CHAPTER SEVENTEEN

1 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

👻👻👻👻👻

"Kumusta na siya? Grabe ba ang ginawa sa kanya ng mangkukulam?" Tanong ng isang ginoo na kasama sa isang grupo ng mga espiritista. Masinsinan nitong pinagmamasdan ang isang ginang na wala pa rin malay pagkatapos na makaranas ng pag-atake ng isang demonyo.

"Muntikan na siya, mabuti na lamang nakaabot pa tayo sa tamang oras." Seryosong pahayag ng isa pang ginoo. Siya ang itinuturing na pinakalider ng grupo.

"Anong plano natin? Paano mo ipaliliwanag sa kanya ang mga nangyari?"

"Hintayin na muna natin siyang magkamalay. Kailangan maipaliwanag natin ng maayos ang lahat-lahat sa kanya."

Tumango na lang ang mga kasamahan ng ginoo bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

👻👻👻👻👻

Marahan minumulat ni Aling Leope ang mga talukap ng mata nito subalit kasabay din noon ang pagkirot ng leeg ni Aling Leope. Napahawak ito sa kanyang leeg at nakapa nito na tila magaspang ang leeg nito. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagmasdan na may bahid ng dugo ang mga daliri nito. Nang magtangkang bumangon si Aling Leope, hindi lang ang leeg nito ang kumirot, maging ang buong katawan nito ay sumasakit at para bang may dumagan na sampung tao sa katawan nito at iyon  ang pakiramdam ni Aling Leope.

"Hinay-hinay po muna ang pagkilos Mrs. De Luna. Baka lalo pong manakit ang katawan ninyo kapag pwersahan kayong kumilos." Baritonong tinig ang narinig ni Aling Leope dahilan upang hanapin at tingnan nito ang direksyon ng pinanggagalingan ng boses.

"Si… sino ka? Paano ka nakapasok sa loob ng akin pamamahay?" Nahihintakutang hiyaw ni Aling Leope subalit halos sa paos na tinig. Simula ng sakmalin ng isang mangkukulam si Aling Leope, biglang naapektuhan ang boses ng ginang.

"Huwag po kayong matakot! Isa lamang po akong espiritista. Pasensya na po kung biglaan ang pagpasok ko sa tahanan ninyo nang walang paalam subalit kung hindi ko ginawa iyon, baka tuluyan na po kayong pinatay ng isang mangkukulam." Nagpapaliwanag na saad ni Ricardo sa ginang na si Aling Leope. Napamulagat lalo ang mga mata ni Aling Leope sapagkat nagtataka ito kung papaano nalaman ng ginoong nasa harapan nito na isang mangkukulam ang nakaharap ni Aling Leope.

"Pa… paano mo nalaman kung sino ang nakausap ko? Sino ka bang talaga?"

"Kagaya nang sinabi ko po, isa akong espiritista. Ako po si Ricardo at nanganganib po ang buhay ninyong mag-ina kaya nandito po ako para bigyan kayo ng proteksyon laban sa mangkukulam." Nangungumbinsing saad ni Ricardo. Dahan-dahan nitong iniangat ang katawan ni Aling Leope para makabangon ito ng maayos mula sa pagkakahiga sa isang kama.

"Kung… kung totoo ang sinabi mo, salamat! subalit paano mo nalaman ang tungkol sa akin at bakit pati ang anak ko ay nalaman mong nasa panganib?" Naguguluhang tanong pa rin ni Aling Leope kay Ricardo.

"Humingi po ng tulong sa akin ang inyong pamangkin na si Criselda." Walang kagatol-gatol na saad ni Ricardo habang matamang nakatingin sa mga mata ni Aling Leope.

"Si… si Criselda? Na… nakakausap mo siya? Kung totoo iyan, maaari ko ba siyang makausap? Pakiusap ginoo! Tulungan mo akong makausap ang pamangkin ko!" Humahagulgol na pahayag ni Aling Leope nang malaman nito ang tungkol sa pakikipag-usap ng ginoo sa kaluluwa ng pamangkin nito.

"Sige po, susubukan ko po, subalit hindi ko masisigurado na makakausap ninyo siya nang matagal sapagkat nasa katawan ni Criselda ang mangkukulam na umatake sa inyo. Maaari niyang matunugan ang gagawin natin pakikipag-usap sa kaluluwa ni Criselda."

Midnight PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon