Chapter 2
Hindi ko kaagad siya nakilala no'ng una dahil sa iba na ang ayos ng buhok niya maging ang kulay nito. Light brown na 'to ngayon, hindi katulad rati na itim na itim. He even looks more matured now. Especially with his business suit.Napaangat naman ng tingin si Aileen sa direksyon ko. ''Oh. There she is, Sir."
Agad akong umupo at pilit na ngumiti sa harap nila.
"By the way, Ms. Sandoval this is my boss, Mr. Buenavista. He's the one who plans to look and buy for a house,'' nakangiting pagpapakilala ng sekretarya niya sa 'ming dalawa.
Agad na pinakalma ko ang sarili dahil ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko. I faced him with confidence and still with a fake smile on my face.
Kahit na ang totoo ay gusto kong tumakbo, sumigaw at magwala. Gusto kong pumikit bago dumilat ulit dahil baka panaginip lang ang lahat ng 'to.
Kinurot ko ang hita ko at medyo napangiwi ako nang dahil sa sakit na naramdaman.
Damn! He is really true!
"Are you okay, Ms. Sandoval?" Lance asked with an amused look.
That made me back to my senses.
''Of course, I'm fine. Nice to meet you, Mr. Buenavista. I'm Shane Chrystelle Sandoval, the real estate agent that you're secretary contacted with.'' I offered my hand to him and he took it eagerly.
Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ko nagawang mautal sa harap niya.
Naaalala ko pa rati na palagi kong iniisip at pinaplano kung paano ba ko aarte o magsasalita sa oras na makaharap ko siya ulit.
Pero nabalewala ang lahat ng 'yon ngayon. I didn't expect to see him in this kind of situation.
Life is really unfair.
Agad ko ring binawi ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. There's something different from the way he looks at me and I didn't like it.
''I guess it's better if we eat first before I discuss.'' They both agreed in my relief.
Kung tutuusin ay busog pa naman ako. But damn! Mas gugustuhin ko pa ang kumain magdamag kaysa ang makipag-usap sa kanya!
Ang buong akala ko ay sira na ang araw ko ng dahil sa pangungulit ni Ralph kanina. Hindi ko alam na may mas isisira pa pala 'to.
Why? Why now? Why the hell did he come back? Hindi pa ba sapat ang ginawa nilang pananakit sa 'kin? Ano pa ba ang gusto niya?
I know that I'm just overreacting. But can you blame me? What they did to me was really traumatizing!
Tahimik lang kami habang kumain. Pero kanina ko pa minumura at pinagsisigawan si Lance sa isip ko. Swerte nga niya dahil hindi pa siya nabubulunan.
Hindi ko alam na nakabalik na pala siya. Sabagay ay pinagbawalan ko rin naman si Dylan na magbanggit ng kahit ano tungkol sa kanya. Now I wonder if Ate Shirley and his family is with him too.
Pagkalipas kasi ng isang taon magmula ng umalis siya ay sumunod naman sa kanya si Ate Shirley at ang buong pamilya nila sa Canada. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay tanging si Dylan lang ang naiwan dito.
Oo at matagal na panahon na ang lumipas. Okay na nga ko, eh. Pero hindi ko lang talaga akalain na babalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko nang dahil lang sa nagkita kami ulit ngayon.
Hindi naman talaga gano'n kadaling kalimutan lang ang lahat. Because it already left a permanent scar in my life and in my heart.
Pero hindi ko hahayaan na malaman niya pa 'yon.
BINABASA MO ANG
A Promise Of Forever (Preview Only) ✓
RomanceA Promise Of Forever Promise Duology #2 (Novel) It's been six years since Shane Chrystelle Sandoval experienced the painful heartbreak from her first love and lose their child. She has already moved on and become a successful real estate agent now...