01: Elijah Meet Dax

1.8K 88 4
                                    

Elijah Santiago's POV

"Heto ako basang basa sa ulan walang masisilungan, walang malalapitan~" ang pag kanta ko sa loob ng banyo

Well ganyan naman ang lagi kong ginagawa kumakanta sa loob ng banyo tapos ayun mamayang hapon uulan. Aba'y syempre yung ulan ang mag adjust alangan naman na ako? HAHAHAHA charotism. Katatapos ko lang maligo at naka bihis na ako ng choco brown dress and nag white shoes na ako since di required ang uniform sa university na pinapasukan ko kahit anong suot ok lang basta't 'wag lang raw ang mga medyo revealing na na mga kasuotan like skirt na napaka iksi mga tube basta mga di ka aya aya na mga kasuotan basta naka suot ka ng I.D. mo ang swerte ko kaya sa university na pinapasukan ko ngayon kase ina-allow nila ang mga Transgender na katulad ko mag aral sa paaralan nila and bihira lang sa mga universities ang mga ganyan. Yun iba kaseng mga school kase mga Homophobic kaya nakaka awa yung mga part ng LGBTQIA+. Well thankful pa din ako kase ngayon ina-allow nila ako sa university ko like what i said before naman diba?!.

"Elijah, tama na yang kaka make up mo kakain na!" Ang pag katok ni kuya Ali sa pinto ng kwarto ko

"Nandiyan na Kuya!" Ang pag sagot ko

Well, sa pamilya namin ako ang nag iisang reyna ng bahay simula nung pumanaw na si mama nung isinilang ako sa'kin niya na ipinasa ang korona ng bahay. Char lang naman, and sa pamilyang ito puro lahat boksingero like sila Kuya Eli at Kuya Ali na mga boksingero and yes kambal sila tatlong taon ang agwat nila sa'kin naka hiligan nila ang pag boboksing nung nila si Papa simula nun nag simula na nilang kahiligan ito. Ang swerte ko kaya sa pamilya namin tinanggap nila ako as a Girl tinatrato nila ako na tunay na babae mag start kase ako mag transition nung grade 11 na ako like take lang ng mga HRT and ayun hanggang sa sila kuya na ang bumibili para sa'kin diba? for the susuhan ang peg ko bakit ba? HAHAHAHAHA well etong si Papa matapos niyang mag quit sa pag boboksing nag tayo siya ng isang Convenience Store malapit dito sa kina tatayuan ng bahay namin and kami kami ang mga staff dun sila Kuya Ali sa Umaga si Kuya Eli sa Gabi at ako tumutulong lang sa kanila pag pagod na sila and si papa ang nag papa sweldo samin. Sa awa ng diyos malakas ang benta namin kaya naman medyo nakaka angat kami sa buhay.

"Morning to all!" Ang saad ko pag baba ng huling baitang ng hagdan

"Morning to our little Princess" ang bati ni Papa

"Grabe naman sa Little papa ah" ang saad ko

"Aba'y ikaw lang naman ang pinaka maliit sa ating lahat kami nasa 6footers ang taas ikaw nasa 5'5 lang" pang aasar ni Kuya Ali sa'kin

"Hindi ko na kasalanan iyon, kung si papa sinagad niya sana edi sana matangakad din ako, ikaw naman kase papa bakit hindi mo sinagad nung nag lalabing labing kayo ni mama ayan tuloy pandak ako" ang sinabi ko habang nag papalaman ako ng tinapay

"Sinagad ko lahat lahat nak sadyang namana mo lang ang height ng mama mo pati na ang ganda niya" birong saad ni Papa

"Oo na po" ang sinabi ko nalang

"Nga pala oh Elijah baon mo mag hapon" ang sinabi ni Kuya Eli sa'kin sabay abot ng tumataginting na 500 pesos

"Huhu jusko kuya salamat ah bukod kang pinag pala kesa sa isa diyan" ang pag paparinig ko kay Kuya Ali

Kase naman salitan sila mag bigay ng baon sa'kin at pag si Kuya Eli ang mag bibigay nasa 500 o higit pa pero pag si Kuya Ali na ang mag bibigay nasa 200 lang diba? HAHAHAHAHA.

"Oo na, ikaw kase kilala na kita masayado kang magastos kaya naman maliit lang ang binibigay ko sayo" ang sinabi naman nito

Nang matapos na ako sa almusal ko eh kinuha ko na yung bag ko na katabi ni papa at nag pa alam na din sa kanila bago ako lumabas ng bahay. Last semester na namin ngayon kaya naman medyo pahirap ng pahirap ang mga lesson for todays video char HAHAHA ang kursong kinuha ko ay Business Management sa'kin kase ipapamana yung Convenience Store kaya naman about sa pag papatakbo na ng negosyo ang kinuha kong kurso tsaka gusto ko din naman ito walang namilit sa'kin. Ang mga Kuya ko naman eh tapos na sa pag aaral at di naman nila na apply ang kinuha nilang kurso sa ginagawa nila ngayon. Ewan ko ba sa kanila juskoo. Nang makahanap na ako ng sasakyan eh agad kong sinabi ang pupuntahan ko walang iba kundi sa Elena University (E.U.) Agad naman din kaming nakarating at nag bayad na ako ng 35 pesos na natira sa pera ko kahapon. Nakita ko na nag aantay na pala si Yanang na kaibigan ko simula freshman palang kami.

TRANS SERIES I: Loving The Unlovable [TRANSxMAN]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon