Prologue

29 1 0
                                    

High school.


Yan yung pinakamasayang parte ng buhay mo. Dyan mo mararanasan kung gaano kahirap magpapataas ng grade sa lahat ng subjects. Kumbaga, starting palang, kala mo kolehiyo ka na pag pumasok ka sa high school. Ang hirap kasing gumawa ng project kasi nga nakakatamad. Ang hirap magreview pag may test, lalo na pag Math at Science, kasi nga nakakatamad. Lahat mahirap. Pero masaya. Kasi dito mo rin mararanasan kung paano magmahal. Yung tinatawag ng karamihan na, first love.


Kaso wala akong first love. Attachments. Oo, meron. Marami


Sweet words. Inspirational messages.


Madami.


Madaming nagpaasa sakin dahil sa mga salita nila.


Umasa ako. Eh kasi nga tanga ako.


Pero isa sa mga hindi ko makalimutan ay yung taong sobra kong naging close. Nasanay akong nandiyan siya. Nasanay ako na kausap siya. Nasanay ako na sabihin sa kanya lahat ng problema't sikreto ko.


Lagi siyang hugot ng hugot. At ako naman, makaka-relate. Ang saya nya kausap. Feeling ko, hindi ako mag-isa.


Napaka-independent ko kasing tao. Hindi ko kaya ng wala akong kasama. Feeling ko, mag-isa lang ako kapag wala akong kausap. Nadedepressed ako lagi. Kaya nung dumating siya, naging masaya ako kasi hindi na ulit ako mag-isa.


Kaso dumating yung oras na di ko inaasahan. Bigla syang nagbago. Hindi nya na ako pinapansin.


Eh kaso nasanay ako na andiyan siya lagi.


Nasaktan ako.


At pagod na rin akong umasa pa ng paulit-ulit.


In short,


I want less attachments.

Less AttachmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon