one

89 2 0
                                    

Sa tagal kong nabubuhay wala akong ibang ginawa kundi magpabalik-balik sa hospital. 17 years old palang ay tumigil na ako sa pag-aaral dahil sabi ng doktor ko na si doc. Kris na baka hindi na kayanin ng katawan ko kapag napagod ako ng husto at ito pa ang maging dahilan upang mas mapabilis ang pagkawala ko.

Nakakalungkot man na hindi na ako papasok at maiiwan ko ang mga kaibigan ko ay sinunod nalang din ng pamilya ko ang ang bilin ng doktor dahil natatakot din sila na baka may masamang mangayari sa akin.

Ngayon nandito ako sa simbahan sa loob lang din ng hospital upang magdasal at humiling kahit na sa huling pagkakataon.

Minsan ng nawala ang
pananampalataya ko sa panginoon at naaalala ko pa nga na sinisi ko siya at lubos akong nagtanim ng galit sa kanya dahil naisip ko na marami namang iba na pwede niyang bigyan ng sakit ngunit bakit ako pa ang napili niya, diba? At ang malala wala pang nakakaalam kung ano ba talaga ang sakit ko.

Ngunit naisip ko na masyado pala akong makasarili dahil sa gusto kong mangyari.... pero masisisi nyo ba ako kung ganto ako mag-isip? Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng payapa at mapasaya ang magulang ko dahil sa tanang buhay ko ay binibigyan ko lang sila ng sakit ng ulo kahit na hindi nila sabihin alam ko na nahihirapan sila hindi naman kami hirap sa pera dahil may mga negosyo naman kami ngunit ako lang kasi ang anak nila at gusto ko silang alagaan kapag matanda na sila ngunit paano ko gagawin yon kung alam kong mauuna pa akong mamatay sa kanila.

Kaya ngayon nasa harapan ako ng altar at sa huling pagkakataon ay humiling ako sa kanya na sana

...............

Bago ako bumalik sa aking kwarto ay napadaan ako sa garden isa ito sa mga paborito kong lugar dahil dito nakakaramdam ako ng kapayapaan kaya kapag wala akong magawa ay dito ako nagpapalipas ng oras.

Sobrang tirik ng araw ngunit hindi ito masakit sa balat siguro dahil sa ber months narin kasi.

Habang naglilibot at nagtitingin-tingin sa mga bulaklak ay nakarinig ako ng tunog ng gitara kaya naman sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog nito at habang sinusundan ko ang tunog ng gitara ay naririnig ko na may kumakanta na rin.

Ang boses niya ay mahina pa para sa aking pandinig ngunit alam kong maganda at napaka kalmado nito.
Palapit ako ng palapit at mas naririnig ko ng mas malinaw ang kanyang tinig at sa hindi malamang dahilan nang masilayan ko ang kanyang mukha ay napatulala ako sa kanya. Napakaaliwalas ng kanyang mukha habang siya'y umaawit na tila wala siyang pakealam sa nangyayari sa kanyang paligid basta ang mahalaga ay matapos niya ng kanyang awitin.

Sa tagal kong nandito sa hospital ay ngayon ko lang siya nakita rito siguro ay may binibisita lamang siya kaya narito siya.

Ngunit ang kanyang inaawit ay sadyang napalungkot.

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin patungo..

Alaala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin?
Nasa'n ka na kaya?
Aasa ba sa wala?
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin patungo sa iyo
Patungo sa iyo

Masyadong malungkot ang kanyang boses siguro katulad ko ay may inaalala rin siya o baka naman sadyang finefeel niya lang yung kanta at masyado lang akong nago-overthink.

Hindi ko namalayan at siguro mga limang minuto na ako nakatingin sa lalaking umaawit kaya naman napagpasyahan ko ng magtungo sa silid at magpapahinga na ako. Ngunit sa huling pagkakataon ay nilingon ko pa siya ngunit wala na siya roon.

Last WishWhere stories live. Discover now