two

57 0 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at wala namang masyadong nangyaring importante maliban nalang sa hindi ko na ulit nakita yung lalaki na kumakanta siguro nga ay may binisita lamang siya nung araw na iyon.

"Anak, halika na at bumalik na tayo sa kwarto mo at may bisita ka" tawag sa akin ni mama. Nandito kasi ako ngayon sa garden upang magpahangin. Si mama at papa ay bumibisita sa akin tuwing gabi ngunit hindi ko na sila naaabutan dahil laging hating gabi na kung sila ay dumadating dahil sa mayroon silang trabahong kailangang asikasuhin. Aking naiintindihan iyon at kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng tampo sa kanila dahil alam kong ginagawa nila ito upang may pampagot ako at hindi rin naman sila nagkulang sa pagpaparamdam na mahal nila ako kaya ayos lang iyon sa akin. At tsaka gumagawa pa rin naman sila ng paraan upang bisitahin ako sa umaga tulad ngayon.

Bisita? Siguro sila Shania iyon.

"Opo, ma!" Tugon ko rito pabalik.

Habang pabalik kami patungo sa kwarto ay nagpaalam muna si mama na pupunta raw muna siya sa mall upang bumili ng makakain namin kaya naman mag-isa nalang akong bumalik sa aking silid.

Papasok na sana ako ng kwarto ngunit kusa na lamang itong bumukas
at bumungad ang nakangiting mukha ni Shania. Sobrang lapit ng mukha niya feeling ko nga ay duling na ako sa kanyang paningin.

"Lux! Kanina ka pa namin hinihintay buti naman at nandito ka na. Ano, ayos lang ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? ano ha sabihin mo lang." hay nako, masyadong matinis ang boses ni Shania kaya naman masakit ito tenga. Si Shanai ay isa sa mga kaibigan ko na itinuring ko na ring kapatid siya yung tipo na punong-puno ng enerhiya sa katawan kaya naman hindi ka mabobored kapag siya ang kasama mo.

"Shania, pwede bang huminahon ka lang masyadong matinis ang iyong boses baka makaistorbo tayo sa ibang pasyente" habang sinasabi ko ang mga katagang ito ay siya namang paghila nito sa aking papuntang higaan upang paupuin ako rito.

"Masyadong matigas ang ulo ng isa nyan kaya hindi yan makikinig kahit anong sabi mo riyan, Lux." siya namang sabat ni Lucas, isa rin sa mga kaibigan ko.

"Kumusta?" Tanong ni Kevin sabay yakap sa akin.

"Ayos lang naman ako, kayo?" Sagot ko rito bago gumanti ng yakap.

"We're fine so you shouldn't worry about us, just worry about yourself" siya naman si Arin, masyadong elegante at maarte sa mga bagay bagay siya yung kaibigan mong perfectionist ngunit mabait naman ito ayaw nya lang sa mga taong tatanga-tanga.

Nginitian ko lang ito bago niyakap at tsaka nilibot ang paningin sa bawat sulok ng silid at doon ko nakita sa isang sulok si Matthew nginitian nya lang ako at binigyan ng isang tango na siya namang tinugon ko rin. Ganyan si Matthew hindi siya palaimik ngunit kapag nagsalita ito sa isang bagay ay talagang mamamangha ka sakanya.

Nilibot ko pa ang aking paningin dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil may nakatingin nga sa akin ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko rito ang lalaking nakita ko nung nakaraan sa may hardin.

"Anong ginagawa mo rito?" wala sa sariling naibulalas ko na siya namang nakakuha ng atensyon ng lahat.

"Kilala mo ba siya, Lux?" Tanong ni Shania na siyang nagpabalik ng ulirat ko. Wala sa sariling napailing ako dahil totoo naman na hindi ko siya kilala.

"Ha? Ah hindi naman nagulat lang ako na may ibang tao rito maliban sa atin" sagot ko sa tanong ni Shania bago tumingin ulit sa lalaki na komportableng nakaupo habang nakatingin sa amin.

Last WishWhere stories live. Discover now