Chapter 3: Message (Edited)

46 7 0
                                    

Ryan's P.O.V

Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon. Katabi ko si Sab ngayon na halatang inaantok na. Nakasandal siya sa window ng kotse. Napagod siguro siya kanina sa pamimili at paglalaro.

"Nag-enjoy ka ba Sab?" Tanong ko sakanya.

"Ah, oo naman syempre nag-enjoy ako. Nakakapagod nga lang." Sagot naman niya habang natatawa.

"Oo nga eh. Inaantok ka ba? Tulog ka muna. Medyo malayo panaman tayo sa bahay mo eh." Sabi ko naman sakanya.

"Ah oo eh, inaantok na ko. Pa-gising nalang pag malapit na tayo ah?"

"Sige sige." Sagot ko sakanya. Pumikit narin siya ng mata.

Lumapit naman ako kay kuya at sinabi sakanya na dumaan muna kami sa park doon sa village nila Sab bago siya ihatid sa bahay niya.

Nakatulog na ng tuluyan si Sab. Nakita ko yung posisyon niya. Mangangawit siya niyan.

"Sab, halika rito. Sandal ka, mangangawit ka niyan." Kalabit ko sakanya.

"Ayy, sige. Thanks Ry ah?" Sabi naman niya sabay lapit sakin at sumandal sa balikat ko.

Inakbayan ko naman siya. No malice please. Bestfriends lang kami.

Kanina sa mall, pagkatapos nang pag-uusap namin tungkol sa past ni Sab, di na siya masyadong nagsasalita. Alam kong di pa siya naka move-on sa nangyari sakanya dati, kaya naisipan kong dalhin muna siya sa park para makapag-usap kami.

Medyo malapit na kami, gigisingin ko na sana si Sab kaso halata mong mahambing yung tulog niya. Kaya hindi ko nalang muna siya ginising. Napagod nga siya.

Nandito na kami sa may park. Nang tumigil na kami, nagising naman si Sab. Tumingin siya sa labas ng bintana na halatang gulat.

"Oh Ry? Di naman dito bahay ko ah? Ba't tayo nandito?" Sabi niya sakin na halatang naguguluhan.

"Basta, tara na!" Sabi ko sakanya sabay bukas ng pinto at hinawakan ko na rin yung kamay niya at sinama siya palabas.

"Uy Ry! Ano ba yan! Ba't ba kasi tayo nandito?" Sabi niya nang nakarating kami sa playground.

"'Di na ko magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong may bumabagabag sayo." Tinignan ko siya at natahimik siya bigla. "At alam kong tungkol din 'to sa past mo. Nag-aalala ako sayo kaya feel free to open-up. Para san pa't magkaibigan tayo diba?" Sabi ko na may bakas ng pag-aalala.

Dumiretso siya sa may swing at umupo doon. Sinundan ko narin siya at umupo sa katabi niyang swing.

"'Di ko nga rin alam ehh... Kung bakit ako nagkakaganito. Hindi naman talaga ganun kalaki yung impact nung nangyari sakin dati..." Sabi niya habang nakangiti pero bakas na bakas yung pagkalungkot niya dun. Di ako naniniwalang di malaki impact nun sakanya... Kaya naman binigyan ko siya ng i-know-you-kaya-di-mo-ako-maloloko look kasi alam kong iba yung gusto niya talagang sabihin.

"Ewan ko sayo! Nakakainis ka talaga eh... Oo na! Sige na. Nalungkot talaga ako nun at sobrang nasaktan. Ikaw ba naman 'di ba? Ipahiya ka sa buong section nila? Anong mararamdaman mo?" Sabi niya habang nakayuko sabay sipa sa mga batong nagkalat sa paligid ng swing.

"Natural, masasaktan ako at syempre nakakahiya yun no. Lalo na't medyo masasakit yung mga sinabi niya sayo. Pasalamat talaga yung gagong yun dahil wala kami nung nangyari yun. Kung nakita lang namin yung ginawa nun baka di na sinikatan ng araw yun matagal na!" Nako! Pasalamat talaga yung lalaking yun kasi kahit na ganun yung ginawa niya kay Sab, pinigilan kami ni Sab na gumanti pero kapag may nangyari nanamang ganun na eksena, aba, 'di na ata tamang hayaan nalang namin yun 'no!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon