Chapter 5
Ilang araw na rin ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin naman ako kinokontak ni Aileen para sa susunod na tripping kasama si Lance. Kaya kahit papaano ay napalagay ang loob ko at natahimik ang isip ko.Today is Saturday. Kasalukuyan akong nandito sa sala at nanonood ng TV. I want to see my family so badly right now, but I can't. Nasa ibang bansa kasi sila ngayon dahil sa isang business trip. Mark doesn't want to go though. But Papa insists and he doesn't have a choice.
I was about to take a handful of my popcorn when suddenly, the doorbell rang. Kunot noo akong tumayo at tiningnan mula sa peephole ng pinto kung sino ang bisita kong ang aga mambwisit ngayon.
Napataas ako ng kilay nang makitang sina Ralph at Dylan pala ang nasa labas. Ilang araw ko ring hindi nakita ang dalawang 'to.
"What did the two of you doing here?" I asked the moment I opened the door.
"Care to make us in first?" Ralph asked back.
But before I could even utter a reply, they had already walked pass through me.
I rolled my eyes and closed the door. "Sana hindi ka na nagtanong, 'di ba?"
Dire-diretso silang tumuloy sa sala at prenteng naupo sa sofa, habang may inilalabas na kung ano si Ralph mula sa loob ng bag niya. Si Dylan naman ay mayroong mga dalang plastic bags.
"Ano ang mga 'yan?" Nagdududa kong tiningnan ang mga dala nila.
Napangisi si Ralph. "Damit ata 'to, Shane. Pansin ko kasi paulit-ulit lang ang suot mo, eh," Ralph answered sarcastically.
Binato ko nga ng unan. Napakapilosopo talaga!
Isa pa, hindi naman sa pagmamayabang, pero may sarili ring kuwarto ang mga damit ko nang dahil sa dami no'n. The nerve of this guy!
Inilabas ni Ralph ang dalang neck pillow. "We will be having a movie marathon," he said casually as he leaned his back on the sofa and lifted his feet on the center table.
Napatayo naman si Dylan at dumiretso sa kusina, bitbit ang dala-dalang mga plastic bags.
"This is what you call weekend feels. And I will be in charge of your food, Ma'am and Sir," he shouted.
Napailing at napatakip na lang ako ng mukha. Ang hilig talagang makigulo ng dalawang 'to rito. Kulang na nga lang ay rito na rin sila tumira, eh.
Sabagay, kahit papaano ay naiintindihan ko naman si Dylan. Dahil kagaya ko ay may sarili na rin siyang unit at wala ring kasama dahil nasa Canada pa ang pamilya niya.
Pero ewan ko na lang 'tong si Ralph. Palibhasa ay malapit lang dito sa building ang subdvision na tinutuluyan niya, eh.
"I want sweets!" I shouted back at Dylan.
He popped his head from the kitchen area and winked. "Noted."
"Shane, ikaw na nga ang mamili ng panonoorin natin."
Iniabot sa 'kin ni Ralph ang remote. Naupo naman ako at dumiretso sa Netflix.
"I want zombie movies. Let's watch Train to Busan, Alive and World War Z." Napalingon ako sa kanya.
Napangiwi siya pero napatango na rin. "Fine. Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang trip mo ang zombie movies."
I shrugged. "Wala lang. I just feel thrilled. Isa pa ay nagkakaroon ako ng ideya kung paano makaka-survive just in case it happens in real life."
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa 'kin.
"Seriously? Sa tingin mo ba ay magagawa mong i-apply sa tunay na buhay ang mga napapanood mo?" Napasimangot siya. "Ako na ang nagsasabi sa 'yo, magkaiba ang nangyayari sa tunay na buhay at sa mga palabas. Sa totoong buhay ay paniguradong hindi ka na makakatakas at tatagal pa ng ilang oras."
BINABASA MO ANG
A Promise Of Forever (Preview Only) ✓
RomanceA Promise Of Forever Promise Duology #2 (Novel) It's been six years since Shane Chrystelle Sandoval experienced the painful heartbreak from her first love and lose their child. She has already moved on and become a successful real estate agent now...