Manhid Ka

174 5 0
                                    


Nang makarating kanila Rose ay uminom nang uminom si Lotlot. Hindi niya muna pinapansin si JM. Tungga lang siya ng tungga ng Tanduay Ice na pinaghahalo nila para iba-iba ang kulay.

"Lot hinay-hinay lang."-Vhong

"Oo nga baka hindi ka na makauwi niyan."-Anne

"Guysh! Okay lang ako. Di pa ko lashing," sagot ni Lotlot at tumawa na parang mangkukulam.

"O kanino tong manhid ka?," sabi ni Jane na ang tinutukoy ay ang sunod na kanta sa karaoke.

"Akin!," tumayo si Lotlot. Hawak ang alak sa isang kamay ang alak at ang mic sa isa.

"Kumanta ka muna, akin na muna to," kinukuha ni JM kay Lotlot ang baso ng alak pero hindi bumitiw si Lotlot.

"Wag kang epal!"

"Arte. Wala nga tayong problema."-Lotlot

Manhid ka, manhid ka
Walang pakiramdam o babe
Manhid ka, manhid ka
Puro dedma ka na lang
Bet na bet pa naman kita
Laman din ako ng tiyan
Syonga ka bang talaga o manhid ka

Iyon agad ang kinakanta ni Lotlot kahit di pa chorus.

Uminom na naman si Lotlot at naubo siya ng todo. Pwersahan na kinuha sa kanya ni JM ang baso.

"Akin na nga yan!"-Lotlot

"Ano bang nangyayari sayo Lot? Sobra na ang naiinom mo tama na!"-JM

"Bakit ka ba nakikialam? May problema ako kaya mas gusto ko maglasing kaya wapakels ka na dun"-Lotlot

"Hindi sagot ang paglalasing, Lot. Kung anong problema mo sabihin mo na lang sa amin kaysa maglasing ka."-JM

Alam pa ng utak ni Lotlot na nandoon ang Team Bayan pero si JM lang ang malinaw sa paningin niya.

"Sigurado ka? Gusto mong malaman?," tila nawala ang alcohol sa utak niya at mapanghamong tinitigan si JM.

"Oo kasi, hindi na kita maintindihan." -JM

"Ako din. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko," tumulo na ang mga luha niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw pa. Bakit sayo pa. Beks, mahal kita. Higit pa sa isang kaibigan. Kahit pa bakla ka, kahit pa may mahal kang iba. Mahal kita."

Kitang-kita ang gulat sa mukha ni JM. Binuka nito ang bibig pero walang salitang lumalabas doon.

"At mas nakakainis kasi yung mahal mo, niloloko ka. Dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, hinding-hindi ko gagawin yun."-Lotlot

"Lot... Lot I'm sorry. Alam mo namang hindi tayo talo."-JM

Matapos iyon ay nagdilim na ang paligid ni Lotlot.
.
.
.
.
.
"Hello Marie. Nanaginip ako grabe umamin daw ako kay JM."

Nang magising kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo niya. Tinawagan niya pa agad si Marie para ikwento ang pangit na 'panaginip' niya.

"Gaga! Anong panaginip? Totoo yon. Umamin ka talaga ng feelings mo kay JM. Nahimatay ka pa ata sa sobrang kalasingan kaya hinatid ka na namin pauwi."-Marie

"Lot... Lot I'm sorry. Alam mo namang hindi tayo talo."

Totoo palang sinabi iyon ni JM. Kung kanina, ulo lang ang masakit sa kanya, ngayon ay pati na ang puso niya.

"Ayaw niya talaga sa akin, Marie. Maybe I lost him forever because of that admission, " tumulo na naman ang luha ni Lotlot dahil sa sakit na nararamdaman.
.
.
.
.
.
Si JM na ngayon ang umiiwas kay Lotlot. Laging puno ng awkwardness ang dalawa. Pero lagi namang pinapagaan ng Team Bayan ang atmosphere nila ang Lotlot appreciates their effort.

Hindi na din magkatabi sa upuan si Lotlot at JM. Nasa gitna na nila si Marie.

"Pakisabi kay Lotlot akin na yung notebook ko," bulong ni JM kay Lotlot.

"Lot notebook daw ni beks," sabi ni Marie kay Lotlot.

"Eto pakibigay," ibinigat ni Lotlot kay Marie ang notebook kahit pwedeng-pwede niyang iabot kay JM.

Ganyan lagi ang nagiging setup nila. Pag kumakain ay laging magkatabi dati, ngayon ay laging nasa magkabilang dulo. Sa jeep pauwi, hindi na din nagtatabi.

"Marie sabihin mo kay Lotlot nawala ko yung pinatago niyang notes sakin nahulog ata," sabi ni JM kay Marie. Mahina lang ang boses nito.

"Lot nawala daw ni JM notes mo nahulog daw."-Marie

"Pakisabi okay lang. Lahat naman ng nahuhulog hindi niya pinupulot," sagot ni Lotlot pero rinig na ni JM.

"Pakisabi Marie, sa dami naman kasi ng kaibigan kong babae, siya lang ang nahulog sa akin. Di ko gets," sagot ni Beks.

"Pakisabi diyan sa baklang yan na di ko to ginusto. Pipili pa ba ako ng bakla na hindi ako magugustuhan di ba?"-Lotlot

"Pakisabi sana pinipigil na lang niya kasi ngayon naging komplikado ang lahat."-JM

"Pakisabi na pinigil ko. Ang tagal kong pinigil pero umapaw na dahil alam kong niloloko siya ng jowa niya,"-Lotlot

Umupo si Marie na malapit na mabasag ang ear drums sa bangayan ng dalawa.

"Kayong dalawa na lang kaya ang mag-usap! Dinadamay niyo pa ko diyan!," Marie walked out.
.
.
.
.
.

"Lot, ganyan na lang ba kayo lagi?"-Billy

Absent si JM ngayon dahil daw may sakit ito. Hindi siya ang tinext nito kundi si Marie.

"Gustuhin ko mang bumalik kami sa dati, ang hirap eh," aniya sa basag na tinig. "Ang hirap na araw-araw kaming nag-iiwasan. Miss ko na siya. Miss ko na tayo, yung dati. Kasi di ba mas masaya tayo dati," napahagulgol si Lotlot sa sakit na nadarama. Feeling niya ay siya ang naglagay ng lamat sa Team Bayan.

Niyakap siya ng mga kaibigan na naluluha na din.

"Wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang."-Marie

"Time will fix this."-Jonas

"Magiging maayos din ang lahat."-Jane

insert manhid ka

"Wait guys tumatawag mama ni JM," putol ni Lotlot sa drama nila.

"Hello po, Tita."

Nanlaki ang mata niya sa binalita ng mama ni JM.

Itutuloy...

I love you, Beks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon