Sam's POV
"Mon's back!'-Yuki
"Go to this restaurant I will send you the address , nandito si Mon"-Jim
Agad kong iniwan ang trabaho at nagmadaling umalis nung nabasa ko ang text ni Jim.Hindi ako makapaniwala na nandito na si Mon matagal ko siyang hinintay at miss na miss ko na siya hindi ako makapaghintay na makita siya.Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko ang mga kaibigan kong nakatulala at walang Mon akong nakita.
"Bakit kayo nakatulala? Nasan si Mon?" tanong ko , baka pinaprank lang nila ako at wala talaga si Mon bigla akong nainis at nalungkot nung maisip ko yun.
Bigla na lang silang napalingon sa akin
"Sam!"-Kade
"Kakaalis lang ni Mon"-Yuki
"Nasaan siya?baka maabutan ko pa siya" aalis na sana ako para hanapin si Mon pero pinigilan ako nila Tee at Jim.
"Wait Sam may dapat kang malaman"-Tee
"Pwede bang mamaya na lang baka hindi ko na maabutan si Mon" inis kong sabi.
"Akala ni Mon na natuloy ang kasal niyo ni Kirk"-Jim
"Ano! kung ganon dapat ko na siyang kausapin." sabi ko at nagmadali akong umalis.
"Sam wait"
Hindi ko na pinansin si Jim at pumunta na ako sa parking lot.Hindi natuloy ang kasal namin ni Kirk dahil nalaman ng magulang ni Kirk na bakla siya,oo bakla si Kirk , may misteryosong nagpadala ng litrato sa mga magulang niya at nakita ng mga magulang niya na may kahalikan siyang lalaki sa litrato at agad naman nilang kinansela ang kasal,inatake sa puso si Lola nung malaman yon at hanggang ngayon hindi pa siya nagigising sabi ng mga doctor baka hindi na niya kakayanin,nalungkot ako nung nalaman ko yun dahil Lola ko pa rin siya sa kabila ng mga ginawa niya.
Pagdating ko sa parking lot ay hinanap ko si Mon at hindi ako nahirapan na hanapin siya agad agad akong tumakbo papunta sa kaniya.
"Mon" tawag ko
Humarap siya sakin at sinabing "Khun Sam, it's been awhile"
"Mon may mahalaga akong sasabihin,hindi natu-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung may biglang gwapong lalaking yumakap kay Mon, natakot ako kung sino siya sa buhay ni Mon.
"Sino siya" sinikap kong wag mautal
"Oh how rude of me my name is Isaac and I'm Mon's fiance"
Bigla na lang gumuho ang mundo ko nung marinig ko yun.
I'm Mon's fiance
Mon's fiance
Fiance
Paulit-ulit yon tumatakbo sa isip ko.Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko kaya tumakbo ako para lang makalayo sa kanila narinig ko na tinatawag ako ni Mon pero hindi ako lumingon,sobrang sakit,nagmadali akong pumunta sa sasakyan ko at nagmaneho papunta sa bahay ko pinipigilan kong wag umiyak.Pagdating ko sa bahay ay doon na tumulo ang luha ko, napahagulhol ako ,sobrang sakit,may iba na siya at ikakasal na , ganito ba ang naramdaman ni Mon tungkol sa amin ni Kirk?,kung ganon gusto kong magalit sa sarili ko , kung pinaglaban ko sana siya at hindi ako sumuko ay hindi sana siya makakahanap ng iba at ako pa rin kasama niya, ako dapat yon
Ako dapat ang nagpapangiti sa kaniya
Ako dapat ang nagbibigay ng saya sa kaniya
At ako dapat ang pakakasalan niya
That should be me
Lungkot,selos,galit at pagsisisi ang nararamdaman ko.Umiyak ako na parang wala nang bukas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
3 days later
Jim's Pov
"Ano may balita na kayo kay Sam?" tanong ko sa mga kaibigan.Nandito kami sa restaurant at nag-aalala na kami kay Sam dahil hindi siya sumsagot sa mga tawag namin at nung pinuntahan namin ang company nya ay wala siya hindi daw siya pumapasok.
"Wala pa nga eh"-Kade
"Ano ba kasi nangyare?" tanong ni Kade
"Sa tingin ko nag-usap na sila ni Mon at baka sinabi ni Mon na hindi siya mahal ni Mon" sabi ko
"Baka nga"-Kade
"Pero hindi ako naniniwala na hindi na siya mahal ni Mon"-Tee
"HMM" pagsang-ayon ko
"Puntahan kaya natin bahay niya para malaman natin kung ano talaga nangyari"-Kade
"Good idea" sabi ko
Pagdating namin sa bahay ni Sam ay kumatok na kami sa pinto pero walang sumasagot kaya nag-alala kami, patuloy lang kami kumatok nang biglang dahan dahang bumukas ang pinto at nagulat kami sa nakita namin,Nakita namin si Sam ,namunula ang mata nya,hindi nakaayos ang buhok niya halatang pagod at walang tulog at wala ring ligo amoy alak pa, yuck I made a disgusted face
"Yuck"-Kade
"Sam ano nangyari sayo? Mukha kang heartbroken" nag-aalalang sabi ni Tee
Sinarhan na lang kami ng pinto ni Sam
The Hell!
Binuksan namin ang pinto at nagulat ulit kami pagpasok namin,gulo-gulo ang mga gamit,nakakalat ang maraming bote ng alak at nakita namin si Sam na kaupo sa sofa at nakatulala,naawa kami sa kaniya
"Sam anong nagyari pwede mo bang sabihin" nag-aalalang sabi ni Kade
Tumingin siya samin at mapait na ngumiti na sinabing "May iba na siya hindi na niya ako mahal"
"Sam" naaawang sabi namin
Bigla na lang siya napahagulhol ng iyak at niyakap namin siya ng mahigpit
"Susuko ka na lang ba?"-Tee
"She's getting married" mahinang sabi ni Sam
"Ano!!!" Nagulat kami sa sinabi nya
"Eh d paghiwalayin mo" biglang sabi ni Kade
"Kade!" nagugulat naming sabi sa pangalan niya
"What? Madali lang solusyon diyan paghiwalayin mo sila, akitin mo si Mon, may fiance ka rin naman nung naging kayo ni Mon" paliwanag ni Kade
"Oo nga noh" pagsang-ayon ni Tee
"Ano ba yang naiisip nyo?" tanong ko
"Pwede bang umalis na muna kayo gusto kong mapag-isa" sabi ni Sam
Nagkatinginan kaming magkakaibigan
"Hays sige aalis na kami pero wag kang magpakamatay hah" sabi ni Tee
"Wag kang sumuko Sam kung mahal mo pa rin siya aki-"bigla ko na lang tinakpan ang bunganga ni Kade
"Halika na nga" sabi ko at umalis na kami
Sam's Pov
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Paghiwalayin mo
Akitin mo
Bigla na lang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kade
Akitin huh?
Bigla na lang ako napatawa,paano ko siya aakitin kung hindi na niya ako mahal?
YOU ARE READING
OFFICIALLY YOURS
Romansa"Mon!" "Khun Sam it's been awhile" "Sino siya?" "Oh how rude of me, my name is Isaac and I'm Mon's fiance ============================= Matagal na to sa imagination ko isusulat ko lang.Fanfiction lang po ito gawa gawa ko lang Cover is not mine