Prologue

3 0 0
                                    

Inis kong binato ang bote ng alak sa pintuan kung saan lumabas si Rei. Ang kaliwang kamay ko naman ay walang tigil sa pagdugo dahil sa bubog. Hindi ko namalayang nabasag na pala ito sa kamay ko nang dahil sa panggigigil sa kaniyang ex-boyfriend.

Sumasakit ang ulo ko kasabay nang walang tigil na pag agos ng aking luha. Tumingala ako upang pigilan ang pag agos nito, ngunit nagkakamali ako.

Ang sabi ko uuwi ako ng Bulacan upang magbakasyon doon kasama si Rei at ang pamilya ko. Ngunit sa kasamaang palad, hindi natuloy dahil sa hindi ko inaasahang balita. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Tanging ang ilaw lang mula sa mga buildings  sa labas ang nagbibigay liwanag ngayon aa aking kinaroroonan.

Pinilit kong tumayo kahit nakakaramdam na ako ng pangingilo. I already finished 7 bottles of beer pero hindi pa rin nito kayang pawiin ang sakit na nararamdaman ko. Hinding hindi ko alam kung paano magsisimula ulit at paano aayusin ang sarili sa ganitong sitwasyon.

I stood up infront of the huge glass. Ito ang nagsisilbing daan upang makapasok ng munting liwanag na galing sa mga nagtataasang buildings sa aking condo.

Hindi ko maiwasang mamangha sa mga naglalakihang buildings na napupuno ng liwanag. Kahit gabi na, hindi pa rin naaalis ang kagandahang imahe ng mga ito. Tumingin ako sa ibaba kung saan kitang kita ang mga sasakyang dumaraan pati na rin ang mga clubs na sobrang iingay. I lived at the 57th floor, pero hindi ko maikakaila na abot dito ang ingay mula sa labas.

I sighed heavily and smile with pain. Hindi nakalagpas sa akin ang luhang dumaloy galing sa kaliwang mata. Mom was right, kahit sabihin pa nating nasa'yo na ang lahat, pakiramdam mo ay may kulang. Mararamdaman mong hindi ka kumpleto at hindi ito matatakoan ng isang materyal na bagay.

There are times you'll feel happy with everything you have. Others will praise you for being perfect and so you thought that's all. Unfortunately, you're just a fool for letting yourself believed easily.

Tama nga sila, kahit ang ibang mayaman nakukuha pa rin magdasal at mangarap hindi dahil sa pang-aabuso at pagiging selfish dahil gusto nilang maatim lahat. May mga bagay silang ninanais makuha na hindi nila makamit dahil hindi tumutugma ang panahon para sa kanila. Sometimes, I asked God if he's torturing me or he's playing with me. Kung titignan ng iba, para akong prinsipe na dapat ingatan ng pamilya dahil isa akong importanteng nilalang para sa isang hari at reyna.

Hindi pala ganun 'yon...

Tumungo ako sa sofa at isinandap ang ulo habang mataimtim na nakapikit. Umiikot ang paningin ko pero maraming tanong sa utak ko.

Saan ako nagkamali?

Saan ako nagkulang?

Am I not enough?

Hindi ba ako enough for a person to be risk for?

Do they just want me for their own happiness and own living?

Napakasakit. Masyadong masakit.

Ngunit unti-unti ko naiisip na baka ang sitwasyong ito ang siyang nagbabadyang tugon ng Panginoon upang hindi ako tumigil na ayusin at mahalin pa ang aking sarili.

Tumayo ako upang pulutin ang mga boteng nagkalat sa sahig at linisin ito. Binukaab ko rin ang ilaw at lininis ang ilang alak na natapon kanina. Dumeretso ako sa kusina upang kumuha ng plastic nang maitapon na ang mga boteng nagkalat kanina.

Akmang ibubuhol ko ang plastic nang may umagaw sa atensyon ko.

...pregnancy test.

Pinilit kong kunin ito habang nanginginig ang aking kamay. Sariwa pa rin sa akin ang nangyari. How come Rei can do this to me?

Really? with her ex-boyfriend?

Mapakla akong natawa at itinapon iyon. Mahirap tanggapin, may parte sa puso ko na akuin ang batang dinadala niya dahil hindi kakayanin ng puso ko na magsama sila ng gagong iyon!

She deserve so much better, but how can she do this to me even when my intentions are pure?

How can she hurt me when all I did is to love her?

I just can't understand her, why did she do this to me?

Ang sabi niya mahal niya ako?

Sabi niya ako lang ang gugustuhin niyang makasama habang buhay?

Akala ko ba swerte niya sa akin?

Sabi niya hindi niya ako lolokohin.

Pero bakit? bakit niya ako niloko?

Huli na nang mapagtanto kong humahagulgol na pala ako at pinapalo ang dibdib dahil sa paninikip nito. Sobrang sakit ng puso ko at pakiramdam kong sasabog ako ng wala sa oras.

Nabitawan ko na rin ang pregnancy test dahil sa panlalabo ng mata, hanggang sa....

City Lights (Book 1 of Elite Series) ON GOING Where stories live. Discover now