Baby

3.1K 119 29
                                    

Aviel's POV

"Oh, gosh! Babe, sinong gumawa sa'yo nyan?" bungad ni Claire nang makapasok siya sa loob ng aking kwarto.

Umupo siya sa aking tabi dito sa kama.

Dalawang linggo na ang dumaan simula noong aksidente pero ngayon lang ako nakabalik sa aking condo. Minor lang naman daw sabi ng doktor dahil wala namang natamaang ugat. Sa Lunes ay kaya ko ng bumalik sa trabaho pero kailangan ng alalay ng saklay.

"Aksidente lang, Claire. Mababaw naman ang sugat," nakangiting sagot ko sa kanya. "Iyong gamot lang ang medyo nakakaantok."

Hindi ata kumbinsido si Claire dahil itinaas niya pa talaga ang suot kong nighties para lang makita nang maayos ang sugat. Ang tagal nyang nakatitig doon sa aking sugat bago niya bitawan.

"Ano ba kasi ang nangyari? Dapat pala ay sinamahan na lang kitang bumalik sa kwarto mo. Nadisgrasya ka tuloy. Tapos hindi ka pa ma contact for two weeks. Nag-alala ako sa'yo," parang batang tampo niya.

"I'm sorry, Claire. Di na ako nakapagsabi sa'yo. Panay pahinga lang kasi ang ginawa ko," hingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Kailangan mo ba ng kasama dito? Sasamahan kita," suhestyon niya habang nakahawak sa aking kamay.

Umiling ako, "Ayos lang, Claire. Kaya ko naman. Babalik na nga ako sa trabaho sa Lunes eh. Remote working nga lang."

"Sure ka ba? Paano iyong food mo? Di mo ba kailangan ng alalay?" tanong niya sa akin.

"Kaya ko na, promise. May pumupunta dito para magluto. Don't worry about me, okay? Asikasuhin mo na lang iyong kasal mo," muli kong tanggi.

"Kaya mo na bang maglakad after two months? Kukunin sana kitang maid of honor eh," tanong niya.

"Oo naman. Kaya na. Thank you, Claire. I'll be there," sagot ko sa kanya.

"Good. Kapag hindi, I'll move the wedding date," seryosong saad niya.

"Hoy, loka ka.  Hindi naman ako ang groom mo, no? Pupunta ako, okay? Stick to the date na," saad ko sa kanya.

Tumango siya bago tumahimik. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay na hawak niya. May gusto siyang sabihin.

"Claire, ano yun?" untag ko sa kanya.

Napangiwi siya at tumingin sa aking mga mata.

"May hindi ako nasabi sa'yo bago tayo umuwi dito sa Pilipinas," saad niya at nagbaba ng tingin.

Umangat ang isa kong kilay.

"Okay, I know na ayaw mo sa mga nagsisinungaling pero bago ko lang din nalaman ang result," depensa niya.

"Oh my God! Are you pregnant?" tanong ko sa kanya.

"Oh my God! No! After one year pa namin balak ni Andy magkaroon ng baby," mabilis na tanggi niya.

"Eh ano nga? Pa suspense ka pa dyan eh," saad ko sa kanya.

"I passed the California bar. Noong May pa lumabas ang result pero hindi ko na tiningnan ang resulta kasi nga gusto ko ng umuwi sa Pilipinas," hayag niya.

"You took the bar?! Paano? Hindi ka pa tapos sa law school mo, di ba?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I graduated before you met me. Iyong mga panahon na magkasama tayo, I was reviewing na. Hindi ko sinabi kasi baka maudlot ang pagpasa?" paliwanag niya. "To be fair, nobody knew except me. Kahit iyong mga magulang ko ay hindi rin nila alam."

"Oh," tanging naibulalas ko.

"Galit ka?" tanong niya.

"Nope. I'm happy for you, Claire. Congratulations," nakangiting saad ko na ikinahinga niya nang maluwag. "Will this change anything?"

Pro Hac Vice (4th)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon