Chapter 2: Blue

60 9 0
                                    

Sabienne's P.O.V.

Nasa loob ako ng kwarto ko at katatapos ko lang kumain ng dinner with my family. Nagkwentuhan rin naman kami habang kumakain. Kinamusta naman nila Daddy kung kumusta sa school kaya sabi ko naman okay lang. Nagpaalam narin ako para bukas sa pagbili ng mga materials namin para sa project tsaka sa gala. Pumayag naman sila kaya okay na ang lahat. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa work nila Mommy at Daddy pati narin yung studies nila Ate Kaye at Kuya Ivan.

Nagbabasa lang ako ngayon ng libro ko nang biglang nag notify na may message ako. Kaya naman agad kong binuksan phone ko at binasa ang text.

Cheska:

Guys 12:00 pm bukas and bahala na kung hanggang anong oras tayo. Hahaha! And as usual, kung saan tayo lagi nagkikita-kita dun na yung meeting place. Sige guys, kita kita nalang tayo bukas! Goodnight!

Text ni Cheska sakin kaya nag reply din ako agad.

Okay sige, thanks for the details Cheska! Sige, goodnight! See you tomorrow!

At sinend ko na sakanya. Nagpatuloy na ako sa pagbabasa at nang makaramdam na ako ng antok, natulog narin ako.

***

"Yo guys, tara na." Sabi ni Josh nang makarating na lahat sa meeting place. Kaya naman lumabas na kami at naglakad lakad muna sa mall.

"So ano? Kain muna tayo?" Tanong ni Ryan at nag sang-ayon naman kaming lahat.

"Saan tayo kakain? Gusto niyo sa fastfood nalang? Or what?" Suggestion naman ni Cheska.

"Sa fastfood nalang, pwede na yun." Sagot ko naman sakanya at tumango narin naman yung iba kaya naghanap na kami ng makakainan.

Pagkatapos naming kumain ay bumili na kami ng mga materials para sa project. Medyo natagalan kami sa pagbili kasi madalas pa kaming nagtatanungan kung alin ba sa mga pagpipilian yung bibilhin namin.

Nang matapos na kami ay pumunta na kami sa counter at binayaran lahat ng pinamili namin.

"Guys gusto niyo iwan muna natin 'to dun sa may iwanan ng mga gamit? Para wala tayong masyadong bitbit sa pag gala natin." Sabi naman ni Magui.

"Oo sige tara na. Iwan nalang natin 'to dun." Sabi naman ni Josh. Tumango narin kami at pumunta na doon sa deposit counter. Sakin naman nila pinatago yung number para ma-claim yung mga pinamili namin.

"So ano? Tara arcade na!" Sabi ni Ryan.

"Game! Tara na! Ambagan ah!" Sabi naman ni Josh ng nakatawa pa. Natawa nalang din kami at pumunta narin sa arcade. 'Di makapaghintay 'tong mga 'to eh, masyadong atat!

Pagkadating namin ay nagpa-load na kami ng card and syempre ambagan! Pagkatapos ay naglaro narin kami.

"Tara basketball tayo!" Sabi ni Ryan kaya naman sumunod kami sakanila.

"Dali, swipe niyo na tas pahiram kami ng card, Tekken lang kami." Sabi ko sa mga boys kaya naman pagkatapos nila mag swipe binigay na nila samin yung card. Naglaro kaming girls ng Tekken. Tas pagkatapos namin mag Tekken nag basketball narin kami.

Maya maya habang naglalaro kami ay may nakasalubong si Ryan.

"Uy Ryan! Ikaw pala yan!" Sabi ng isang lalaki kay Ryan na natatawa pa. Mga lima ata sila o apat. Tas may isa ring babae. Baka girlfriend nung isa sakanila.

"Oh nandito rin pala kayo! Eyyy." Sabi naman ni Ryan sakanila at nakipag apir.

"Uy Ry, isa isa lang." Tumatawang sabi nung isang lalaki. Pffft! Tinutukoy niya kaming mga girls, isa isa lang daw. Siguro mga kaibigan ni Ryan yun.

Till I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon