"Hindi. Yung doktor mo ang tinutukoy ko, si dok Kris. Siya ang mama ko."
"Ah si dok. Kris pala oo naman nagpalaam si kuy-" wait... Sinabi niya bang mama niya si dok?
"Eh!! Mama mo si dok. Kris?!" Tanong ko na nakapagpadilat sa kanya at sinagot lang ako ng smirk bago pumikit ulit. Kaya pala pamilyar ang pangalan niya dahil minsan pala itong nabanggit ni dok nong minsan ko siyang tanungin.
Hindi ko alam ngunit nakokonsensya ako lalo na't nakilala ko na ang tinutukoy ni dok. Kris. Gusto ko siyang tanungin kung nagkakamabutihan na ba ulit sila ng mama niya pero wag nalang at baka isipan niyang masyado akong chismosa. Nakaharap pa rin ako sa kanya at pinagmamasdan ko lang.
"Mabait ang mama mo. Ang totoo niyan malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil marami siyang naturo sa akin. Tinuring ko na rin siyang pangalawa kong ina." Nakangiti kong sabi bago tumalikod sa kanya. Ang totoo niyan hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang mga iyon gayong alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit sila nagkalayo. Alam kong hindi dapat ako mag-isip ng ganon dahil trabaho iyon ni dok. Ngunit hindi ko mapigilang isipin iyon.
Wala naman akong narinig na tugon sa kanya. Ayaw nya sigurong pag-usapan iyon at nirerespeto ko naman yon kaya tumahimik nalang din ako.
2:30 na at wala pa rin sila Shania nakaramdam na rin ako ng antok. Paglingon ko naman kay Axel ay nakapikit pa rin ito, nakatulog na ata. Naaantok na rin ako kaya naman napagdesisyon kong umupo sa tabi niya hindi naman as in magkatabi may pagitan kaming tatlong upuan at doon ko napagdesisyonang umidlip muna. Napagod ako sa paglilibot namin ni kuya kaya magpapahinga muna ako. Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa nakatulog na ako.
Makalipas ang 30 minutes
Nagising ako dahil sa ingay na ginagawa nila Shania at Kevin para silang aso't pusa pero magkasundo rin sila pagdating sa kalokohan. Napansin ako ni Lucas kaya naman lumapit siya akin at tsaka humalik sa aking pingi.
"Oh, buti naman gising ka na Lux. Nasabi na sa amin ni Grayson kung paano ka napunta dito." Saad niya. sinagot ko lang siya ng ngiti alam ko namang naintindihan niya iyon. Si lucas ay seryoso at mature sa mga bagay kaya siya ang ginawang naming leader ng Sirius hindi rin ito palaimik pero nakikisama pa rin siya sa amin. Napansin naman ng iba ang presensya namin at lumapit na rin upang batiin ako.
"Ang ingay kasi ni Shania eh, yan tuloy nagising si Pen." pangaasar pa ni Kevin bago yumakap sa akin.
"Ay wow ha?! Ako pa talaga ang maingay eh ikaw nga yong putak ng putak dyan, manok kaba ha?!!" ganti naman nitong si Shania bago tinulak si Kevin at tsaka humalik sa pingi ko. HAHAHA ang kyut nilang tignan. Kaya lang naman inaasar ni Kevin si Shania ay upang magpapansin dito dahil sa matagal na niya itong gusto ngunit natotorpeng umamin dahil sa natatakot itong mareject ang hindi niya alam gusto rin siya nitong si Shania. Alam naming lahat ang nararamdaman nilang dalawa ngunit hindi lang kami nangingialam.
Kumpleto ang lahat, kahit na si Matthew ay nandito rin nakaupo sa tabi ko ngunit gaya ko ay manonood lang rin siya. Mag-uumpisa na kasing magpractice sila Arin kaya naman nandito lang kami sa harapan nila, nakaupo. Inaayos pa nila ang mga tono ng kanilang mga instrumento. Ngayon ko lang rin naramdaman na may nakapatong na jacket sa katawan ko at nang tignan ko ito ay hindi ko alam kung kanino ito kaya naman tinanong ko si Matthew.
"Matt, bagong jacket mo?" Tanong ko sa kanya bago pinakita ang jacket. Mahilig spkasi si Matt sa mga jacket kaya siya agad yung naisip ko.
"Hindi. Kay Axel yan" eh? Wala namang suot na jacket yun kanina kaya paanong.. ay oo nga pala may locker pala dito shunga ko sa part na yon ah. Nginitian ko nalang si Matt. Tinupi ko muna ang jacket bago ko iyon tinabi. Nagumpisa ng tumugtog sila lucas kaya naman tahimik namin itong pinanood ni Matt. Maganda talaga ang boses ni Axel kaya naman nakikita kong mas ginaganahan ang ibang tumugtog. Nakakatuwa silang panoodin dahil nakikita mong nag-eenjoy talaga sila sa kanilang ginagawa.
YOU ARE READING
Last Wish
Short StorySa loob ng labing-siyam kong nabubuhay sa mundong ito wala akong ibang ginawa kundi ang magpabalik-balik sa sa hospital dahil sa sakit na kahit ang doktor ay hindi malaman kung ano ito. Minsan nga naisip ko na baka isinumpa talaga ako. Oo nga pala b...
