Lumipas ang tatlong araw at ang ginawa ko lang non ay kumain, kukumustahinng mga nurse kung ano ang nararamdaman ko, matutulog at pupunta sa garden. Kaya heto ako ngayon at nakatambay na naman sa garden. Mahigit dalawang taon na rin ng tumira ako rito kaya dapat sanay na ako ngunit may mga pagkakataon talagang nakakaramdam ako ng pagkabagot lalo na't paulit-ulit nalang ang nakikita ko.
Habang nagkatingin sa mga batang naglalaro ay bigla nalamang may nagtakip ng mata ko. Sa amoy palang ng pabango niya ay kilala ko na ito.
"Kuya!" Saad ko bago niya tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa aking mata.
"Kumusta?" Tanong niya bago naupo sa tabi ko. Oo nga pala siya si Kuya Hunter Jenkins pinsan ko siya na kapatid. 9 years old palang siya ay naulila na siya dahil namatay sila tito at tita na siyang magulang ni kuya Hunter sa isang aksidente kaya naman nung malaman yun ng magulang ko ay hindi sila nagdalawang isip na kupkopin ito hindi na rin naman iba si kuya Hunter sa amin at sakto rin na gusto ng magulang kong magkaanak ng lalaki kaya naman ayon. Sa lahat ng pinsan ko ay si kuya Hunter ang pinaka close ko kaya masaya akong maging kapatid siya.
"Ayos lang naman, nabobored lang ako. Ikaw kuya? Tsaka bakit ka nandito ng tanghaling tapat hindi ka ba busy?" Balik tanong ko sa kanya. Sa isang linggo ay isang beses lang kung siya'y makadalaw dahil sa graduating student ito kaya busy siyang tao kaya nakakapagtaka kung bakit nandirito ito ngayon sa aking harapan.
"Hmm, tapos ko na lahat ng pinapagawa ng mga professor at wala namang ginagawa ngayon dahil busy sila sa pagdedecorate sa school dahil sa event kaya nandito ako ngayon" Oo nga pala nasabi nga yon sa akin nila Matthew nung dumalaw sila. Hay! gusto ko sanang pumunta sa school kaso hindi naman pwede. Nung pumapasok pa ako ay lagi ko talagang inaabangan ang mga event sa school dahil nakakagawa kami nila Arin ng maraming memories tsaka tumutugtog ang banda kapag may event kaya sobrang saya talaga non. Ngunit ngayon? Hayy!
"Dapat nagpahinga ka nalang kuya, alam kong ilang araw kang puyat kaya dapat natulog ka nalang" pangangaral ko pa sa kanya ngunit ang masipag kong kuya ay tumayo lang at parang walang narinig. May inabot lang ito sa aking paper bag na siya namang aking kinuha ito. Nagtataka man ngunit tinignan ko pa rin ang loob nito at pagbuklat ko sa paper ay may laman itong damit kaya nagtataka ko siyang tinignan at tinanong.
"Anong gagawin ko rito?"
"Ano bang ginagawa sa damit, Pen? diba sinusuot." Tignan mo 'tong magaling kong kuya nagawa pa akong pilosopohin. Alam kong susuotin iyon pero hindi ko naman na kailangan yon dahil may uniform ang mga pasyente dito noh. Hindi rin minsan nag-iisip to eh.
"Sige na magpalit ka na ron sa c.r at hihintayin kita rito" hindi ko siya sinunod at tinignan ko lang siya ng may pagtataka. Nakuha nya atang naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya kaya naman nagsalita pa siya ulit.
"We will go to school. I've told mom about this and she agreed as long as I bring you back here before it gets dark."
"Talaga?!!" Excited kong tanong sa kanya.
"Oo, kaya bilisan mo at baka magbago ang isip ko" hindi ko na pinansin ang sinabi niya at mabilis ko siyang niyakap at tsaka mabilis na tinungo ang palikuran. Sa sobrang excited ko ay wala pa atang dalawang minuto ay nakabalik na ako kung saan ko siya iniwan kanina.
"Tara na kuya at madali lang lumipas ang oras" saad ko sa kanya at mabilis na hinila ang kanyang braso. Nakita ko naman na iiling-iling siyang naglalakad pero nakangiti habang nagkatingin sa akin kaya naman ginantihan ko rin iyon ng ngiti. Maswerte ako dahil nandito si kuya Hunter alam niya kung kailan ako papasayahin kahit na busy siya ay gumagawa pa rin siya ng paraan upang magkaroon ng oras para sa akin.
YOU ARE READING
Last Wish
Short StorySa loob ng labing-siyam kong nabubuhay sa mundong ito wala akong ibang ginawa kundi ang magpabalik-balik sa sa hospital dahil sa sakit na kahit ang doktor ay hindi malaman kung ano ito. Minsan nga naisip ko na baka isinumpa talaga ako. Oo nga pala b...