Plan A
- Paibigin si Gwy. Yung sobrang hulog na hulog talaga as in tapos sasaktan lang siya ni Copi. Yung mga kagaya sa drama. Aamin si Copi sa dulo na kalokohan lang ang lahat ng nangyari sa kanila and that he doesn't have an ounce of love for her. He has nothing but hatred toward her.
Plan B
- Magbigay ng mixed signals si Copi. Yung tipong lowkey niyang paaasahin si Gwy pero ang totoo, wala naman talaga siyang chance. Yung mapapatanong ang babae sa dulo ng mga katagang "Ano ba talaga tayo?" tapos ang isasagot ni Copi "Anong tayo? There's nothing between us."
Plan C
- Copi will date Gwy pero may twist. Dapat ang ipapakita lang ni Copi ay pagiging green flag. Dapat walang mintis ng flaws and imperfections ang matutunugan ng babae sa kanya. Pero kapag may magtatanong sa relasyon nila ni Gwy, matindi niyang idedeny ito.
Plan D
- Total opposite of Plan C. Copi will date Gwy pero ang twist naman this time ay puro red flags ang ipapakita ni Copi sa babae. Yung tipong makakalimutan na ni Gwy ang kulay berde sa mga treatment and mga ginagawa ni Copi sa kanya. At kapag may magtanong kung ano ba ang relasyon nilang dalawa, hindi niya ito idedeny pero here's the catch, never niya rin ito icoconfirm!
"Parang ang sama naman ng ugali natin, mga pre. Sobra na ata 'to, Copi!" Angal ni Jang habang napapakamot pa sa batok. I just rolled my eyes. Si Theo naman ay bahagyang natawa nang makita ang reaction ko at saglit na napailing na lamang sa kanyang sarili.
"But let's be for real, guys. We're meticulously planning to break someone's heart. Isn't that enough para masabing sobrang sama na natin? Come on, guys! Hindi tayo ganoong klaseng tao, diba?" Pagdagdag ni Jang, with frustration visible on his face.
"Sorry, Copi. I kind of agree with Jang pre. Parang medyo masama na nga tayo rito pero don't get me wrong ah. I'm merely here for the fun. You know, ang thrilling kasi nito kaya G ako." Nakangising saad ni Theo. Binato ko siya ng unan at lalong lumakas ang tawa niya nang mailagan niya ito. He mouthed "bobo". I showed him my middle fingers. Ginawa niya rin ito pabalik sa'kin.
"Ang dami niyong alam eh wala nga kayong idea bakit ako ganito sa kanya. While Theo is here for fun, ako naman ay nagsiseek lang ng revenge." Kalmado ako habang binibigkas yung mga katagang 'yon but I won't deny that there's a familiar rage, building inside of me.
Jang and Theo looked at each other.
"Bak-"
"No questions." Mabilis kong tinapos ang pag-subok nilang magthrow ng mga tanong sa'kin. Although, may idea na ako sa mga posibleng inquiries nila. Ayaw ko pa rin ito sagutin because I'm simply not ready. Hindi ko pa kaya i-share sa kanila.
Natahimik silang dalawa.
"Don't worry, guys. You will know the reason of my revenge, soon." I assured them. Tumango lang si Jang at nagkibit-balikat naman si Theo.
I sighed.
It may take a while, tho.
"You know what? Let's just get into it. Let's also finish this quickly so we can get some sleep, mga pare. Malapit na magmadaling-araw oh. May klase pa tayo mamaya ng 7 A.M. And besides, Copi has his reasons for doing this. I'm going to trust him on this one since he's a great friend of mine." Napatango-tango pa si Jang habang sinasabi ito. He looked like he was trying to convince himself. Natawa ako, pati si Theo pero kalaunan, tinuloy na rin namin ang pagpaplano.
We finished around midnight.
Nakatulog na sila Jang at Theo pero ako, gising na gising pa ang aking diwa. I didn't bother looking at the time on my cellphone na nakapatong sa bedside table ko. My mind was too occupied.
Bigla akong napangiti sa aking sarili.
This is it.
I'll make the lovely Gwyneth Barretto cry.
Pero sisiguraduhin ko rin na durog na durog ko siyang iiwan.
Masama na kung masama pero she deserves it. She earned my enormous hatred.
I will never forget what Gwy and her family did to mine.
YOU ARE READING
Bubbles
Teen FictionCopi Martinez dislikes one of his school's popular girls, Gwyneth Barretto. Sa sobrang pagkadisgusto niya rito ay gumawa siya ng hate twitter page against her. Puro pangbabash at panglalait lamang kay Gwy ang kadalasang inaatupag niya. Not until one...