Nakapasok na kami sa mismong headquarters ng student council ay walang imik pa rin si Gwy sa gilid ko. Hindi ko alam kung nahihiya pa rin ito sa akin or she already saw through me?
Medyo imposible naman yung former kasi nagawa niyang mag-alok ng tubig sa'kin kanina at ako pa ang kumalas sa staring contest namin sa convenience store. So ano? Yung latter ba? If yung pangalawa nga, aba'y tangina. Isang araw pa lang sa plano, palyado na agad?
Hindi ako papayag.
Kaya naman kahit hindi ito pasok sa kalooban ko ay kumuha ako ng wet wipes sa bag ko nang makitang natalsikan siya nang kaunti ng matcha drink ni Adora dahil nag-agawan sila nung Felize sa flavors ng milk tea.
"Ayan tuloy. You're so epal talaga, Felize!" Sabi ni Adora nang pagalit pero halata namang nagpipigil lang din siya ng tawa.
"Huy, sorry bebe Gwy!" Yung Felize naman ang nagsalita at sinubukan nitong lumapit sa isang table kung saan may sanitary napkin.
Bago pa maibigay ni Felize yung napkin na kinuha niya ay inunahan ko na siya.
Gulat pang palipat-lipat ng tingin si Gwy sa mukha ko tapos sa kamay kong may hawak nung wet wipes. Mas lalo ko pa itong nilapit sa kanya para kuhanin niya na.
Pota, ngalay na ako.
Sa kabutihan naman ng Diyos ay kinuha niya na ito sa'kin. Pulang-pula siya habang mahinang nagbigkas ng mga katagang "Thank you."
Tumango lang ako sa kanya at dumiretso na sa table kung nasaan may study session sila Theo at kuya Speed. Naghila ako ng isang upuan. I then sat comfortably on my chosen chair.
"Hi, Copi. I have not seen you in a while. How have you been?" Nakangiting bungad ni kuya Speed sa'kin. Napabaling naman ako kay Theo na natatawang nakadungaw sa'kin. Natawa rin tuloy ako kahit ayaw ko.
Mukhang nagugulumihan si kuya Speed sa reactions namin ng kaibigan ko kaya pinalitan ko na lang ang tawa ko ng isang napakagandang ngiti at nagwikang, "I'm doing well, kuya Speed. How about you?"
"Naks." Dinig kong mahinang bulong ni Theo habang kunwaring nagbi-busyhan na sa pagsulat. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa.
"Aray. Tangina!" Reklamo ni Theo na tinawanan ko lang.
"Why, Theo? What happened? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng tutor ng kaibigan ko.
"Okay lang ako, bro. Epal kasi yung isa diyan. Itago natin sa pangalang Copi." Mapait na saad ni Theo.
"Ha?" Ang tanging response lamang ng tutor. Natawa tuloy kami pareho ni Theo.
"You guys always make me feel like a fool." Natigilan kami ni Theo after marinig 'yon. Nagkatinginan kami saglit ng kaibigan.
"Uy, brodi! Sorry na! Anong fool? Ikaw? Fool? Kami kaya 'yon." Napatango-tango pa ako sa mga winiwika ni Theo.
"Hey! I'm not saying na galit ako because of that. To be honest, natutuwa pa nga ako eh kasi nararanasan ko rin matawag or maging bobo at lutang." Nakangiti pa ang tutor habang sinasabi iyon.
Laglag naman ang mga panga namin ni Theo habang parehong nakamasid kay kuya Speed na hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi.
Ang weird niya? Eh halos karamihan nga ayaw matawag na bobo or lutang tapos siya gusto niya? Baka ganito talaga ang mga tunay na matatalino. May weird kinks. Haha.
Nawala lang ang aking atensyon kay kuya Speed nang may biglang sumigaw ng pangalan ko. Nilingon ko kung saan ito nanggaling.
Sa table nila Gwy at mga tropa niya.
YOU ARE READING
Bubbles
Teen FictionCopi Martinez dislikes one of his school's popular girls, Gwyneth Barretto. Sa sobrang pagkadisgusto niya rito ay gumawa siya ng hate twitter page against her. Puro pangbabash at panglalait lamang kay Gwy ang kadalasang inaatupag niya. Not until one...