Prologue

131 2 0
                                    

Malapit na mag-vacation. Ayaw ko pa umalis ng school! Uutusan lang naman ako sa bahay eh. Mamimiss ko talaga mga kaklase ko pag bakasyon.

Hi! Ako nga pala si Corrinth. Full name ko, Corrinth Jewels Paguia. Nasa Year 2 na ako. And huhhuhuhuhuh! Ang tanda ko na! kaka-14 ko lang last week.

So, nag aaral ako sa Hitlercove University. Exclusive ito para sa mga RK. Di naman ako masyadong mayaman, sakto lang.

-------

Kakauwi ko lang ng bahay. At nang i-on ko na ang WiFi sa phone ko, agad na biglang nag pop-up ang GC bubble. Grabe 234 messages agad!

Ano kayang topic nila? So nag scroll na ako. Binasa ko yung mga nauna nilang messages. Nung una tungkol kay Elarne or ET kung tawagin. Si ET kasi ay isang napakabastos na lalaki. Ang pilosopo pa niya. In-add kasi siya ng kaklase kong kasama rin dito sa Group Chat.

And nakita ko din na ni-remove na siya. Yes! Kasi naman mag-hi lang siya sira na araw namin.

Nag scroll pa ako, then I found out na pinag-uusapan nila LOVE.

Napaisip tuloy ako. Kailan kaya ako magkaka-love life? Hayy..

So Nag-Hai ako sa kanila. Ang sarap sa feeling na pinapansin ka nila. Almost lahat nag Hi Back sakin.

Hay nako! Nakakainggit naman. Kasi may guy doon na pangalan Modrow. At si Modrow ay nagpi-pick up linea sa crush niya. Alam ko ang clichè pero at least nag-effort.

To be Honest, Inggit ako. Ako kaya?

Ang daya naman kasi ng life eh.

-------

"JayRella Forevs!!!"

Sino pa ba magsasabi niyan kundi ako?
Kasi isa sa mga super cute kong classmate ay may ka-MU. And I ship them!

Nalaman ko lang din sa GC na may something pala sa kanila.

Hay love na naman...

So nagsimula na ang klase. At syempre, dahil malapit na mag-end yung school year, busy ang mga teachers sa grades at kung ano. Andami naming freetime!!

So nag-group kami sa likod ng classroom. Pinag usap usapan ang kung ano-ano. Masaya lalo na pag may asaran ng unti.

At nag-CR lang muna ako.

Pagbalik ko...HuWaW!!! LabLayp na naman.

TBH, I like love stories. Kasi ini-imagine kong ako yun. So pinakinggan ko lang yung usapan nila.

(Rachel, Luzille, Leah, at Ako)

"Alam niyo ba na may bago ako ngayong ka-chat???" sabi ni Leah na may pagkalandi ng unti.

"Si Yuan nohh??" Sabi naman ni Rachel. Ang dami naming tawag kay Rachel eh. Ragol, Rashot, Peter.
"Hala! Paano mo nalaman?!" sabi ni Leah ng may pagkagulat.

"Duhh? Si Rachel pa?" sabi ni Luzille.

At tumawa lang ako ng unti

"Oo, si Yuan nga. Na-meet ko lang siya nung FISAA"

(FISAA= Filipino Inter-School Athletic Association)
Parang sports competition. Chess player kasi si Leah.

"Alam ko yung storya na yan eh..." sabi ni Rachel.

"Sige go kwento" sabi ko.

"Naglalakad si Leah doon sa court. Tapos pawis na siya. Kasi nga mainit. May nagbigay sa kanya ng tubig, which is Yuan nga."

"Ahh so yung Yuan ung ka-chat mo ngayon?" ako

"Ou!"sagot niyang maarte

"Kinilig ka naman?" Luzille

"Uhm...heheheh...oo" hay malandi nga

So nag usap lang kami na nag usap hanggang mag break na.

----
Hinug ko na lahat ng mga ka-close ko. Mahilig ako sa hugs ehh. So nagpunta na kami sa dismissal area.

Pagka dating ko ng bahay agad kong tiningnan GC para malaman kung anong ganap.

"Yung crush ko ay si...." sabi ng isa.

---

So nagsimula po ako ng bagong story since mahaba haba pa vacation namin dito. Sana po magustuhan niyo. And tell me kung itutuloy ki siya or wag na. Kung maganda or panget.

Critism is taken as encouragement sakin po.

Thanks. And God Bless.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Group Chat BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon