CHAPTER FOURTEEN

7 1 3
                                    

CHAPTER FOURTEEN

👻👻👻👻👻

"Bakit mo iyon ginawa ate Rosalie? Pumayag kang pumatay ng inosente para lang sa pera! Saan na napunta ang konsensya mo?" Mapanumbat na paglalahad ng isang binatilyo na tinatayang nasa labing-limang taong gulang sa nakatatandang kapatid na babae nito.

Nasampal ang binatilyo ng kapatid nitong babae dahil sa tinuran ng binatilyo.

"Wala ng konsyensya kung wala! Mas gugustuhin ko pang mamatay ang isang mangkukulam kaysa tayo ang mamatay sa gutom." Nanggagalaiting pahayag ng ate ng binatilyo habang pinanlalakihan nito ng mata ang nakababatang kapatid. Hawak nito ang magkabilang braso ng kapatid.

"Saka puwede ba Ricardo, mag-isip ka nga kung tama ang ginagawa mong pakikisimpatya sa mangkukulam na iyon! Mas masama siya dahil nangungulam siya ng mga tao."

"Pero hindi tama ang ginawa mo ate! Wala ka na rin pinagkaiba sa ginagawa niya. Pumatay ka rin." Masidhing damdamin ang kumakawala habang nagpapalitan ang magkapatid ng kani-kanilang saloobin. Hindi matanggap ni Ricardo na dahil lang sa pera nagagawa ng ate niya ang manakit ng kapwa.

"Tumahimik ka na lang Ricardo, wala ka na rin naman magagawa. Patay na iyon taong iniiyakan mo. Hayun, kung gusto mo, hukayin mo at nang manahimik ka." Padabog na binitawan na ni Rosalie ang kapatid na si Ricardo at nagdiretsu palabas ng kanilang bahay.

Hindi alam ng ina nila Ricardo ang ginawa ng ate Rosalie nito dahil hindi gusto ni Ricardo na sumama ang loob ng kanilang ina na si Aling Melina.

👻👻👻👻👻

"Sasabihin mo ba kay Nanay Melina ang ginawa ng ate mo?" Pag-uusisa ng isang dalagita na mas bata ang edad kumpara kay Ricardo. Mababakas sa mga mata nito ang pag-aalala para sa kababata. Narinig din nito ang nangyaring pagtatalo sa pag-itan ng kababata niya at ng ate nito.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Elena! Hindi ko gustong sumama ang loob ni Inay pero hindi ko rin maatim na pagtakpan ang ginawa ng ate ko."

"Masama ang ginawa ni ate. Hindi man siya ang pumatay pero siya ang nag-udyok sa iba para saktan ang mga taong nakatira doon sa bahay kubo na nasunog." Napahagulgol na ang binatilyo kung kaya napayapos na ang dalagita sa binatilyo para aluin ito.

"Shh, tahan na. Wala na rin tayong magagawa. Hindi rin sila makikinig sa atin."

👻👻👻👻👻

"Anong kailangan mo sa akin?" Sambit ng isang ginoo na tinatayang nasa tatlumpu ang edad. Nakikipag-usap ito sa hindi nakikitang nilalang.

Noong labing-limang taong gulang ang ginoo, naging batang sakristan ito sa isang simbahan ngunit kasabay din noon ang pagkakaroon nito ng kakayahan na makaramdam o makakita ng mga kaluluwa at masasamang elemento. Noon pa man madalas na itong makatagpo ng eksena kung saan tumutulong ang ginoo sa pagpapalayas ng mga masasamang elemento o masasamang espiritu. Tagahatid din siya ng mga kaluluwang nais ng tumawid sa kabilang buhay. Katulong niya ang pari mismo ng simbahan na pinanggalingan niya noong maging sakristan.

"Palayain mo ako! Palayain mo kami!"

"Hindi maaari! Ordinaryong tao lamang ako. Wala akong kapangyarihan magpalaya."

"Sinungaling! Alam mo sa sarili mong kaya mo kaming palayain. Huwag mong talikuran kung sino ka at saan ka nagmula."

"Kahit anong gawin mo hindi mo matatakasan ang nakaraan mo." May pang-uusig ang paglalahad ng isang tinig habang nakikipag-usap sa ginoo.

Midnight PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon