Aviel

7.4K 151 10
                                    

Aviel's POV

"Bakit ba lahat na lang ng company na napupuntahan ko ay laging nagsasara? Kasalanan ko ba? Ako ba? Bakit parang kasalanan ko?"

Halos maibuga ko ang iniinom na orange juice nang magsalita si Jade. Kasamahan ko siya sa trabaho. Pareho kaming receptionist sa isang multi-national company kaso magpu-pull out na sa Pinas. Mahigit tatlong taon na rin akong nagtatrabaho dito. Si Jade kasi ay kaka-regularize lang last month nang biglang nag-announce na isasara na nga ang branch dito.

Friday ngayon pero sa halip na magcelebrate kami ay ito, nilulunod ng mga kasama ko ang sarili sa alak dahil sa masamang balita kaninang umaga. Tatlo lang kami dito. Ako, si Jade at si Alex, este Alexa pala. He identifies as a she kaya nagagalit kapag napagkakamalan na lalaki.

Paanong hindi, mukha kasi itong straight na lalaki dahil hindi naman naglalagay ng kung anu-ano sa mukha. Bihis panlalaki rin ito. Maliban sa sobrang alaga nito sa balat at katawan ay wala ng iba pang senyales na babae pala ito sa puso't gawa.

Nasa karaoke room kami dahil yun ang gusto ni Jade. Ayaw daw nya sa amoy ng bar kaya pumayag na lang kami ni Alexa dahil ako mismo ay wala talagang gana na lumabas ngayon.

"Girl, ikaw talaga ang sumpa," maarteng sambit ni Alexa habang maingat na umiinom ng hindi ko malaman na kung ano sa baso nya. "Bawal kasi ang pangit kaya noong dumating ka, delubyo. My gosh! Sino ba kasing HR ang naghire sa'yo?"

"Excuse me?!" naiinsultong binagsak ni Jade ang baso sa glass table. Buti na lang mukhang hindi naman mababasag. "Sa ating tatlo, ikaw lang ang kabayong pangit! Palibhasa kasi nabudol mo yung HR na patay na patay sa'yo kahit na berde yang dugo mo. Panget!"

"Pangit? Ako? Excuse you. Tingnan mo nga yang make-up mo? Sino bang nagsabi sa'yo na araw-arawin mo ang mala-Drag Race mong make-up? Mukha kang nawawalang peacock. Ginawa mo pang comedy bar ang company. My gosh," umirap pa si Alexa saka kumuha ng pulutan.

Binigyan naman siya ng matalim na irap ni Jade na nag-cross arms lang bago sumandal.

Nasanay na ako sa bangayan nila kaya hindi na ako nagugulat sa mga batuhan nila ng linya. Hangga't hindi nagkakasakitan ay ayos lang.

Hindi ako umiinom dahil sobrang baba ng alcohol tolerance ko. At isa pa, ako ang maghahatid sa mga ito na paniguradong hahandusay na naman mamaya. Mga lasenggo.

May videoke nga pero wala namang kumakanta sa amin. Nagpatugtog na lang sila ng background music na hindi naman akma sa mood naming tatlo.

🎶🎶🎶
Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako hihihihi
Banal na aso, santong kabayo
Natatawa ako hihihihi

🎶🎶🎶

"Aviel, paano yung law school mo? Hindi ba senior year ka na?" pag-iiba ng mood ni Alexa na halata ang concern sa tinig.

"May separation pay naman tayo. At saka mukhang maayos naman raw ang package na ibibigay sa'tin. Kakayanin na siguro habang wala pa akong nahahanap na trabaho."

Napabuntong hininga ako.

Kung kailan naman malapit na akong matapos ay saka pa 'to nangyari. Minsan napapaisip na lang ako na baka hindi nga talaga to para sa'kin. Pero ang lapit na kasi eh. Isang taon na lang tapos bar exams na.

"Kaya nga hindi ako nag law school eh," sabat ni Jade na nagsisimula ng pisilin ang ulo nya. Mukhang tinatablan na ng alak.

"Kasi hindi kaya ng utak?" mapanuksong baling sa kanya ni Alexa na tumawa pa nang marahan.

"Hindi no! Kasi wala akong pera. Hmp!" Umirap na naman si Jade.

"Walang pera pero pambili ng luxury bags marami? Excuses. Excuses," nanunudyong sagot ni Alexa.

Pro Hac Vice (4th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon