One.

24 1 0
                                    

Kylie

First day of classes today. Second year college na ko. I'm taking up Business Management as my course.

"Girrrllll!!!!!" I heard a faniliar voice when I entered my room for the first subject. Napatakip agad ako sa tenga ko. Ang ingay talaga ni Julia!

"Hoy! Bakit ka nagtatakip ng tenga? Ayaw mo na ba sa akin?!" Sabi pa nya habang nakapout. Natawa tuloy ako.

"Ang ingay mo talaga kahit kelan." Sabi ko naman habang tumatawa. Natawa din sya. Baliw talaga. Niyakap nya ko at niyakap ko naman sya pabalik. I missed her.

"Tara. Marami ka pang ikukwento sakin!" Sabi nya habang hinihila ako papunta sa upuan namin.

Bestfriend ko si Julia since highschool. Minsan na lang kami magkita ngayong college dahil hindi naman magkapareho yung schedule namin at sa ilang subjects ko lang siya kaklase tho pareho kami ng course.

"Ano bang gusto mo malaman?" Tanong ko sa kanya nang makaupo kami kahit alam ko naman talaga kung tungkol saan yung sinasabi niya.

"Kay ano... uhm.. your break up with..." alanganin niyang sabi kaya ako na ang nagtuloy.

"My ex." I faked a smile. Then kinwento ko na kung paano nangyari yung break up namin.

"So yun na yun?! Ang kapal ng mukha ng Tristan na yun! Boto pa naman ako sa kanya! Nako pag nakita ko talaga yun mabubugbog ko yun!" She said and I can imagine the smoke coming from her nose and ears. Natawa ako sa isip ko pero napawi din yon dahil galit sya sa taong nanakit sakin. Awe, she's so sweet!

"Oh bakit ka nakangiti dyan?" Tanong nya na nakakunot ang noo.

"Galit ka kasi sa kanya." Sabi ko habang nakangiti pa rin.

"Eh syempre sinaktan ka nya!" Lalo akong napangiti.

Niyakap ko sya. "I'm so blessed to have a bestfriend like you. Thanks for always being there Sissy."

"Aweee! Sweet natin ah?" Panunukso nya. "Alam mo namang andito lang ako lagi, diba? Hayaan mo, akong bahala dyan kay Tristan." Sabi nya at pinalagutok pa yung daliri nya at pumose na parang may susuntukin. Haha!

"Anong gagawin mo sa kanya?" Tanong ko na natatawa.

"Bubugbugin! Bakit? Ayaw mo?" Binigyan nya ko ng mapanuring tingin. Anong iniisip nito? "Concern ka pa rin sa kanya?"

Nakunot ang noo ko at napa buntong hininga. "Ano ka ba."

"Sis, sinabi ba nya sayo yung reason kung bakit sya nakipagbreak sayo?"

"Oo. Nakinig ka ba talaga sa kwento ko?" Napayuko ako ng maalala ko yung sinabi nya sakin. Sht, ang sakit pa rin. "Sabi nya.. h-hindi na nya ko m-mahal.." Agad kong pinunasan ang mga luhang tumulo. Inangat ko ang tingin ko kay Julia at ngumiti. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala.

"Sshhh. Don't cry." Sabi nya habang pilit akong pinapakalma. "Not that. Baka may reason talaga sya?"

"I don't know. Yung lang ang sabi nya.. tapos iniwan na nya ko."

"Akala ko nagbago na yun dahil sayo."

"Akala ko din.."

Naputol ang pag-uusap namin ng dumating ang prof namin kasabay ang isang lalaking naka-hoodie.

"Good morning class." Bati sa amin ni Prof at nagsimula na sya.

Tahimik akong nakikinig nang kalabitin ako ni Julia.

"Sis, tingnan mo yun oh." Bulong nya habang nginuguso yung armchair ko.

Binaba ko ang tingin ko doon at may nakita akong sticky note na kulay yellow. Hmmm.. seems familiar? Kinuha ko iyon at binasa. "Umiyak ka na naman ba? Mugto yung mata mo oh. Nga pala, magiging classmate pala kita? :)))) -G."

"Yun yata yung naglagay nyan sa armchair mo." Turo ni Julia sa lalaking two chairs away from me. Vacant seat yung katabi ko.

(A/N: here's the seating arrangement: julia-kath-vacant-guy)

Nakayuko yung lalaki na naka-hoodie. Sya yung kasabay ni Prof na pumasok kanina ah? Bigla akong may naalala. Yung lalaking naglagay ng sticky note sa harap ko doon sa library nung summer classes! Yellow sticky note din yun at may nakalagay na "-G" sa dulo.

Siya kaya yun? Sino ba 'tong lalaking 'to?

Broken (KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon