nagpaparamdam, kaya nga minsan naiinis na ako diyan eh, sarap ikandado sa bahay nila para hindi na makapunta dito sa bahay namin.

"oy Nadya! ano na?, dito ka na lang ba talaga?" umupo siya sa tabi ko "lalake lang yan.. marami pa namang iba jan eh.. yung mas hihigit pa sa kanya"

Napatingin ako sa kanya "wala ng mas hihigit pa sa kanya Yas, almost perfect na siya eh, kaya huwag mong sabihin na may mas hihigit pa sa kanya"

"yun na nga eh, wala na pa lang mas hihigit pa sa kanya, bakit mo pa pinakawalan?"

Ako ba talaga ang may kasalanan? di ba pwedeng 'tong puso ko, hindi kasi ako sa kanya nakakaramdam ng pagmamahal eh, kaya ko siya pinakawalan.

Umabot naman kami ng dalawang taon, ang swerte ko nga kasi sobra niya akong mahal, pero ako pinipilit kong mahalin siya, paminsan minsan kinikilig naman ako sa mga surprises na ginagawa niya para mapasaya niya ako, pero kadalasan hindi ako nakakaramdam ng tibok ng puso sa tuwing magkasama kami.

Hindi ko nga alam kung paano ko siya sinagot, hindi ko na maalala eh, siguro may dare na nangyari kaya naging kami, pero never talaga ako nakaramdam ng love sa kanya. Ewan ko rin ba sa puso ko, siguro hindi ko pa talaga alam kung ano ba ang ibig sabihin ng love.

"ewan ko, alam mo yung feeling na noong pinakawalan ko na siya doon ko naramdaman na mahal na mahal ko pala yung taong yun"

"what!? seriously Nadz?, hay! ibang klase ka naman kasi, alam mo kung ako ikaw, malamang hindi ko siya papakawalan pa.. ang gwapo kaya niya, mestiso, foreigner, sweet, caring, loving, at lahat nasa kanya na, pero pinakawalan mo pa!, kaloka ka talaga girl!" iritang sabi niya.

Masisisi niya ba ako?, eh ngayon ko lang narealize na napaka-sweet niyang tao, napa-caring at mahal ko na.

Hay, ano ba kasing problema nitong puso ko? ba't ngayon lang nakaramdam ng tibok, eh wala naman akong sakit sa puso, siguro nga talaga, nakasarado 'tong puso ko noong naging kami, pero naging masaya ako sa kanya kahit papano, palagi niya akong pinapatawa sa tuwing malungkot ako o may problema, kapag may problema man magtatanong siya para makatulong naman siya kahit papano, pero talaga kahit anong pilit niyang pakiligin, i-sorpresa o kung ano pa, hindi ako na-in love sa kanya!

Ano ba kasing nangyayari sakin?

Siguro ako lang ang babae sa mundo na hindi makaramdam ng love sa dati niyang boyfriend, sabi nga nila yung boyfriend ko dati siya raw ang crush ng buong university noong nag-aaral pa kami, siguro hanggang ngayon siya pa rin ang campus crush, baka nga hindi na campus crush eh, baka worldwide crush na yun.

Wala na nga akong balita sa kanya eh, pinutol ko na kasi lahat ang kuminikasyon ko sa kanya 2 years ago, pero ngayon hindi na siya nagpaparamdam, sabi nga nun kay Yas, mahal na mahal pa rin niya raw ako, pero noon wala pa talaga akong naramdaman, ngayon lang unti unting umusbong na mahal ko pala yung lalakeng yun.

Kumusta na kaya siya?

Paano kung magkita kami ulit?

May chance pa bang magkabalikan ulit kami?

Mahal niya pa rin kaya ako?

Mahal ko na kasi siya eh, ngayon ko lang narealize lahat ng ginawa niyang pagpapasaya sakin.

JaDine ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon