Chapter 5:My mortal enemy

38 5 0
                                    

Shemay ngayon na yung role playing kinakabahan ako

"Girl you need to apply make up"
Sabi ni Cazee sakin habang tinitingnan ang muka ko

"and you need to wear a heels"
Gatong pa ni niquesa

"Girl naman saan kaba nakakita ng prinsesang naka rubber?"

Napaka intrimitida talaga nitong baklitang to
Eto kami ngayon inaayusan nila ako kung ano ano ang mga pinagagawa sakin

"You know guys i can do this role even i dont wear high heels and apply some make up tss"eh pano banaman ganto lang naman me make up-an pa nila ako?Bwisit

"Okay mukang hindi kanaman namin mapipilit by the way do you already memorize all the script?"
Tanong sakin in Maxene habang inaayos ang damit ko

"Mhm slight"

'what?!!!"

Ang OA nila maka sigaw

"why?"

"bakit slight? di ka masyadong sure? didi naman ee"

"just kidding.. memorize ko na talaga promise"

"hay salamat naman.."Sabaysabay nilang sabi na akala mo nabunutan ng tinik

I just wear a simple gown and a rubber shoes. bakit ba? okay lang naman ah besides di naman pati nakikita kasi mahaba ang gown.

"Guys get ready pumunta na kayo sa back stage and good luck student the Bun waffu academy student is here there are lots of fafabols yihihih"

Sabi ng bakla namin teacher talanders

"go kiana! were just here pumunta kana dun"

"sige salamat guys!"

eto ako ngayon naglalakad na papunta sa stage namin nandito ako sa may ground medyo malayo layo din yung stage dito.Kaya mukang ewan akong nag lalakad mag isa sa ground ng makarinig ako ng sigaw ng lalaki na parang may argument.

"Wait!Flirity lets fix this!"

The voice is famillar to me.Dahil sa dakilang chismosa ako lumapit ako para makita ko kung sino yung taong yun.

Nag tago ako dun sa may halaman tapos nakita ko yung mukha nung lalaki at..

Teka parang namumukaan ko yung lalaki?Tiningnan kong mabuti kung sino nga yun at syya?! nga!yang gwapong halimaw na yan!!

yeah hinding hindi ko malilimutan ang pag mumukang yan na nag nakaw sa first kiss ko!
Eh ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking yan dito? at sino yung kasama nya?

"Kyohei this is not gonna work if you always doing that!"Sabi nung magandang babae na kasama nya habang maluha luha na.

"Flirity its just an accident listen to me first"sagot naman nung gwapong impakto na parang walang gana makipag usap sa babae

Ay may Long Quiz sila.LQ .Girlfriend ata yun ng loko.Napatingin ako dun sa labi nung gwapong inpakto.

Gulp.

Naalala ko parin yung ginawa nyang pag halik nya sakin! Whaaa!! Gaganti ako sa kanya pag kakataon ko na to.

Isip...

isip...

Isip...

Binggo!

wahahahahaha! makakaganti nadin ako sayong abnoy ka!whahahaha
May naisip akong bright bright idea.Syempre lamang ang may alam.

"wait flirity th-"

"Hey babe!!! ano ba i waiting for you kanina pa! ano ba miss na miss na kaya kita! i love you babe!"(*insert boses talanders)

yuck mag mumumog talaga ako ng alcohol pag katapos ko dito.Yes! sana gumana to bwahahaha patay kang balbon ka!

Two Player The Game MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon