Chapter One

1 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga ang klase ko, before 8am dapat nasa school na ako. I don't like being late, natatakot akong mapagalitan. Napatingin ako sa labas ng bintana, medyo madilim pa pala.

Bumaba na ako para makapag-luto ng almusal, para mamayang pag-alis ko, nakahanda na lahat.

Naligo narin ako pagkatapos kong magluto, hindi naman ako tumatagal sa pag-ligo. Mabilis ko lang din naayos ang bag ko, habang nag-aayos ako narinig ko yung busina ng sasakyan, mukhang nanjan na si Lucas ah. Aga naman niya ngayon.

"Ma! Alis na po ako!" Paalam ko sakanya ng madaanan ko siya, dali-dali kong hinalikan ang pisngi niya at hindi na siya pinasagot. Tumakbo na ako palabas ng bahay namin.

"Ems! Aga natin ah?" May nakakalokong ngiti sa mga labi ni Lucas, hinampas ko ng mahina ang braso niya ng makapasok ako.

Paano ba naman kasi nung nakaraan, pinasok ako sa kwarto at binuhusan ng tubig walanghiya talaga na lalake, tinawanan lang din ako nila Mama.

"Heh! Tumahimik ka Lucas Eliott Walker Santiago!" Oo full name talaga sinasabi ko kapag naasar na ako.

"Ano ba 'yan Ems, sipag mo namang banggitin ang full name ko. Gusto mo naba maging si Mrs. Santiago?" He wiggled his eyebrow, mukhang sayang-saya pa ang loko.

Tawang-tawa pa nga, kapag kami nabangga rito talaga. Mumultuhin ko siya kahit multo na siya.

Sobrang aga pa kaya hindi gaano ka-traffic papuntang school, akala ko nga malilate na kami pero nakalimutan ko palang maaga akong kumilos kanina.

"Saan ka mamaya? Sa restaurant ka?" Tanong niya habang naglalakad na kami papasok sa loob ng hall, hinahatid niya pa ako papuntang room ko, hindi naman ako mawawala.

"Oo, nag-early out ako kahapon diba? need kong bawiin ngayon sa shift ko. Mag closing ata kami kasama ni Ate Paula." Isa sa mga kasamahan ko sa restaurant kung saan ako nagpart time, although may kaya naman sila Mama, mas gusto ko parin kapag gagala ako ay gamit ang pera ko, hindi ako humihingi kila mama kapag gastusan na sa mga projects, tama na ang tuition sakanila.

Nagpaalam na ako sakanya ng makarating kami sa tapat ng room ko, pagpipiyestahan na naman siya ng mga babae sa loob.

"Emily, sure bang walang kaibigan mo lang si Lucas?" Tanong ni Kaira sa'kin ng makaupo ako, tumango naman ako. Nilabas ko na ang Binder ko at pencilcase.

"Mukha bang boyfriend ko 'yon?" tumingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

Tumango siya.

"Wag ka nga, masyadong lapitin ng babae si Lucas baka mapapaaway ako eh.'" Reklamo ko. Meron kasi noong nakaraan, naging ka-fling ni Lucas pero hindi na tinuloy ni Lucas dahil maarte raw ito sa mga streetfood, kaya nung nakita kami ng babae na magkasama ay pinagsabihan ba naman ako. Walang tulong si Lucas dahil inakbayan pa ako at sinabing 'girlfriend' niya na ako.

Pagkatapos ng 2 subjects namin ay may vacant pa ako na one hour, napatambay tuloy ako sa study hall. Umalis kasi si Kaira kaya mag-isa lang ako. Medyo inaantok pa ako kaya nagpasya muna akong umidlip.

Papikit na sana ang mata ko ng may tumabi sakin.

"Vacant ba rito, Miss?"

Napatingin tuloy ako sa katabi ko, inis pa yung bungad ko sakanya, pero agad rin akong natigilan ng marealize ko kung sino siya.

Si Gio Alvarez, isang sikat na influencer.

