Sorry

157 5 0
                                    


Tinawanan lang iyon ni JM. "Ang galing mong gumawa ng kwento. Noon nga naniwala akong mahal mo ako pero iniwan mo ako. Kaya hindi na ako maniniwala sayo kasi baka mamaya ako na naman ang talo."





Pinunasan na ni Lotlot ang luha. "I already did my part, JM. Pero kung ayaw mong maniwala, hindi na kita pipilitin. Huwag ka lang sanang magsisi diyan sa desisyon mo."











...........................




Last outing na ng Team Bayan bilang mga single kaya kumpleto sila. Ilang linggo na lang kasi ay ikakasal na si Vhong at Jane. Doon ulit sila pupunta sa beach nila JM. Iniwan niya muna ang kambal kay Dingdong at sa asawa nitong si Marian. Dalawang araw lang naman kasi silang mawawala.





"JM, Lotlot, okay na ba kayo?," malanding tanong ni Ash habang nasa van sila. Di sila magkatabi ngayon. nasa pinakalikod si Lotlot katabi si Marie.





"Mahirap makipag-usap sa taong ayaw makinig," sagot ni Lotlot




"Mahirap maniwala sa taong nang-iwan," si JM.




"Hindi ka naman iiwan kung walang dahilan."




"Dahilan na inabot ng limang taon bago naisipang sabihin."





"Sasabihin na nga ayaw mo pa ring makinig"




"Hep hep hep!," awat ni Marie. "Tama na yan ha. Kailangan nating mag-enjoy!"












..............





JM and Lotlot ended up being locked up in one room. Naglaro kasi ang Team Bayan ng Bring Me at ang dalawang matatalo, ang consequence ay matutulog at ilolock sa isang kwarto. At silang dalawa nga ang natalo. Halata naman nilang sinadya iyon ng Team Bayan.





Kasalukuyang nakaupo si Lotlot sa sahig. Habang si JM ay nakaupo sa kama. Hindi niya alam, baka tulog na ito. Isang oras na kasi sila doon at wala pa ring nagsasalita.





"Tabi na tayo dito. Malaki naman tong kama. Malamig diyan," wika ni JM.





"Huwag na. Alam ko namang naiirita ka sa presensiya ko."




"Lotlot..."





Nagulat si Lotlot. Mula noong magkita sila ulit ni JM ay ngayon na lang siya nito ulit tinawag sa pangalan niya. Hindi na naman niya mapigil ang luha niya. She missed how he calls her name.





Hindi niya sinagot ito dahil baka mahalata nitong umiiyak siya. She folded her legs at ipinatong ang mukha sa tuhod niya at mahinang ipinagpatuloy ang pag-iyak. Masakit isipin na baka hindi na talaga sila magkakaayos ni JM.





Maya-maya ay naramdaman ni Lotlot na may nag-angat ng mukha niya. Si JM. Nakaluhod ito para pantayan siya. Pinunasan nito ang luha niya.





"Tara na," inakay na siya nito pahiga sa kama. Pagkatapos ay nahiga na rin ito.





Ilang minutong katahimikan, kapwa lang sila nakatingin at nakatulala sa kisame.





"I'm sorry. Sorry for wasting your efforts. Sorry for closing my mind to your explanation," wika ni JM.





"Umalis ako noon kasi hindi ko alam kung anong magiging bunga ng ginawa natin. Akala ko, ikakasal ka, noong nalaman kong buntis ako, feeling ko kabit ako kasi nga akala ko kasal ka na. kaya pinili ko na lang magtago para hindi na masira ang pamilya mong akala ko binubuo mo noong panahon na iyon. Pero mali pala ako. Noong mga panahion pala na iyon, wasak ka. At sorry kasi dumagdag pa ako sa dahilan ng pagkasira mo noon. Sorry JM."





I love you, Beks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon