Chapter 1

716 21 12
                                    

Chapter 1


Shane Chrystelle's POV

Nagising ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa 'king mukha. Itinakip ko ang kamay sa 'king mga mata, bago tumayo at nagsimulang mag-asikaso.

Matagal-tagal din magmula ng pansamantala kong maalis sa pagiging agent. Kaya pakiramdam ko ay unang araw ko na naman sa trabaho ngayon.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay dumiretso na ko sa kusina para kumain. It will be a long day ahead, that's why I need all of the strength that I can get.

Bago ako tuluyang umalis ay pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili sa harap ng pahabang salamin sa huling pagkakataon.

The woman in front of me is far different since she used to be. Her past experience in life made her to become one.

Nasa malalim akong pag-iisip nang bigla kong makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto sa labas.

"Shane! Dalian mo riyan at baka ma-late na tayo!" malakas niyang sigaw, habang patuloy sa pagkatok.

Bakit ba nakalimutan kong kasabay ko nga pala ang isang 'to?

I rolled my eyes and irritably grabbed my things, then walked out of my room. Pagkabukas ko ng mismong pinto ng unit ko ay agad na bumungad sa 'kin ang nakakaloko niyang ngisi.

''Hi, best friend!''

I shook my head upon seeing him. He's still a pain in the ass until now. It seems that the word maturity was never in his vocabulary.

''Ano bang problema mo? Kung makasigaw at makakatok ka naman diyan ay akala mo wala ng bukas.''

Dire-diretso na kong lumabas, bago ko ni-lock ang pinto. Pagkatapos ay walang lingon likod na naglakad ako patungo sa elevator. I know that he's just following me from behind.

''Kanina pa kasi ako naghihintay sa baba. Ang sabi mo naman kasi sa text kanina ay palabas ka na. Kaya lang ay ilang tao na ata ang nabilang kung paroon at parito pero hindi ka pa rin dumadating,'' he teased the moment we entered the elevator.

"Sino ba kasing nagsabi na maghintay ka sa baba? Kanina pa kita pinapapunta sa itaas para ro'n ka na lang sana sa unit ko naghintay. Pero ang tigas naman ng ulo mo."

Kahit kailan talaga ay pasaway ang isang 'to. Siya na nga ang makikisabay sa pagpasok dahil may sira ang kotse niya.

Itinaas niya ang dalawang kamay. "Chill ka lang. Ito naman ang aga-aga highblood agad."

"Ikaw naman kasi, eh. Kung iwan kaya kita? Sanay ka naman mag-commute, ah." Nginisihan ko siya.

Napasimangot siya bigla. "Wala ko sa mood mag-commute. Isa pa ay masisira ang poise ko."

Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Sakto namang bumukas na ang elevator kaya dali-dali ulit akong naglakad palabas.

''Good morning po, Ma'am.''

I just smiled as a response to an employee who greeted me. Natahimik naman si Ralph hanggang sa makarating kami sa parking lot. Sa tuwing tatangkain niya kasing magsalita ay sakto namang may mga empleyado na bumabati sa 'kin.

Nang marating namin ang kinapaparadahan ng kotse ko ay agad na pinatunog ko 'yon. Pero bago pa man ako makapasok sa loob ay inunahan na ko ni Ralph.

"Now, you can't leave me." Itinaas baba niya pa ang kilay.

Napahinga na lang ako nang malalim, bago pumasok at inihagis ang dala-dalang bag at envelope sa back seat nang makaayos ako ng upo.

''Whatever. Swerte mo lang dahil naunahan mo ako sa pagpasok. Feeling may-ari kasi.'' I started the engine, then drove off.

A Promise Of Forever (Preview Only) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon