17

30 8 1
                                    

17 Breathe

Donna POV:

Pinahid ko ang mga luha kong naglandas sa aking pisngi at nakakuyom ang kamaong tinalikuran si Nathan ngunit niyakap niya ako mula sa likuran.

Estranghero,isang estrangherong pakiramdam na hindi ko alam kong ano.Nagtaas baba ang dibdib ko at pakiramdam ko ay mabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.Nanghihina ang mga tuhod ko at nagwawala ang puso ko,lalo ng idikit ni Nathan ang kanang pisngi nito sa aking tenga na kahit ang paghinga nito ay nararamdaman ko na.

"Please stay" wika nitong tumagos sa puso ko.

Tinanggal ko ang mga kamay nitong nakayakap sa akin at humarap dito. Ang mga mata niya,ang kanyang magagandang matang punong puno ng emosyon na pakiramdam ko ay dinuduyan ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili,bakit sa tuwing kaharap ko siya ay ang babaw ng luha ko na parang uubusin niya lahat ng H20 ko sa katawan.Ayokong manghina sa harapan niya dahil baka kung ano pa ang isipin niya ngunit talagang nanghihina ang tuhod ko kaya muntik pa akong matumba sa harapan nito.Maagap niya akong hinawakan sa kamay na agad ko namang hinila.

Umiling ako,hindi ko maaaring papasukin sa puso ko ang gustong maramdaman nito.Hindi maaari lalo na ngayong gulong-gulo pa ang utak ko.

"Please stay"pag-uulit nito.

Umiling ako."Stay?at ano Nathan?gulong-gulo na ang utak ko na kahit ikaw ay hindi mo kayang sagutin lahat ng katanungang bumabagabag sa isip ko,pakiramdam ko,pakiramdam ko mula ng nakasalamuha ko kayo,gumulo na ang buhay ko at ayokong mas gumulo pa ang lahat,ayoko"

"Then I will find answers to all your question,"

Nangunot ang noo ko dahil naramdaman ko ang sinseridad ng pagkakasabi nito. "Bakit?"

"Because I....I want to protect you"

Natigilan ako at naguguluhang tumingin dito. "Sinabi mo rin ba kay Dafne yan?"bigla nalang namutawi sa aking labi.

Nangunot ang kanyang noo. "Bakit napasok si Dafne sa usapan?I don't get it"

Natigilan din ako."Hindi ko rin maintindihan"

Humakbang siya ngunit umatras ako.

He bites his lower lip at nakapameywang ang isang kamay na humarap sa akin."Anong hindi mo maintindihan?ipaintindi mo sa akin,ipaintindi mo sa akin ang nararamdaman mo, because if you are gonna ask me how I feel about you, I can..I"

Umiling ako."Huwag mong sasabihin...naguguluhan ka lang,na.."

Gumalaw ang mga panga nito at nakapameywang na tumalikod,frustrated na napasuklay ang mga daliri sa kanyang buhok saka humarap ulit sa akin."Yes,I am confused..." he bites his lower lip.

Pigil ko ang aking hininga.

"But my heart is betraying me, this stupid heart of mine keeps on reminding me that I truly care for you! that I ....."

Umiling ako at napakagat labi."Hindi!huwag mong sabihin yan,hindi ako si Dafne hindi ako ang babaeng..."

Malakas na ang hangin sa rooftop,tuluyang natanggal ang tali sa aking buhok kaya ngayon ay inililipad na ito ng hangin.Sana tangayin nalang din ako ng hangin ng sa gayun ay hindi ko na marinig lahat ng sinasabi nito.Dahil nasasaktan ako,hindi ko maintindihan,gusto kong maramdaman pero sa tuwing binubuksan ko na ang puso ko ay tinatalo pa rin ako ng sinisigaw na katotohanan ng utak ko.Na hindi ako si Dafne at hindi ako ang laman ng puso ng kahit sino mang Mendoza.

Umiling ako. "Nathan nililinlang ka lang ng puso mo, dahil ang totoo ay nakukunsensiya ka lang,dahil namimiss mo si Dafne,dahil hindi mo yan naipakita sa kanya noong buhay pa siya,pero ako,buhay ako Nathan!at tingnan mo ako, maaaring magkamukha kami pero magkaiba kami,hindi ako kasingganda niya,hindi ako kasingyaman niya,hindi ko kayang maging siya,hindi ko kayang..."

Rain on your ParadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon