16

36 8 1
                                    

16-UGLY TRUTH

Donna POV:

Saglit akong nagpahinga sa clinic,nakabantay pa rin sa akin si Bryce habang nakapangalumbaba naman sa tabi nito si Aning na may nanunuksong tingin sa aming dalawa.

Dahandahan akong bumangon at mabilis naman akong inalalayan ni Bryce para makatayo. Nagpaalam ako sa school nurse ng maramdaman ko ng bumubuti na ang kalagayan ko.Pinakiusapan ko si Bryce na huwag ng sumunod sa amin ni Aning ng sa gayun ay makaiwas na ako sa gulo.Nasa hallway na kami ni Aning ng maramdaman kong may nakasunod sa amin at natawa ako ng makita si Bryce na suot-suot sa ulo ang rilakkuma bear na mascot.Nagmukha tuloy kaming ewan dahil suotsuot ko pa rin ang kalahating costume ni Rb.

"Ehhhh kinikilig aketch,bagay kayo fren"si Aning na abot tenga na ang ngiti.

Sinaway ko ito sa pamamagitan ng siko.

Hinawakan ako ni Bryce sa kamay na may ngiti sa labi.Gustong-gusto ko ang ngiti na yun,dahil ang ngiting yun ang nagpapakalma ng puso ko.

"Do you wanna come with me?"

"Saan?"

"Kay Lolo,"anito.

Nakangiti naman akong tumango.

Hinubad ni Bryce ang suot-suot nitong ulo ni Rilakkuma bear,nagpaalam pa ako saglit na magbibihis kaya hinintay niya pa ako sa parking lot.Pagbalik ko ay namataan ko na itong may kausap sa phone.Salubong ang kilay nito at halatang masama na ang timpla.

"Okay ka lang?"tanong ko ng tuluyang makalapit.

Pilit ang ngiting namutawi sa kanyang hugis pusong labi."Yeah I am alright,hop in?"anitong pinagbuksan pa ako ng pinto ng kotse nito.Hindi na ako nagtanong ng tuluyan kaming makasakay,hindi sumama si Aning dahil aniya ayaw niyang maging third wheel sa love story kuno namin ni Bryce.

Tahimik lang si Bryce habang nagmamaneho kaya hindi na rin ako nagsalita.Mahigpit ang hawak nito sa manibela at medyo mabilis ang takbo namin kaya muntik pa kaming makasagasa.

Kinabahan ako.Nag-aalala naman siyang lumingon sa akin."I'm sorry"sinserong wika nito.Umusad ang sasakyan namin at kalaunan ay nakarating na rin ng ospital.

Mahigpit ang hawak ni Bryce sa kamay ko ng tuluyan kaming makapasok sa building at binaybay ang hallway papuntang ICU kung saan naroon si Mayor Mendoza.Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Bryce ng mamataan kong nakatayo sa labas ng ICU si Don Teodoro Mercedez.May mga tauhan itong nakasuot ng black suit na nakatayo sa likuran nito.

"What are you doing here?!"pagkalapit ay bigla nalang wika ni Bryce.May bahid ng galit ang tono ng pananalita nito at ng lingunin ko siya ay salubong na ang kilay niya.

"Ihu,it's been a year mula ng mamatay si Dafne at ngayon nagkita na tayo ulit,how are you?"akmang yayakapin nito si Bryce ngunit umatras si Bryce, kaya napako ang nakakakabang titig ni Don Teodoro sa akin saka nagpakawala ng ngiting hindi man lang umabot sa mga mata nito.

"What a small world,hello Donna."

Nagsalubong ang kilay ni Bryce ng lumingon sa akin. Umiiling naman akong tumingin sa kanya. Nagtagisan ang panga nitong itinago niya pa ako sa kanyang likuran.

"Hey,I wont hurt her,nakakatuwa magkakilala pala kayo"sa paraan ng pananalita ni Don Teodoro ay mukha itong madaming alam na siyang nagpapadagdag ng kabang nararamdaman ko.

"Anyway,binibisita ko lang ang aking amigo,nakakaawa naman,sino bang gumawa nito sa kanya"umiling pa ito na halatang nagkukunyaring nalulungkot.

"Don Teodoro!"masiglang bati ng isang nagsalitang lalaki sa aming likuran kung saan ay sabay pa kaming napalingon ni Bryce.

Rain on your ParadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon