Chapter 1: Project

77 9 0
                                    

Sabienne's P.O.V.

"Okay class, so maghanda na kayo para sa gagawin niyong project this Thursday. Sige, pag-usapan niyo na ng mga kagrupo niyo kung sino ang naka-assign para sa mga materials na gagamitin niyo. Tsaka pag-usapan niyo narin kung sino ang leader ng bawat group. That's all. Goodbye, class." Sabi ng teacher namin kaya naman nag goodbye narin kaming lahat kay Miss Tolentinas at pumunta sa designated groups namin.

Pumunta na ako sa mga ka-grupo ko na sila Cheska, Magui, Josh at Ryan.

"Uy syempre, kilala niyo na sino leader natin ahh." Sabi naman ni Josh nang makarating na kami sa sulok ng classroom na in-assign samin para mag-usap usap. Kaya napatingin naman kami sakanya.

"Oo nga, pano ba yan Sab? Ikaw na leader ah. Sige ikaw na bahala sa lahat ahh!" Dugtong naman ni Ryan sa sinabi ni Josh. Aba, nakangiti pa ang loko. Haaays, sabi ko na nga ba eh, ako nanaman napagpilian maging leader.

"Uy, anong ako na bahala?! Wala pa nga akong sinasabi na pumapayag na akong maging leader eh. Hmph! Osige, ako leader. Pero umayos kayo, bahala kayo. Yung mga di makikipag cooperate, subukan niyo lang. Wala kayong grade para sa project na 'to." Sabi ko naman sakanila. Ha! Kala nila makakalusot sila ah. Sus, talaga tong si Josh at Ryan, ang tatamad!

"Oo nga guys, sige pag di kayo makikipag cooperate di namin ililista pangalan niyo sa members." Pag sang-ayon naman ni Cheska sa sinabi ko kanina.

"Oo na, sige na makikipag co-cooperate na. Binibiro ka lang naman namin kanina Sab. Mahal ka namin no, syempre di namin itatambak sayo lahat ng gawain para sa project." Nakangiting sabi naman ni Ryan sabay taas baba pa ng kilay, tas inakbayan pa ako. Sus, as if i know naman na ayaw niya lang mawalan ng grade para sa project na 'to. Pero napatawa parin ako sa sinabi niya. Kahit na loko-loko 'to minsan, nagiging mabait rin 'to.

"Oo na, sige na! Sige, magsimula na tayo sa pag assign ng mga materials na dadalhin..." Natawa nalang kami at nagsimula na kaming mag pilian.

Merong mga nag-aagawan pa sa dadalhin. Hay nako. Kaya ang ginawa namin, nag bunutan nalang kami. At mukhang okay naman na kaming lahat sa mga nabunot namin kaya wala ng umangal pa.

"Ay, diba wala namang pasok bukas? Kasi holiday diba? Sakto! Gusto niyo sabay sabay nalang tayong bumili ng materials?" Biglang suggest naman ni Magui. Oo nga no! Sabay sabay nalang kaming bibili! Galing talaga ni Magui!

"Oo nga! Sakto! Ano guys game kayo? Tas gala na rin tayo." Pag sang-ayon ko naman kay Magui. Napangiti naman sila Josh, Ryan at Cheska at tumango narin.

"Sige, sige. Sabay-sabay nalang tayo. So ano? Final na ah? Pag-usapan nalang natin yung time at place mamaya." Sabi naman ni Josh kaya tumango narin kami.

***

Lunch break na namin kaya dumiretso na kami sa canteen nila Magui at Cheska. Sila rin kasi mga bestfriend ko kaya madalas rin kaming magkakasama.

"Ang haba ng pila." Sabi ni Magui habang nakatingin sa sobrang habang pila sa canteen.

"Malamang lunch break ngayon eh. Hay nako Magui!" Natatawang sabi ni Cheska na nagpatawa narin samin. Oo nga naman, lunch break eh.

"Oo alam kong lunch break na. Sus sinabi ko lang naman na ang haba ng pila." Sabi ni Magui sabay sinamaan niya ng tingin si Cheska. Ang kulit talaga nilang mag-away.

"Oo na Magui, chill. Puso mo, baka mahulog." Sabi ni Cheska habang natatawa pa.

"Whatever." Natatawang sabi ni Magui kay Cheska.

Pumila na kami at bumili na ng pagkain. Nang makahanap na kami ng table, nagsimula narin kaming kumain.

"So Magui, kumusta naman na yung manliligaw mo?" Tanong ko kay Magui na bigla namang nasamid dahil sa tanong ko. Nililigawan kasi siya ni Daniel. Ka-batch namin siya pero ibang section siya.

Till I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon