CHAPTER TWELVE

9 1 7
                                    

CHAPTER TWELVE

👻👻👻👻👻

"Inay, saan po kayo nagpunta?" Usisa ni Anghelita nang makita ang ina nito. Ilan araw na hindi nakita ni Anghelita ang ina samantalang dati naman ay madalas nitong sinasabi sa anak ang mga plano nito.

"Ano ba Anghelita, kailangan bang ipaalam ko palagi sa iyo ang lahat ng mga gagawin ko o pupuntahan?" Paangil na sagot ng ina ni Anghelita. Umikot pa ang mga mata nito na para bang naiirita sa kaharap dahilan para bahagyang manlaki ang mga mata ni Anghelita.

"Hindi naman po sa ganoon, pero nag-aalala lang po ako na baka may makakilala sa inyo lalo pa at nasa katawan kayo ng babaeng iyan." Nagpapaliwanag naman saad ni Anghelita sa ina. Hindi nito maiwasan hindi kabahan sapagkat alam nito na kilalang tao ang sinasaniban ng kanyang ina.

"Anghelita, hindi mo kailangan mag-alala sapagkat matagal ng alam ng tao na patay na ang may-ari ng katawan nitong gamit ko. Wala silang kayang gawin para mapigilan ako kaya kung ako sa iyo anak, gawin mo na lang ang mga ipinagagawa ko sa iyo." Maawtoridad na pahayag ni Mariana sa harap ng anak na si Anghelita. Pamaya-maya ang mabalasik nitong tono ay nagbago at naging malumanay na sabay yakap sa anak na panganay.

"Huwag kang mag-alala anak, makukumpleto rin tayong lahat, kunting panahon na lang."

"Kung hindi lang nakialam iyon walang kwentang pari at iyon dating sakristan na alalay niya, di sana tayo nagkakaproblema ng ganito."

"Sa oras na magkaharap kami, sisiguraduhin kong maghihirap ang katawan lupa nila bago ko ipadala sa impyerno." Malagom na tinig ang umalingawngaw dahilan upang mangilabot si Anghelita. Habang tumatagal, hindi na mawari ni Anghelita kung ang ina pa rin ang kaharap o si Satanas.

👻👻👻👻👻

"Kumusta na Ekang? Madalas ka pa rin bang makaranas ng bangungot?" Pagtatanong ng isang psychiatrist sa dalagitang si Ekang. Kasalukuyan itong umaattend sa isang Talk Theraphy.

"Hindi na po. Nakakatulog na po ako ng mahimbing. Nagdarasal po kasi ako gabi-gabi upang hindi makaranas ng bangungot." Masiglang sagot ni Ekang sa kausap na psychiatrist. Napangiti naman ang doctor sa nakikitang magandang progreso ng kanyang pasyenteng si Ekang.

"Tama! Ang pagdarasal ang pinakamabisang paraan para maibsan ang mga negatibong damdamin at pag-iisip. Bukod doon, nakakatulong sa mabilis mong pagrecover ang mga gamot na inirereseta sa iyo."

"Kung ipagpapatuloy mo iyan muli kang makakabalik sa normal mong buhay."

"Maaari na po kaya akong bumalik sa pag-aaral?"

"Sa tingin ko naman puwede na tutal ipagpapatuloy mo pa rin naman ang pag-inom ng maintenance kahit bumalik ka na sa dati mong buhay."

"Ito lang iisipin mo palagi, lahat ng problema may solusyon. Kailangan mo lang itong hanapin at ang mga problema sa halip na iwasan o takasan, mas mainam pa rin harapin ito dahil bawat problema may mga katumbas na solusyon, minsan hindi lang isa kung minsan ilan beses pa puwede mong subukan."

"May mabubuting tao pa rin na malalapitan mo sa oras na kailangan mo ng karamay at maaari mo silang mahingan ng tulong, kaya huwag mong iisipin na nag-iisa ka."

"Ang makaranas ng takot ay bahagi rin ng buhay ng tao at hindi ito madaling iwasan subalit sa halip na magpakalunod sa takot, mas mainam na harapin ito at labanan. Mas makakaisip ka ng solusyon kapag nagawa mo itong harapin ng buong tapang."

"Patunay dyan ang iyong Inay Leope. Kahit takot na takot siya sapagkat nakikita ka niyang nahihirapan pero dahil sa pagmamahal niya sa iyo tumatapang siya. Nilalabanan niya ang takot sapagkat mas mahalaga sa inay mo ang maprotektahan ka at masigurong nasa mabuting kalagayan ka."

Midnight PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon