Miss Weird 1: The Summer Class

11 1 0
                                    

Miss Weird Chapter 1: The Summer Class



Mei's POV


Umihip ang malakas na hangin mula sa bintana. Nakakarelax sa feeling. Lalo na tong mga dahon sa puno na para bang sumasayaw habang nagpapadala ito sa hangin. Buti nalang talaga at dito ko naisipang umupo sa tapat ng bintana. Napakapeaceful ng atmosphere.


"Hoy! Ano ba yan! Ba't mo pinapakealaman ang gamit ko, huh?!" singhal ni Angel kay Rianne na kanina pa naghahalungkat sa bag ni Angel. "May nalagay ako sa bag mo, eh. Diba nung nasa cafeteria tayo, may iniwan akong singkwenta pesos jan." sagot naman ni Rianne habang kinakamot yung ulo niya.

Napadako naman ang tingin ko sa loob ng classroom namin at nakitang nagtatalo na naman ang maarteng si Angel at ang kanyang dakilang kaibigan na si Rianne.

Napabuntong hininga nalang ako. Di ko talaga gets kung pano sila naging kaibigan, eh lagi naman silang nagaaway.


"Hala oy! Back up! Back up! Daniel, tulungan mo ko dito! Pinagtutulungan ako, tangna!" sigaw ni Kenneth kay Daniel habang busy siya sa pagcli-click ng mouse. "Teka lang pre! Malapit na akong mawalan ng mana!"

At ayan.. Pati ba naman sa loob ng room namin, may naglalaro ng dota? Akala ko ba bawal ang gadgets kahit na break time pa naman.


"Omg! Nakita niyo ba yung bagong mv ng BTS? Yung I need You? Shems! Ang gwapo talaga ni Taehyung babes!" kinikilig na tugon ng bestfriend kong si Fate sa kapwa niya fangirls habang hinahampas hampas pa ang balikat ni Travis, baklang di mo aakalaing bakla. "I know right! Tapos si Jimin my loves din, ang haawwt!" at nagtitili sila na parang kiti-kiti.

Tapos yan.. Yang mga yan! Pinaka talaga sa lahat ng pinaka. Pinakamaingay, pinakamalandi, pinakagreen, pinakabaliw, pinakaewan. Kaya nga minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko kung paano ko ba naging bestfriend si Fate at Travis.


Napabuntong hininga nalang ako ulit. Bakit kasi sa tatlong sections eh napunta ako dito? Dito na tinataguriang worst section ever. Gusto ko ngang magpalipat ng section, kaso walang gustong makipag exchange sakin.


"PAPUNTA NA SI SIIIIIIIIR!!!" sigaw ng PIO namin na si Alexa. Napatakip naman kaming lahat sa tenga namin. Grabe, ilang megaphone ba ang linunok ng isang to? "ANO BA, SECTION ZERO?! SABING PAPUNTA NA NGA SI SIR JASON!"

Nataranta naman sila at dali daling niligpit ang mga gamit nila, lalong lalo na yung mga laptop ng mga nagdo-dota, at nagsiupuan nang maayos. Kahit naman kasi matitigas ang ulo ng mga classmates ko, eh, nirerespeto parin naman nila ang mga teachers, especially Sir Jason. Siya kasi yung teacher na dapat lahat ay organized, disciplined, dapat tama lagi at etc.


Pumasok sa room namin si Sir Jason at agad naman namin siyang binati. "Good Morning, Sir Jason! Welcome to Section Zero!" Binigyan niya naman kami ng isang nod at pinaupo na kami. Inilapag niya ang kanyang mga dalang gamit gaya ng folders, papeles, etc. at nakahalukipkip na tumayo sa gitna.

Uh-oh. Mukhang bad news na naman ehto. Shet naman, ano na naman ba ang ginawa ng Troublemakers? Sila kasi yung laging namamahamak ng section namin.


"Today is the last day of classes, right?" panimula niya at yung mga classmates ko naman, wagas makatango habang nakangiti nang malapad. Excited yan eh. "And that every last day of class in every 10 years, we have this sort of tradition." tumango ulit kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss WeirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon