Isang napaka-boring na araw na naman ang dumating sa aking buhay ngayon. Naglalakad na naman ako papuntang eskwelahan sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.
Nakakainis. Di ko nagawa yung assignment ko sa Physics. Kasi ang hirap naman talaga eh. Lalo na at di ako nakikinig sa teacher ko. Kasi kung magsalita yun, parang bumubulong sa hangin. Eh di aantukin naman ako. Di ko kabisado yung formula at wala na talaga akong naiintindihan sa mundo. Kung paano ba tayo nabuo. Joke lang.
Dadaan ako sa hallway kung saan makikita ko ang room ng crush ko. Kinikilig ako. Section 2 ako. Tapos sya 1. Matalino daw sya. Tapos ako hindi. Gwapo sya. Tapos ako pangit. Nakakalungkot naman. Andami naming differences. Ang similarity lang namin ay parehas kaming tao na nilalang ng Maykapal.
Inayos ko yung buhok ko. Yung uniform ko. Yung medyas ko. Pati na rin yung namumuti kong sapatos na Duralite. Yung bag ko. Kaso yung mukha ko, hindi ko na talaga maaayos.
Huminga ako ng malalim. Lumingon ako at hinanap ko sya sa loob ng room nila. Katabi sya ng bintana sa may hallway. Kunware slow motion to. Parang nasa pelikula ba.
Nakita ko sya. Nakaupo sa upuan nya. Nagsusulat. Gumagawa siguro ng assignment. Pero nagulat ako kasi bigla syang lumingon. Sa.. sa kaklase nya. Hay. Forever asa.
Tumakbo na lang ako papunta ng room. As usual, ang ingay. Kasi nga wala pang teacher. Di kasi uso samin yung linis ng room. Yung tipong magfo-floorwax tapos magbubunot. Walis lang, sHu4pH4t nu4h.
By the way, yung table namin ay tinaguriang Sinumpang Table. Magkakatabi kaming magtotropa tapos lagi pa kaming nasisita ng teacher. Okay lang samin yun kasi dun kami masaya. Saka hello, tumatanda na kami. Ano yun, forever na tatahimik na lang kami pag may klase? Kailangan naman naming palakihin yung bahagdan ng aming social life.
Pero eto na ang pinakanakakatakot sa lahat. First subject: Physics.
WALA PA AKONG ASSIGNMENT.
"Good Morning class." ayan na. Pumasok na si Maam Hangin. Actually, Vozes ang apelyido ni Maam. Whole name nya ay: Mrs. Mallari Vozes.
Hay, life so hard.
Bumati naman kami kay Maam ng walang kabuhay-buhay na Good Morning. Welcome to eklavuu chuchuness kemeness.
"Pass your assignment notebook." sabi ni Maam Hangin.
Masakit eh. Masakit na wala akong assignment sa Physics. My hatest subject of all time aside from Math. Sasaya pa ko sa History kahit boring kasi hindi ka naman magsosolve ng numbers dun. Feeling ko nga, mas magagamit pa yang History na yan sa buhay natin eh. Opinyon ko lang naman.
Ayan na. Biglang nagkagulo. Yung tipong takbuhan na sa mga kaibigan para mangopya ng rush. Ganto lagi pag Physics.
"Hoy. Juvs pakopya nga." sabi ko kay Juvilyn tapos hinablot ko sa kanya yung notebook nya. Sanay na kami ng ganyan.