"H-Ha? Oo, upo kalang." agad na sabi ko, ano ha! pa-utal pa ako. Umupo na siya sa tabi ko, naka-cap pa siya at shades.

Kailan pa ito nag-aral rito? Ako lang ba ang hindi nakakaalam?

"Please, wag mong sabihin na nandito ako." sabi niya, yumuko pa siya at nagpanggap na nakapatong ang ulo sa lamesa para tago ang mukha niya.

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya napatanga ako, literal talaga.

Biglang nag vibrate ang phone ko kaya inopen ko yun, nakita kong nag text si Lucas.

From: Lucas

Study Hall?

Nagtipa naman ako kaagad ng marereply ko.

To: Lucas

Oo, dalhan moko ng pagkain. hehe

Masunurin naman 'yon sakin e, alam kong dadalhan niya ako ng pagkain, malakas ako dun. dahan-dahan akong napatingin sa katabi ko, natulog na talaga siya.

Maya't maya pa tanaw ko na si Lucas, and his walking slowly with a grin on his face, sinasadya niya e! May dala siyang 2 paperbags mukhang pagkain ang laman.

Nakarating narin siya sa pwesto ko habang masama ang tingin ko sakanya.

"Gutom kana ba, mahal na prinsesa? Pasalamat ka nandito na 'yong pinaka-pogi mong prinsipe." sabi niya, umupo siya sa tapat ko.

"sira, hinaan mo nga ang boses mo. Kitang may natutulog oh." tinuro ko pa yung katabi ko.

"nye nye.." he mocked me, konting-konti nalang mababatukan ko na si Lucas.

inopen niya na yung paperbag at nilabas ang pagkain mula roon. naglalaman yun ng carbonara at sandwich, alam kong akin ang carbonara kasi inaawayan niya talaga yun, lasang gatas raw ng mama. parang baliw.

kumain na kaming dalawa habang nagdadaldalan.

"kilala mo ba yung panot na prof?" mahinang tanong niya, tumingin pa siya sa paligid niya natatakot baka marinig siya ng iba.

"Si Sir Harry? sumbong kita! Panot pala ha." ngumisi pa ako.

"Totoo naman ah? Trip na trip niya pa ang apilyido ko. Panay tawag sa'kin, type ba ako nun?" natawa pa siya sa sinabi niya.

"wtf? baliw ka. may asawa't anak 'yon! Eww!" komento ko.

"Bakit? what if hidden desire diba? atsaka, hindi ko siya masisi. nakikita mo ba ang itsura na ito?" nilapit niya pa ang mukha niya sakin, sobrang lapit niya sakin. Gusto ko ng tusukin ang mga mata niya.

Tinulak ko siya, baka ano pang isipin samin.

"mukha kang unggoy." saad ko.

"ouch! Grabe kana Ems, hindi na kita kinakaya." sabi niya sakin.

Hindi na kami nagtagal sa study hall dahil may klase na ako maya maya, nag-iwan nalang ako ng note sa may tabi ni Gio.

Pagkatapos ng last subject ko, tumakbo pa ako palabas ng room dahil baka hindi ko na maabutan si Lucas, minsan na ako nun napagtripan na iiwan niya raw ako. Siya kasi ang naghahatid sa'kin sa resto, since on the way na 'yon papunta sa bahay nila.

Tanaw ko na si Lucas na naghihintay sa may sasakyan niya, nakasandal pa siya habang nakikinig ng music.

"Lucas!" sigaw ko.

Isang sigaw ko lang ay napalingon na siya sa'kin at ngumiti, kumaway pa nga.

binilisan ko na ang pag-takbo ko, kaya hingal na hingal ako pagkarating sakanya, inabot niya sa'kin ang panyo niya.

"ba't kaba tumakbo? baliw kaba." seryosong saad niya.

Alam niya kasing asthmatic ako kaya ayan, nagagalit na.

"eh baka iwan mo ako." sabi ko.

"Hindi naman kita maiwan, hindi ko kaya Emily."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sweet Mistake: Emily Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon