Mag-isa ako sa cafeteria. Nag-order lang naman ako ng kanin at hotdog dun sa highblood na tindera sa cafeteria.
Syempre kumain ako. Oo, nag-sink in na lahat.
Hindi ako ang gusto ni Andrian, kundi si Juvilyn, yung best friend ko. Mahirap maglet go, pero kahit mahirap, ngayon pa lang gagawin ko na yun.
Kasi kung pipilitin ko lang din yung sarili ko sa kanya, ano pang silbi nun? Eh hindi naman ako yung gusto nung tao.
Kilala nila ako na joker at masayahin. Ayokong mawala yung tingin nila sakin na yun. Saka okay lang ako. Infatuation lang siguro yung kay Andrian.
Punyemas kasi na buhay. Jusme.
"Pwede maki-share?" tanong nung lalaki sakin.
"Hindi." sabi ko.
"Ay sige."
"Charot lang. Sige upo ka na." ayun, umupo ang pogi at tinawanan ako.
"4th year ka?" tanong ko sa kanya. Kakaiba, antahimik nya eh.
Pinagpapauna ko na po na makapal ang mukha ko.
"Oo. Section 1. Ikaw?"
"Yup. Section 2 naman. I didn't know na Section 1 ka pala. Hindi ata kita laging nakikita dun, ano?" sabi ko.
"Commoner eh. Hindi pansinin sa room. Hindi rin ako competitive, sakto lang." sabi naman nya.
"Kat pala." sabi ko sabay shake hands.
"Jerome." edi nagshake hands kami.
A moment later, nagdaldalan na kami. Nagtanungan about sa mga teachers at mga subjects. Pati na rin sa mga ugali ng mga kaklase.
I found out na he's a commoner nga. Habang nag-uusap kami, nilabas ko phone ko at inopen ko yung FB account ko. Sinearch ko naman sya.
Hindi ko maikakailang famous sya at may hitsura. Pero wala akong paki.
Depungal lang din dahil habang nag-uusap kami, nadulas ako at nasabi kong crush ko si Andrian. Eh punyemas, best friend daw sila nun.
Grabe na this.
Habang naglalakad kami sa hallway ni Jerome, nakita ko sa tapat ng room na nag-uusap si Juvs and Andrian.
I don't know pero parang nilulubog sa mainit na tubig ang puso ko.
Akala ko, okay lang ako. Hindi pa pala.
Alam kong nararamdaman ni Jerome ang emosyon ko ngayon. Kaya sabi nya, huwag akong magpahalata na nasasaktan ako. Para di ako kaawaan or anything.
Ngiti lang.
Kaya nginitian ko silang dalawa. Tapos nagbabye na rin ako kay Jerome.
Pagpasok ko ng room, inasar ako ng tropa ko.
Sakin naman, syempre, go with the flow lang. Hayaan na muna natin na lumamig lahat ng bagay between me and Juvs.
I know, magiging okay lang lahat.
I know, I could do it.
Pumasok si Juvs at tumabi sakin.
"Manliligaw daw sya sakin." bulong nya sakin.
"Oh? Pumayag ka naman?" tanong ko.
"Hindi. Best friend kita eh. Pero sabi ko na lang, pag-iisipin ko." sabi nya sakin.
"Hindi na dapat yan pinag-iisipan. Go! Pak! Ganern!" sabi ko tapos tinawanan lang ako.
"Seryoso ako, Juvs. Matututunan mo rin syang mahalin. Higit sa lahat, mag-aral ka pa ring mabuti. Matuto kang magbalance." sabi ko.
Nginitian nya lang ako. Biglang dumating yung teacher at nagtransform na naman kaming muli sa aming mga upuan.
Oo, kahit mahirap, kakayanin.
Go lang! Pak! Ganern!
Matatapos din to. Mawawala din tong punyemas na sakit ng ulo at puso ko.
Now, I let go everything.