19: FINALE

360 26 1
                                    

Elijah's POV

"Woi ackla ano na gumising kana anong oras na oh jusko naman" rinig kong boses ni Yanang sabay pinag papalo ako sa pwetan ko

"Hmmm mamaya na ang aga palang oh" pag saad ko sa kanya tapos tinalukbong ko ang kumot ko sa ulo ko

"Mako gising na" rinig ko sa boses na malambing na tono. Dax?!

Agad kong inalis ang pag talukbong ko sabay napa upo sa pag kahiga ko. Kita ko si Dax na isinara ang pinto ng kwarto ko naka suot siya ng simpleng light brown na damit may kwintas siyang silver tapos naka maong na pantalon tapos naka white shoes tapos may salamin pa siyang bilog na suot ang hot niya sa suot niyang ito. Shems ang gwapo ng boyfriend ko.

"Mako alam ko naman gwapo ako kaya huwag mo na akong titigan ng ganyan sige ka kapag ako natunaw wala ka ng mahahanap na ganito ka hot ka gwapo at ka sarap na boyfriend sige ka pag sisisihan mo iyan" pam bobola nito sa'kin

"Jusko naman ang aga aga ang tamis niyo na agad lalabas na muna ako bahala kauo diyan ew~" wika nito sabay tumayo sa kama ko at lumabas ng pinto.

Lumapit si Dax sa higaan ko at naupo.

"Tumayo ka na diyan at nag hihintay na sila sa baba" ang wika ni Dax sabay. May usapan kase ang pamilya nila Dax na may magaganap na Picnic ngayon sa isa sa lupain nila sa Tagaytay dun sa may Rest House nila sa Tagaytay kaming lahat kasama at  sila Yanang, Loid at Hiro.

"Oo na, tatayo na po" saad ko kaya naman tumayo na ako at nag tungo na sa banyo sa kwarto ko iniwan ko na muna si Dax sa higaan ko at nag hilamos na ako sabay nag sipilyo na rin. Pag katapos ay binuksan ko na yung shower ko para makaligo na rin nakakahiya naman ako pa ang pa VIP diba? HAHAHA eme lang. Matapos ang kaganapan nung nakaraang linggo nung nakidnap ako ng grupo ng F3 kasama na si Larah eh eto ako ngayon buhat na buhay at syempre may kaunting trauma na rin sa mga nangyari pero ayos na ako nandiyan naman ang pamilya ko tsaka mga kaibigan ko kasama na rin si Dax laking pasasalamat ko sa kanya dahil sa niligtas niya ako sa pangyayaring iyon. Tsaka isa pa kung siguro kung hindi dahil sa kanya eh tigok na akes huhu ayoko pa nu tsaka marami pa akong pangarap sa buhay ko nariyan na yung pagbuo ng pamilya. Kung hinahanap niyo kung nasaan na ang F3 pati na si Larah? Ayun nasa kulungan na sila habang buhay pati na rin yung tatay ni Larah nasa kulungan na rin. Magandang nasa kulungan na sila at baka may mangyari o baka may maganap pang kung ano mas mabuti ng wala kesa meron.

Tapos na ako maligo at ngayon eh palabas na ako ng banyo ko wala naman na si Dax kaya naman eh nag hanap na ako ng damit hindi naman daw gaano malamig ngayon dun kaya baka mag croptop nalang ako tapos high waist pants kaya naman kinuha ko na yung white na croptop ko tapos yung black na high waist pants ko tsaka nag suot na rin ako ng accessories tapos sinuot ko na rin yung boots kong 4inch lang ang taas ng takong. Nag ayos na rin ang ng buhok at nakapag make up na rin ng very very light lang pagkatapos eh  kinuha ko na yung phone ko na naka charge. Sabay lumabas na ako ng kwarto ko. Pag baba ko ng hagdab eh nakita ko nasa sala na pala silang lahat nag aantay habang nag kwekwentuhan.

"Ayun ayos na ang lahat tara na" wika ni tita na mama ni Dax mabait ang mama ni Dax infact eh siya ang nag babantay sa'kin nung nasa hospital pa ako tsaka ka vibes ko si tita parehas kaming mahal na mahal ang fashion world diba.

Kaya naman lumabas na kami nakita ko ang isang family van na kulay puti siguro diyan kami sasakay. Pero hindi pala pag pasok ko palang sa Van.

"Mako hindi tayo sasabay sa kanila" pag pigil ni Dax sa akin sabay hawak sa pulusuhan ko sa kamay.

"Ay hindi ba? Pero saan naman tayo sasakay?!" Pag tanong ko alangan naman na lalakarin namin dito mula Tagaytay?!

"Honey dun ka sasakay sa sasakyan ni Dax kase sinabi ni Dax na dun nalang daw kayong dalawa" sabi ni Tita

TRANS SERIES I: Loving The Unlovable [TRANSxMAN]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon