Paano na kaya

189 5 0
                                    

Walang misa pero pumasok pa rin si Lotlot sa simbahan para magdasal. Nang matapos ay dumiretso muna siyang Mcdo para bumili ng meryenda.

Mahaba ang pila kaya napagdesisyunan niyang magbanyo muna pero hindi niya alam kung tama ba ang desisyon.

Sa isang mesa malapit sa banyo at nakita ni si RJ. May kasama itong babae at nagsusubuan pa ng fries. They even kissed!

Dahil sa inis ay nilapitan niya ang dalawa.

"Hi!," nakangiting bati niya. Gulat na gulat naman si RJ. "Uy RJ hinahanap ka nga pala ni JM na jowa mo! Bye!"

Umalis na si Lotlot dahil ayaw naman niyang mag-eskandalo doon.

Gusto man niyang saktan si RJ dahil sa panloloko nito kay JM ay pinigil na lang niya.
.
.
.
.
.
.
"JM, may sasabihin ako sayo pero please kumalma ka."

Hinintay na lang ni Lotlot na magkita sila ng personal ni JM bago niya sabihin ang nakita.

"Alam ko na yan. Nakita mo si RJ na may kasamang babae? Sinabi na niya sa akin. Napagkamalan mo pa daw na girlfriend niya yun." -JM

"Bakit? Ano daw ba niya iyong babaeng yun?"-Lotlot

"Pinsan daw niya."-JM

"Pinsan? At naniwala ka? JM may magpinsan bang nagli-lips to lips sa public place?" -Lotlot

"Ano ba gusto mong iparating? Na niloloko ako ni RJ? Ano ba lahat na lang ba lolokohin at ipagpapalit ako?"-JM

"JM, gusto ko lang na malaman mo ang totoo. Niloloko ka ng RJ na yan. Kitang-kita ko."-Lotlot

"Pwes alam ko na ang totoo. Bago mo pa sabihin. Mahal ako ni RJ. At naniniwala ako sa kanya at hindi sayo."-JM

Umalis sa tabi niya sa JM. Hindi niya akalaing hindi ito maniniwala sa kanya. Never niyang niloko ito. Pinaglihiman, oo. Lihim niyang gusto ito di ba?

Pero kung ayaw na siyang paniwalaan ito, mabuti pang layuan na lang niya muna ito.
.
.
.
.
.
Biglaang pumunta si Marie kanila Lotlot. May binili daw itong CD. Panoorin daw nila.

Ngayon nga ay nangangalahati na ang pelikula at umagos na ang luha niya. Paano ba naman ang pinanood nila ay 'Paano na kaya'. Kwento ng babaeng in love sa best friend.

Sinabunutan niya ito nang matapos ang movie. Pero syempre iyong hindi ito masyadong masasaktan.

"Aray ko Lotlot!" -Marie

"Sigurado akong sinadya mo ito! Walangya ka talaga!" -Lotlot

"Movie lang naman yan arte mo lang talaga."-Marie

Tinigil na niya ang pagsabunot kay Marie.

"Pero bakit ba ganoon. Nandito lang naman ako. Kung ako jowa nun aalagaan ko siya at hinding-hindi ko siya sasaktan. Bakit kung sino pa nanloloko sa kanya, yun pa ang mahal niya. Nandito naman ako." -Lotlot

"Aba malay ko. Ang alam ko lang ang labo niyo pareho. Si bakla parang nagseselos minsan pero may jowa at ikaw alam ko namang mahal mo si bakla pero nagpapaligaw ka. Tapos nitong mga nakaraang linggo, iwasan kayo ng iwasan. Gulo niyo."-Marie

"It's a tie Marie kasi kahit ako, gulong-gulo. Naiintindihan ko naman si JM na feeling niya lagi siyang iniiwan kaya ayaw niyang maniwala na niloloko siya ni RJ pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya makitang nandito ako."

"Nandiyan ka nga pero invisible ka sa kanya kasi manhid siya."
.
.
.
.
.
Nagpatuloy ang pag-iiwasan ni JM at Lotlot. Buo pa rin ang Team Bayan, lagi pa rin silang magkakasama pero pansin talaga ang pagbabago kanila JM at Lotlot. Dati kasi ay hindi sila mapaghiwalay.

"Alam mo, mabuti pa siguro mag-usap ulit kayo ni JM." payo ni Billy kay Lotlot. Nasa canteen sila pero wala pa si JM dahil may inasikaso ito.

"Oo nga. Mag-iiwasan na lang ba kayo lagi?"-Rose

"Matagal-tagal na din naman na noong nakita mo si RJ baka pwede na kayo magkaayos."-Anne

"Pero hindi lang naman iyon ang problem. May mas malalim pa."-Jane na halatang tinutukoy ang feelings ni Lotlot.

"Maayos din ito guys. In right time."-Lotlot

Kinagabihan ay gumawa ang Team Bayan para magtabi sa jeep sila JM at Lotlot. Pinilit sila nitong sa harap umupo sa tabi ng driver. Dahil nagagalit na ang ibang pasahero ay sumunod na lang sila.

Ito na yata ang pinaka-awkward na biyahe para kay Lotlot. Nabibingi siya sa katahimikan ni JM. Pero hindi iyon nagtagal dahil nagsalita din ito.

"Lot, peace na tayo. Kalimutan na batin yun."-JM

"Kayo parin ni RJ?"-Lotlot.

"So, hindi ka talaga naniniwala sa akin?"-Lotlot

"Lot, gusto ko mang maniwala, ayaw ng puso ko. Mahal ko kasi si RJ."-JM

Ouch!

Pinigil ni Lotlot ang luha pero di niya mapigil ang sakit. Kahit kasi anong sabi niya sa sarili niya okay na sa kanya na magkaibigan lang sila, alam niya sa kaibuturan ng puso niya na kasinungalingan iyon.

"Lot, magsalita ka naman. Bati na tayo please?"-JM

"Sige na. Bati na tayo pero basta pinaninindigan ko yung sinabi ko."-Lotlot

"Yehey!," sabi ni beks at lumingkis kay Lotlot. "I missed you."

"I missed you too."-Lotlot

Itutuloy...

I love you, Beks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon