TREVOR
"Steph, sorry..." Hinawakan ko ang mga kamay niya. Pero bigla siyang bumitaw.
"Hindi ko na alam Trevor, bakit ba may pakiramdam ako na parang binabalewala mo na ako?"
"Hindi totoo iyon. Mahal kita Steph...higit pa sa inaakala mo. Alam kong sikat ka, at maraming nagkakandarapa sa iyo, pero hindi kita mahal nang dahil doon. Mahal kita bilang ikaw lang. Balewala ang fame mo. Wala sa akin yun. Ang mahalaga, nandito ka sa tabi ko at ang sakit para sa akin ngayon na unti-unti, lumalayo ka na sa akin..."
I saw a tear falling from her eye. That tear caused an ache inside me. Ayaw ko nang ganito.
"Trevor...you have no idea how badly I wanted us to be real...and I guess, you don't see it..."
Bigla akong naging puzzled. Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean?" I asked her.
She looked down then faced me. "Nasasaktan ako ngayon..."
"Sorry...aayusin ko ito. Sasabihin ko sa lahat na--" She cut me suddenly.
"No! That's not it. Nasasaktan ako dahil naiinis ako. Sa totoo lang Trevor, wala naman akong karapatan na magalit sa iyo. Walang tayo di ba? Pero hindi ko maalis sa sarili ko na masaktan...at magselos. Alam ko naman na mahal mo ako pero nakakasakit din kasi sa pride ko na nagkakaganito ako kahit wala ako sa lugar...dahil hindi mo naman ako girlfriend..."
Ang sakit. Ang sakit na naririnig ko ito mula sa kanya, sa babaeng mahal ko.
"Steph...akala ko ba nagkalinawan na tayo...hindi pa ako handa..."
"Trevor, intindihin mo naman ako. Alam kong nangako ako, pero...nauubos na ang pasensya ko. Akala mo ba hindi ko alam na madami ding mga babaeng may gusto sa iyo? Come on! I'm not blind. Dahil sa set up na nating ito, there's a possibility na maagaw ka nila sa akin. Gusto ko mang sabihin na akin ka, hindi ko magawa dahil lang sa MU lang tayo...walang tayo..."
Umiiyak na si Steph...Nanghina ako bigla.
"Steph..."
"Trevor, my mood swings these days are not just about that freaking bracelet. It's because of this. Minsan naiisip ko nang bumitaw--"
"Huwag!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag, Steph...sorry kung hindi ko maibibigay ang gusto mo...pero kaya kong patunayan sa iyo na hinding hindi ako maghahanap ng iba..."
Hindi talaga. Kahit anong mangyari. Determinado na ako.
"Mahal mo ba ako?" Tanong niya bigla Habang nakatitig sa mga mata ko, naghihintay ng sagot.
"Mahal na mahal...sobra kitang mahal Stephenie Sevillana..."
"Then be my boyfriend."
Nagulat ako. Suddenly, parang hindi si Steph ang nasa harap ko, parang nagbago siya bigla. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
"Steph...I made a promise with my parents..."
"So...it's a...no?" her voice cracked.
"I can't...I'm so sorry..."
Then, she pushed me with her eyes crying in pain.
"I HATE YOU!" She ran away from me.
The girl of my dreams ran away from me, away with the memories I shared with her in our short yet happy fantasy.
STEPHANIE
OMG. The girl just walked out, crying.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Parang guilty ako na malungkot na nalilito...I don't know!

BINABASA MO ANG
Not Just Another Rebound
Teen FictionMeet Stephanie Sandoval, the smart, simple and conservative girl who has been crushing on Ryver Mendoza (the Ultimate heartthrob) secretly ever since freshman year. And Trevor Villarasa, the devoted, responsible and a chinito next door who has been...