Offer
"I don't have money, what should I do?" siguro tama ang mga kapitbahay namin na hindi ako makakapagtapos ng kolehiyo dahil hindi naman stable ang kita ni Mama sa paglalaba.
May isa pa akong kapatid na nag aaral senior high na ito ngayon, hindi man sabihin ni mama alam kong ginagawa niya ang lahat para matustusan lang ang aming pag aaral. Kahit magtrabaho pa siya ng matyaga, tama lang ang kinikita niya pangkain namin.
Sometimes iniisip ko kung tama ba ang desisyon kong magpatuloy sa kolehiyo? Wala namang mali sa pag aaral gusto kong makapagtapos para makatulong sa pamilya pero. Dahil sa 'kin mas lalong nahihirapan si mama, 'yung allowance ko, 'yung boarding house, pati na rin ang pagkain. Ang daming gagastusan. Naiinis na ang kapatid ko sa 'kin kasi sa 'kin na halos napupunta ang sweldo ni mama .
If there's a way to solved my problem financially, I will take the initiative. I try to find a part time job pero full time ang hinahanap nila. Mas lalo akong nastre-stress, dalawang araw na akong walang tamang pagkain. Ubos na ang bigas ko, umaasa na lang ako sa pagkain ng kaibigan ko para magkalaman ang tiyan ko. Nakakahiya, pero ayaw ko namang magutom. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila.
Naglakad lakad ako sa kalsada nag iisip ng mga maaring kasagutan sa problema ko, gabi na. Ang daming mga estudyante ang nasa labas pa rin, naka linya ang mga stall ng street foods sa gilid. Mabango ang sarap bumili, may pera pa naman ako pero kailangan kong magtipid.
Habang abala ako sa paglalakad, nagulat na lang ako ng may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa likod at nakita ang kaklase ko nu'n sa senior high na si Influ. Medyo nagulat, ang laki ng pinagbago niya. Ang yaman niya tignan ngayon kung ikukumpara nu'n, pareho kaming luma ang mga damit. Pero ngayob nakasout na siya ng mamahaling damit at ang kwintas niya ang ganda, ginto yata. Marami din siyang sing-sing. Halos hindi ko siya makilala.
"Influ! Long time no see," pagbati ko nang makalapit siya sa 'kin. Nakaramdam ako ng hiya, ang bango niya tas ako amoy pawis yata. Ramdam ko na kaagad na malayo na agwat ng buhay namin. Siguro iisa lang kami ng public university na pinapasukan, sa ibang department lang yata siya.
"Ayus naman Duce, Afford ko nang bumili ng masarap na pagkain at damit ngayon."
I don't know kung nagmamayabang ba siya sa 'kin. Wala naman akong makikitang dahilan. Buti pa siya mapera na, saan kaya siya kumukuha ng pang gastos niya sa pag aaral niya at sa iba pa? "You're very lucky, nag aaral ka pa ba?"
"Medyo lang, I saw you on the university last day. Sadly you didn't notice me you're busy reading your notes. Kagaya ka parin ng dati ang sipag mo mag aral," sagot niya.
Gusto kong magkaroon ng mataas na grades, baka magkaroon ako ng scholarship. Kailangan-kailangan ko talaga 'yun pantustos sa pag aaral ko. Masipag talaga ako, ako ang salutatorian sa batch namin. Valedictorian sana kaso ewan, dinaya ata ako ng mayaman naming kaklase ayus lang sa 'kin. Ganu'n naman minsan ang buhay, ayaw ko ring magsimula ng gulo baka mapahiya pa ako. Pero alam ko sa sarili ko na ako ang pinakamatalimo sa klase namin, at halos ng mga kaklase ko agree sa 'kin."Ang expensive mo naman tignan, you're working? baka naman pwede mo akong irefer diyan. I badly needed work right now, " kinapalan ko na talaga ang mukha ko. Hindi ako sigurado kung pwede ba ako sa trabaho ni Influ, nagbabakasakali lang ako na baka pwede ako. Impossible namang wala siyang trabaho, wala siyang source of income para makabili ng mamahaling damit.
Parang hindi na siya 'yung mahiyaing Influ na kilala ko nu'n, 'yung Influ na ang damit ay sobrang luma na tas minsan walang baon dahil wala silang bigas.
Ngumiti siya sa 'kin, hindi ko alam pakiramdam ko lang na kaya niya ako nilapitan dahil may gusto siyang ioffer sa 'kin. "That's why I'm here, but before that eat muna tayo. Don't worry it's my treat."
BINABASA MO ANG
Role Play With Sex
General FictionThe story is about the college student sold his body because he badly needed a money, but with a twist he need to do a Role play, if he broke their agreement his dream will crushed and forgotten.