I woke up early today, roughly around five in the morning. Napatingin ako sa dalawang kasama ko sa aking kama na magkayakap na natutulog nang mahimbing. I laughed when I heard the loud snore of Jang. Tangina. Buti na lamang ay king size bed ang mayroon ako, kung hindi paniguradong hindi ako nakatulog nang maayos sa dalawang ito. Sobrang likot nila parehong matulog plus ang lakas humilik ni Jang. It's a good thing na medyo malayo ako pumwesto sa kanila.
Mula sa pagkakahiga ay agaran na akong tumayo nang marinig ang kalansing sa ibaba, galing siguro sa aming kusina. Sa tingin ko ay naga-asikaso na si mama ng pagkain bago umalis at pumasok ng trabaho. My mom works in a bank. Siya ang nagpapatakbo ng mga iniwang bangko ni papa around here in Imus, Cavite. Nasa California na kasi naninirahan ang papa ko kasama ang walang kuwenta niyang bagong pamilya. Umuwi siya rito noong nakaraan para lang sunduin si mama at para isama ito sa nasabing bansa. Nagtagal sila roon ng isang linggo at business daw ang inatupag nila. Hindi ko alam kung bakit kinakausap pa ni mama si papa eh lagi ko naman sinasuggest sa kanya na tuluyan nang putulin ang connection. Cut the cords, kumbaga. Pero, kaya siguro hindi siya sumasang-ayon kasi baka pupulutin kami sa kangkungan dahil maaaring kuhanin din ni papa pabalik yung mga iniwang bangko niya rito sa amin, which is our only source of money. Pati na rin ang bahay na ito, kung saan kami kasalukuyang nakatira.
Habang naglalakad pababa ng aming hagdan ay nakita ko ang dalawang nakababatang kapatid na nakasuot ng kanilang school uniform. Si Chanel, ang babae, ay natutulog sa sofa ng aming sala habang nakatutok sa kanya ang malaking electric fan. Si Ralph, ang lalaki, naman ay may sinusulat sa kanyang notebook na nakapatong sa babasaging designer table. Mukha siyang nagmamadali.
Lumapit ako kay Ralph at mabilis na kinuha ang notebook niya. Sinusubukan niya itong agawin sa akin pero inaangat-baba ko lang ito sa kanya. Inaasar siya.
"Mama! Si kuya!" Halos paiyak na sumbong ni Ralph. Mas lalo ko lang ginalingan sa pang-aasar habang natawa pa nang nakakaloko.
"Ano ba 'yan, Copi?! Ano na naman bang ginagawa mo sa kapatid mo? Damulag ka na pero para ka pa ring bata!" Pasigaw na suway ni mama mula sa kusina. Binelatan ko lang ang kapatid ko at binalik na sa kanya ang notebook.
"Grind ka na naman ng homework mo. Naku, tamad mo. Pangit pa sulat." Sabi ko kay Ralph at tinitigan lang ako nang masama nito. Binelatan ko lang ulit siya bago umalis ng sala at dumiretso ng kusina. Naabutan ko si mama roon na naga-asikaso ng mga pagkain sa lamesa.
"Ang dami niyan, ma. Mukhang fiesta." Puna ko. Lumapit ako sa water dispenser, kumuha ng baso sa may gilid na orocan, at nagpapuno ng tubig bago ito isahang lagukin.
"Malamang, 'nak. Nandito ang mga best friends mo eh." Sabi niya habang naglalagay ng maraming kanin sa isang plato. "Dito na lang kayo kumuha ng kanin. Gagamitin ko pa kasi itong kaldero at magsasaing pa ako ulit para may makain kayo mamayang dinner." Dagdag niya pa. Tumango ako at tinulungan na lang siya.
Bandang 5:45 A.M. ay lumabas kami ng bahay ni mama. Pumasok siya sa kanyang Honda Civic at binuksan ko naman nang malawak ang gate namin. Kumaway pa siya mula sa nakabukas na bintana ng sinasakyang kotse habang nagdadrive. I just nodded at her at muling sinarado ang gate nang tuluyan na siyang nakaalis. Pumasok na rin ako ulit ng bahay at nagsimulang asikasuhin ang mga kapatid.
Mga alas-sais ng umaga ay nagising na sila Jang at Theo. Naabutan nila kaming magkakapatid sa kusina, particularly sa dining area, na kumakain na. Napatingin ako kay Jang nang napatulala ito sa akin habang nagkakamot pa ng itlog. Mukha rin siyang sabog pa.
"Dugyot mo naman, Jang." Sita ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong ituro. I got confused for a second hanggang sa na-realize ko na he's pointing sa pandesal na nginunguya ko. Kinuha ko ang supot na naglalaman ng pandesal na katabi ng platong may nakalagay na bacon sa lamesa at binato ito sa kanya. Mukha siyang nagising na nang tuluyan nang saluhin niya ito. Binuksan niya ang supot at tinignan kung ano ang laman nito. "Gomawo." Sambit niya at umupo na.
YOU ARE READING
Bubbles
Teen FictionCopi Martinez dislikes one of his school's popular girls, Gwyneth Barretto. Sa sobrang pagkadisgusto niya rito ay gumawa siya ng hate twitter page against her. Puro pangbabash at panglalait lamang kay Gwy ang kadalasang inaatupag niya. Not until one...