Sayaw Sa Ulan

3 0 0
                                    

“Sayaw Sa Ulan”

Ang iyong ngiti ay nakaka-silaw,
huwag ka nang bumitaw.
Binibining kay ganda,
nais kang kasama sa pag-tanda.

Hinawakan mo ang aking kamay,
pag-ibig mo'y iyong alay.
Alam kong ito'y malapit sa wakas,
ang mga luha ko'y tumakas.

Patak ng luha, patak ng ulan,
Ika'y iibigin kahit kailan.
Ngunit, ako'y kaya mo bang mahalin?
Kahit 'di na ako ang iyong pipiliin.

Ika'y napagod na,
hindi na ba talaga kaya?
Hindi ka manlang nakuntento,
Kaya tinapos mo ang ating kwento.

Ako'y magandang nobela,
ngunit pinilit mo akong isara.
Ika'y napagod na ako'y basahin pa,
tuluyan akong iniwan na nag-iisa.

Ako'y inubos mo lang,
saan ba ako nag-kulang?
Saktan mo ang aking puso,
'yan lang ang tanging abuso.

Ako'y tuluyang iniwan,
sumasayaw sa ulan.
Mahal nga kita,
ba't 'di mo makita?

Ethereal Thoughts (Book Of Poems)Where stories live. Discover now