Miss Weird Prologue

16 0 1
                                    

Prologue



Mei Lee. Yan ang pangalang unang rinig palang ay agad mong maiisip ang salitang 'weird'. Pangalan pa nga lang yan, eh, weird na. Paano pa kaya kung yung tao na mismo.


Sa unang tingin mo pa lang sakanya, aba'y weird na weird na! Sabayan mo ng kanyang weird fashion taste. Magsuot ba naman ng sneakers kahit na nakadress. Pati nga rin ang food taste preference niya. Akalain mo bang favorite food niya ang sukang linagyan ng asukal with a spice of sili? Ano yun, sweet and spicy and sour? Teka, pagkain pa nga yun?


Kung makausap ka rin niya, akala mo ilang taon na kayong magkakilala. Maparandom person man o close family and friend, fc lang talaga ang kanyang peg. Atsaka kung sakali mang magkwentuhan kayo, malulula ka nalang sa mga ipagsasabi niya. Isali ba naman ang history of mankind sa topic na favorite food.


At ehto pa! Pinakamalupet ito sa lahat ng kanyang kaweirduhan. Ni minsan ay hindi man lang ito nakakafeel ng attraction. Mapapagasp ka nalang pagsinabi niyang, "Uhmm.. Okay?" pag tinanong mo siya kung sa tingin niya'y gwapo ang isang member ng isang sikat kpop boy group!


Pero dahil sa isang kachorvahan ng kanilang precious prestigious school, something weird happened. Weirder than Mei Lee herself! Gusto mo malaman kung ano yun?


Hala'y ariba na't iclick ang start reading na button nang matapos na ako kakanarrate. Kailangan ko nang pumunta sa CR nang makapagbawas. Kanina pa ako utot nang utot dinhe nang palihim. Goodluck sa pagbabasa at nawa'y di ka sana mahawa sa kaweirduhan ng dakilang Miss Weird!


-------------------

AN:

Alam ko. Oo, alam kong di ako magaling magsulat hehe.. Sabahin nalang nating, trying hard ang lola niyo. Atsaka alam kong nakakatamad ring basahin ang ANs dahil katulad niyo rin akong tamad magbasa ng AN kaya short lang talaga to.


So, warning nalang sa mga readers na below 13 years old. May mga bad words dito, pero alam kong matigas ang ulo niyo kaya sige nalang. Basta read at your risk. Yun lang, bye!


Lubos na nagT-TH,

Shey

Miss WeirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon