CHAPTER 11

21 3 0
                                    

Win was helping me packing my things‚ tommorow I‘ll be back in Casa Hesteria. Kahit kasama ko pa ito namimiss ko na agad si Win.

I have a great vacation together with her‚ I would cherish each moment of our bonding. Madami kaming pinuntahan ni Win‚ I love all the experience that we had shared together. Sana maulit pa.

I was in the midst of folding my clothes when Win plucked me. Napalingon ako sa kanya. “Yes?” I stop myself from folding bago tinuon ang pansin sa kanya. Basi sa mukha nito‚ mukhang may importante itong sasabihin.

“Kasi Shia‚ matagal ko na ’tong gustong sabihin pero laging nauudlot,” bigla akong kinabahan sa sinabi niya. I hope this is a good news.

“Hmn?”

“Si Vrix.”

“I had no updates regarding on him since I left. I haven‘t recieve a single message on him,” nasaktan ako sa sinabi ko‚ kahit isang mensahe hindi lang man ito nag-abalang i-update ako pero nagawa niya pang mag-post ng picture nila ni Maui. I should crop this in my mind. I need to refragate myself.

“Sure ka ba na mahal ka ni Vrix?” am I really sure that he loves me? Ang sakit namang isipin na hindi.

“Ewan,” may pait sa tinig ko. I was uncertain towards his feelings on me but I really do love him. Pure fact.

Seryoso ang mga mata ni Win na nakatitig sa akin‚ halos hindi na nga ito kumukurap. Nakakakaba naman ang titig niya. “Narinig ko si Vrix at Maui dati,” panimula niya. Nagsimulang magtambol ang tibok ng puso ko, kaya ko bang tanggapin kong ano ang malalaman ko?

Sasabihin niya ba na niloloko ako ni Vrix at Maui? I can‘t‚ ang sakit.

“A-anong narinig mo?” I‘m dying in curiosity.

“One time no’n binisita ka ni Vrix sa room natin. Saktong bumili tayo sa canteen pero nag-paalam ako na kukunin ko ’yong wallet ko sa bag kasi naiwan ko,” pabitin din ang isang ito. Hindi padin humuhupa ang kaba sa dibdib ko na nagpapasama ng pakiramdam ko.

Lumapit ito sa akin. “Nakita ko si Vrix‚ lumapit siya kay Maui bago ito tinanong kung nasaan ka. Akala ko doon na matatapos ’yong usapan nila pero do’n ako nagkakamali,” patuloy nito habang hindi pinuputol ang titig nito na nagpapalambot sa akin. Nanghihina ako sa hindi malamang dahilan.

Hinipo nito ang likod ko bago tuluyang naupo sa tabi ko, sinusubukan niya akong pakalmahin.  “Shia‚ rinig na rinig ko ang mga sinabi ni maui. ‘Hanggang kailan mo gagamitin si Shia?’” mapait akong napangiti sa narinig ko‚ all this time ginagamit niya lang pala ako.

Sa anong paraan ako ginagamit ni Vrix? Really? Coming from Maui? Oh! Fuck! I hate this. Niloloko lang ba ako ni Vrix?

Nanatili akong tahimik habang nakatitig kay Win‚ she knows that I‘m in pain right now. I‘m not good in hiding my emotions. Naiiyak na naman ako. Lagi na lang ba akong iiyak? Hindi naman ako iiyak kung hindi ako nasasaktan ng ganito. Parang ginagago lang pala ako.

“Hindi ko expected na sasagutin siya ni Vrix ng ‘Not yet‚ I‘m just starting. Just watch how will I break her.’ Hindi ko alam Shia kung totoo ba ang pinapakita ni Vrix sayo‚ I hope na totoo ang pagmamahal niya sa’yo,” pagpapatuloy niya.

Really? Coming from Vrix? Ito ba ang paraan niya ng pagbasag sa akin? Gago ba siya para gawin 'to sa akin? How dare him?

Hindi ko na alam kong anong emosyon ang pumapaibabaw sa akin, I am mad, disappointed, hurt, I want to cry. Pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na.

Sa dalawang taon na magkasama kami‚ minahal niya ba talaga ako? Bakit niya ako kailangang gamitin. Laruan ba ang tingin niya sa akin? Ano ba ang makukuha niyang premyo? I thought he‘s an almost perfect man. Siguro perpekto siya sa mata ng mga bulag.

Twisted Fate by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon