Chapter 2

0 0 0
                                    


Note

Mabuti na lamang at nahatak ko ang sarili palayo roon. Kahit gugustuhin ng katawan kong manatili roon kasama siya, pinigilan ko ang sarili dahil hindi na ulit kakayanin ng puso ko na makasama ang taong 'yon.

Makasama?

Umiling ako at huminga ng malalim. Nakasama ko nga ba siya noon? kung hindi ako nagkakamali, isang beses ko lamang ito nakasama at palagi sa isang kompetisyon pa.

Halos matisod ako nang nanikip ang dibdib ko. Nakakagulat at biglaan, ngayon ko lamang ito naramdaman at bakit ganito? pakiramdam ko'y sinasaktan ko ang sariling puso dahil sa pansariling kagustuhan.

Kinurot ko ang braso nang maalala ang isang bagay na hindi ko na gugustuhin pang maalala muli. Aaminin ko na mababaw ito upang maging dahilan ng pag-alis ko, ngunit hindi ko maitatanggi na isa itong magandang desisyon para sa aming dalawa.

Bumalik ako sa katinuan nang may tumikhim sa likod ko. "Sir do you anything?" tanong ko sa lalaking naka sumbrero. Hindi ko maaninag ang mukha niya ngunit alam kong ako sinadya niya rito kahit pa nakayuko ito at hindi makita ang mukha.

"Sir?" I tried to asked him again.

This time unti-unti niyang inangat ang ulo habang nakatingin sa akin. "May kailangan po kayo?" tanong ko ulit. Hindi niya naman siguro ako sasadyain dito sa kitchen kung wala siyang kailangan diba?

Tinanggal nito ang sumbrerong suot at ngumiti sa akin. "P-pahingi... p-pagkain" bulong nito.

"Ha?"

Pagkain?

"U-uh... sir a-ano o-order po ba kayo?"

"W-wala ako p-pera" sagot nito kaya kumunot ang noo ko.

My jaw dropped to his answer. Wala raw itong pera? pero bakit parang mayaman ito?

Tinitigan ko ito simula ulo. He has a grayish hair pero magulo ito, his eyes were gray also kasama na ang makakapal na kilay, mahabang pilik mata, his pointed nose at mapupulang labi.

Bumaba ang tingin ko sa katawan nito. Naka hoodie lamang ito na white na may kapares na shorts at white shoes. Is he for real? mukha itong mayaman pero nanghihingi lamang ng pagkain?

"W-walang pagkain dito" sagot ko. Tila parang timang sumagot kaya kinurot ko ang braso, napadiin ata 'yon kaya napapikit ako sa sakit. Bakit ka naman kasi nauutal?

Dumungaw ang lalaki sa likuran ko kung nasaan naka marinate ang chicken. Tinaasan ko ito ng kilay ngunit agad din itong nawala nang umalis ito sa harap ko.

Baliw ba 'yon?

Susundan ko pa sana ang lalaki ngunit agad na pumasok si Manager Fei. "Ano ginagawa mo rito? hindi ba't dapat nasa cashier ka?" masungit nitong sambit.

"U-uh..." dalian mo at mag rason ka na!

Ano nga ba ang ginagawa niya rito sa loob?

"M-may narinig ho kasi ako kanina akala ko ano na nangyari kaya pumasok po ako. Palabas na rin ho ako" paliwanag ko at iniwan si Manager doon.

Bastos na kung bastos pero ayokong mapagalitan ngayon. Masyado na akong maraming iniisip na problema ayoko nang dagdagan pa!

Pagkabalik sa counter ay agad kong inasikaso ang ibang customer. Habang abala sa mga customer bigla ko naalala ang kaibigan. Nasaan na kaya ito? Simula kasi nang makaalis ako ng skwelahan ay hindi ko na muli 'tong nakita. Ang buong akala ko ay hinihintay ako nito sa labas ngunit nabigo lamang ako. Pinagpasyahan ko nalang siya itext na sabihing mauna na ako rito, ngunit mag-iisang oras na ako rito pero wala pa rin ang kaibigan.

City Lights (Book 1 of Elite Series) ON GOING Where stories live. Discover now