Ghoster

28 3 5
                                    

Chari's Point of View

"Ate Chari, tara na daw aalis na tayo" rinig kong sigaw ni Emerald sa labas ng kwarto ko.

Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas ng kwarto ng makuntento na ako ay sinuot ko na ang walang gradong salamin ko.

"tagal mo naman Charity" reklamo ni Mama.

Ngumisi na lang ako at lumabas na kami ng bahay saka gate tsaka ni-lock ni Mama ang gate ng bahay.

Papunta kami ngayon sa sementeryo para dalawin yung puntod ng lolo't lola namin tsaka yung puso ko na matagal ng namatay ng dahil sa kanya. Joke lang.

Nang makarating na kami sa sementeryo at sa puntod ng lolo't lola namin ay nagsimula na kaming magsindi ng kandila at ilagay sa tabi ng lapida nila ang dala naming mga bulaklak.

Sina Mama at Tita ang nagsimula ng dasal para sa kanila, kami naman ay nakinig lang, hindi pa tapos ang padasal nila ng may nagtext sa phone ko. Tinignan ko naman kung sino yun.

"buhay ka pa pala" sabi ko ng mabasa ko ang text ng damuhong nagpakilig sakin tapos nawala ng isang buwan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"buhay ka pa pala" sabi ko ng mabasa ko ang text ng damuhong nagpakilig sakin tapos nawala ng isang buwan. Ang galing!

"sino yan 'te?" tanong ni Emerald, katabi ko kasi.

"yung nang-ghost sakin, nag-text... bwisit" 

Narinig ko naman siyang natawa "si Kuya Fern ba yan?" 

"sino pa nga ba?" walang ganang sagot ko.

"hay nako Ate Chari, kelan ka ba matututo? Alam mo naman na marupok ka" 

Sinamaan ko siya ng tingin "anong marupok? Hindi ako marupok no!" 

"weh? Patingin nga ng text ni Kuya" pinakita ko naman sa kanya.

"ano ba namang type yan ate? masyadong pa-cute" natatawang sabi niya.

"oo nga, bwisit na yan"

"ayaw mong reply-an?"

"para ano? para kiligin ulit tapos mawawala na naman na parang bula?"

"ate naman, okay lang kiligin basta huwag lang ma-fall"

Inirapan ko siya "psh! ito na nga o magre-reply na" sabi ko at nagtype na.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
JaDine ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon