Madalas akong magka-crush or magka-gusto sa isang tao, pero ang iba ay di tumatagal.
Ang lagi kasing nasa isip ko, pag magmamahal o magkakagusto ka sa isang tao, 'wag mong ibibigay lahat lahat ng feelings mo para sakanya dahil madami pang pwedeng mangyari sa buhay mo at madami ka pang makikilalang tao.
Kaya pag nagkakagusto ako sa isang tao, di talaga tumatagal. Maraming tao ang dumadaan sa buhay natin para turuan tayo ng leksyon. Pero, naniniwala akong may isang taong dadating dahil siya ang nakatakda para satin at mamahalin tayo ng tunay. Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay at darating rin ang taong para satin sa tamang panahon.
At dahil ilang beses narin akong nasaktan, ang lagi kong pinapaalala sa sarili ko ay 'wag akong ma-fall agad kung 'di pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko para sa isang tao dahil masasaktan lang din naman ako ulit.
Pero dahil sa isang hindi inaasahang pagtatagpo naming dalawa, masusunod ko pa kaya ang lagi kong pinapaalala sa sarili ko? O ito na ang simula ng pagbabago?
~ Sabienne
***
Hello guys! First story ko po 'to and gusto ko po malaman kung okay lang po para ituloy ko. Feel free to comment and vote kung okay lang and kung ano pong tingin niyo. Thank you! ~ ♡
BINABASA MO ANG
Till I Find You
Teen FictionIlang beses na akong nasaktan. Kaya naman ang lagi kong pinapaalala sa sarili ko ay 'wag akong ma-fall agad kung 'di pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko para sa isang tao, dahil masasaktan lang din naman ako ulit. Pero dahil sa isang hindi inaa...